Unti unting nawala sa amin ang lahat, ang mga sasakyan, ang aming bahay. Maging ang trabaho ni Papa bilang isang magaling na Doctor ay naapektuhan din ng hindi na niya napigilan pa ang pagalis ni Mommy.

"Babalikan kayo ni Mommy, magiipon lang ako. Pag marami na akong pera babalikan ko kayo" paulit ulit niyang paalala sa amin. Nagmakaawa kaming magkakapatid na wag niyang kaming iwan, wag niyang iwanan si Papa dahil hindi nito kakayanin. Pero buo na ang desisyon ni Mommy. Umalis siya at iniwan kami.

Gamit ang kakaunting ipon ni Daddy ay nakahanap kami ng isang maliit na apartment.

"Aling imelda, sardinas nanaman po?" Tanong ni Anamarie dito.

Siya ang nagbabantay sa amin sa tuwing nasa trabaho si Papa. Uuwi lamang ito pag nakauwi na si Papa sa bahay para may kasama kami.

Sumimangot ang matanda. "Sisihin mo itong kapatid mo..." turo niya sa akin kaya naman napayuko na lamang ako sa aking pagkain.

"Eh halos lahat ng pera ng Papa niyo sa kanya napupunta, za mga gamot niya. Eh hindi pa nga ako nasweswelduhan!" Galit na sabi nito sa amin.

Napasulyap lamang ako sa aking kapatid na napatingin na lamang din sa akin. Nalipat ang tingin ko sa aming bunsong kapatid na si Akie na may sariling mundo habang nilalaro ang kanyang laruan na kotse.

Bumibigat ang aking dibdib sa tuwing iniisip kong hindi kami makakaahon kahit pa anong gawing pagtratrabaho ni Papa dahil sa kalagayan ko. Sa pambayad ng utang at sa gamot ko pa lamang ay ubos na ubos na ang kanyang sahod.

Lumipas pa ang ilang buwan na ganuon ang aming naging buhay. Hanggang sa hindi na kinaya ni Papa. Bumagsak ang kanyang katawan. Nagulat na lamang kami isang araw na may magasawang pumunta sa aming bahay.

"Sure ka na ba Doctor Guevarra?" Tanong ng babae.

Nakaupo lamang ako sa sofa habang nakatingin sa kanila. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Sina Anamarie at Akie ay pinapasok sa kwarto kasama si Aling Imelda, ako lamang ang naiwan sa labas kasama si Papa at ang mga bisita nito.

Nakatingin sa akin ang babaen, kita ko ang awa sa kanyang mga mata. "Kung gusto mo dagdagan mo na lang ang uutangin mo sa amin" payo pa sa kanya nung lalaking kasama nung babae.

Tahimik ko lamang silang pinapanuod. Nakita ko ang pagkislap ng mata ni Papa dahil sa nagbabadyang luha. "Hindi ko kakayanin, maselan ang kalagayan ni Amaryllis" emosyonal na sabi ni Papa sa mga ito.

Dahan dahang tumayo ang babae at lumapit sa akin. "Hi Amaryllis. Ako si Mama Maria mo" pagpapakilala niya sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Hindi ko po kayo Mama" magalang na sabi ko sa kanya.

Naglipat lipat ang tingin ko sa kanya at kay Papa. Kita ko ang mariing pagpikit nito. Marahang hinawakan ng babae ang aking pisngi.

"Habang nagpapagaling ka, ako muna ang magiging Mommy mo" malambing na sabi niya sa akin kaya naman kaagad akong napailing.

Mabilis akong tumakbo kay Papa at yumakap dito. "Papa ayoko po..." umiiyak na pakiusap ko sa kanya.

Kahit hindi pa nila sinasabi sa akin ang tunay na dahilan kung bakit sila nandito ay nararamdaman ko ng ilalayo nila ako sa Papa at mga kapatid ko. Mahigpit akong niyakap ni Papa. "Please po Papa, ayaw ko po" humahagulgol na pakiusap ko.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Where stories live. Discover now