"1... 2... 3... 4... 5... 6... 7... 8... 9... 10!" Tinignan ko yung lalaking nakalaban ko, sayang ang lakas nya kung wala syag diskarte sa buhay, tsk, paniguradong madadala na yang Destiny na yan. "Destiny defeated! The new champion for this week is none other than Faith!" tumayo ako tyaka itinaas ng announcer ang kamay ko, naghiyawan naman ang mga tao, may audience nga pala, ngayon ko lang napansin. May pumasok na dalawang medical allied people sa loob na may dalang stretcher, at tinangay si Destiny para mabigyang lunas o kaya naman ay isugod sa hospital. Lumabas ako ng ring at nagtungo sa likod kung saan nanduon ang mga namamahala ng lugar. Pinatunog ko yung buto ko sa kamay at leeg, habang papalapit ako sa kanila. "Congratulation Ms. Faith"Tinanguan ko sya at tinanong "What time is my next match?" Parang bumalik yung mukha nya kaninang parating ako, nakabusangot at animoy namomoblema, diko tanda ang pangalan nya pero parang Tim? Kim? Rim? Basta may Im, napatingin naman ako sa kanya nung nagsalita sya "So, here's the deal, walang nanalo sa kabilang ring kaya kulang ng isa ang lalahok para sa susunod na palapag, kaya naman bukas pa ang susunod nyong laban." Pathetic losers, nadagdagan pa ang oras na hihintayin ko para makalaban yang Silver plague na iyan. " Woah? Lame" Yan na lang ang naisagot ko, siguro dadaan muna ako sa Chamber upang kamustahin si King at ang request ko sa kanya, balak ko na sanang umalis kaso bigla ulit syang nagsalita "We deposited 10 Million in your account for defeating Destiny and another 10 Million from a guest who enjoyed your show." Nakatingin sya sa phone nya at pinakita ang dineposit nyang pera sa account ko, pang tatlong account ko yun. "Splendid" I said, hindi ko alam na galante din pala ang mag guest na nanood dito, ayos, makakatakas nadin ako sa puder nya. Konting pagtitiis nalang. "Have a good day" yun nalang ang sinabi nya at naglakad papunta sa mga mukhang bagong lalahok "Yeah, you too" Sagot ko kahit na malayo na sya.

Akala ko pa naman ngayon na yung araw na makakaharap ko yung silver plague, pumunta muna ako sa ladies' room at naglinis ng sarili, pinunasan ko yung mga alikabok at dugo-dugo sa katawan ko, nanlalagkit ako, puro pawis na katawan ko, hindi ko lang pawis, pawis din mga nakalaban ko. Wala nga pala akong dalang bag, nasa kotse pala. Kaya naghilamos nalang ako at umihi, paglabas ko ng cubicle may babaeng maganda na nagsasalamin, mukha syang mahinhin, pinunasan nya yung pisnge nya. Mukhang di naman sya kalahok dito, mukha syang guest, siguro isa sya sa mga yon. Agad naman syang napabaling ng tingin sa akin "Hindi mo dapat pinapanatiling madumi ang mukha mo." Nagulat naman ako dahil bigla din syang nagsalita, ang hinhin din ng kanyang boses, samantalang mukhang nakikipag basag ulo lagi kapag nagsasalita "Babae ka, kaya dapat pangalagaan mo ang mukha mo." Lumapit ako sa may harap ng salamin at sy naman ay hinarap ako "Sa lahat ng pagkakataon kahit anong magyari, huwag na huwag mong hahayaang madungisan ang mukha mo, masyadong importante ang pagiging malinis ng isang babae." Bigla syang naglabas ng wet wipes, at pinunasan ang mukha ko, hindi ako umaangal kasi nagagandahan ako sa kanya, bigla kong nalimutan kung bakita ko nandito sa arena at nakikipagbugbugan. Oo, nandito ako sa Arena hindi lang para kumita ng pera, kundi ay para isiping si Nikkia at bugbugin sya ng bugbugin. Nawala lahat ng iniisip ko ng bigla ulit syang magsalita "Ay, pasensya ka na, madaldal talaga ako kahit alang sense mga pinagsasasabi ko." Para sa mukhang mahinhin na babae, sya ang nuknukan ng daldal, pero ayos lang nagagandahan naman ako sa kanya. Tsk. "Ako nga pala si Phoebe Morales" Fivi? Ay Phoebe pala parang Phoenix Morales, magkapatid kaya sila? Ngayon ko lang napagtantong hindi ko papala sya kinakausap, tanging sya lang ang nagsasalita, kahit maganda ka Phoebe, hindi ko padin pwedeng ibigay ang tunay kong pangalan, kaya ang pakilala ko ay "Malu nga pala" Mukha naman syang nagulat, Hala? Kilala nya kaya ako? Kaya ganyan syang makatingin, kinabahan tuloy ako, baka spy sya ni Daniel? Putcha naman ohh. "Akala ko Faith ang pangalan mo?" Faith? Ahh oo nga pala, Faith pakilala ko sa Arena, so, hindi sya alagad ni Dad? Tangina, pano ko lulusutan yon?Bahala na nga... "Malu Faith..." Medyo may alinlangan ko pang pagsisinungaling, mukhang nagulat ulit sya sabay tawa "Hihihi, ang korni mo din pala, sige, mauna na ako! Kita tayo ulit, sa next match mo!" Pati tawa nya mahinhin din, nainsecure tuloy ako, ako kasi balahura ang buhay, tatawa ng labas gilagid, pero sya, may patakip-takip pa ng bibig, kahit mukha syang pabebe bagay naman sa kanya kasi shet ewan, anak mayaman talaga, alam na alam mong angat sa buhay. Natauhan naman ako nung napansin kong ala na pala akong kasama sa C.R, manonood padin sya bukas diba? Pagiigihan ko lalo para mapansin nya ulit ako. Pagharap ko sa salamin, nakita yung Wet wipes, mukhang iniwan nya para sa akin, kinuha ko ito at nagpatuloy sa paglilinis ng katawan. Ang lamlam ng mata nya, ang ganda ng labi nya, at yung dress nyang beige, bagay na bagay sa kanya... Kung lalaki siguro ako, paniguradong love at first sight na to, pero pwede din naman kahit babae diba? Haaayyyst pota ang gulo, lahat magulo, hindi ko muna iintindihin ang pagibig sa ngayon, kailangan ko muna maging independent at makawala sa puder nyang nakakasakal.

He's Nerd, I'm NotWhere stories live. Discover now