To answer Carl's question, oo, nakakakita ako ng kaluluwa. Nakakausap ko rin sila pero medyo matagal na rin nang huling may kinausap ako. Paminsan-minsan, kahit sa esk'welahan, may nakakasalubong ako. Mga kaluluwang hindi matahimik. Pero binbalewala ko lang din.

"Tara na, Ate," aya ng kapatid ko. Nilingon ko siya at nginitian bago tumango.

Bago ako tuluyang humakbang, napukaw ako ng isang kaluluwa dahil nakatingin siya nang deretso sa akin. Tumitig ako pabalik. Kumunot ang noo ko nang sumilay ang ngiti niya pero agad ding tumalikod. Weird.

Umiling ako at sinawalang bahala na lang iyon at sumunod sa kapatid kong nauna na nga. Iniwan pa talaga ako.

Pagkarating sa bahay, sa k'warto agad ako dumeretso at dumapa sa malambot at malamig na kama. Ipinikit ko ang mga mata ko dahil sa antok na nararamdaman. Klase na naman sa susunod na araw. Tapos, may mga homework pa akong hindi ko pa nagagawa.

Tumunog ang cellphone ko kaya tumihaya ako para hugutin ito sa bulsa. I immediately answered it without looking into the caller.

"Hello?"

"Inaantok?"

Sumilay agad ang ngiti sa labi ko pagkarinig sa pamilyar na boses. It's Haze. Na-miss ko 'tong lalaking 'to.

Bahagya akong tumawa. "Oh, napatawag?"

"Bakit? Bawal?"

Ngumisi ako. My eyes were closed but I was attentively listening to his comforting voice. "Miss mo lang ako, e," I teased.

Halakhak ang nangibabaw sa linya na sinundan din naman niya ng oo. Kunwari pa talaga, e, na-miss lang naman talaga ako. Ito talagang isang 'to.

"Ikaw ba? Hindi mo ako na-miss?"

Natawa na ako nang tuluyan. Matagal din bago ako um-oo. Siyempre, inasar ko muna siya. Lumipas ang minuto ay nagpasya na rin siyang magpaalam dahil may gagawin pa siya.

Nakatitig lang ako sa kisame pagkatapos nang pag-uusap namin. Bigla ko namang naalala 'yong lalaking nakita ko kanina sa sementeryo. 'Yong lalaking kaluluwa na 'yon. It just really feels so weird. Ewan ko ba.

Bumangon ako at lumabas sa veranda. Umihip naman ang malakas na hangin kaya napapikit ako. I inhaled and exhaled, at sa pagmulat ko, isang tao ang sumalubong sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at agad napaatras. Kinusot ko pa ito baka kasi namamalikmata lang ako pero hindi siya naglaho. Nandito talaga siya sa veranda ng kwarto ko--sa harapan ko.

Bakit siya nandito?

Bakit nandito 'yong lalaking nakita ko kanina sa sementeryo? Sinundan niya ba kami?

Tinuro ko siya. "S--Sinundan mo ba kami?!"

Umawang ang labi niya. "Nakikita mo talaga ako?!" hindi makapaniwalang tanong niya.

Hindi ako sumagot. Nakatitig lang ako sa kan'ya habang nagtatagpo na ang mga kilay ko.

"Akala ko kasi may iba kang tinitingnan kanina. Pero nakikita mo talaga ako?!" may bakas ng kasiyahan ang boses niya na para bang may nakaka-excite sa katotohanang may nakakakita sa ka'nya.

"Hi, ako nga pala si Bright," he introduced and beamed. Napatitig ako sa ngiti niyang sobrang lapad. It was full of hope and excitement.

Bigla akong na-weird-uhan sa inasal niya. Matagal bago ko kinuha ang kamay niyang tinagusan lang din ng kamay ko. Then I realized, I can communicate with them but I can never touch them like they're humans. For a fact, isa na silang kaluluwa.

Binawi ko ang kamay ko. "I'm Clara," tipid na pagpakilala ko. Medyo kumalma na rin.

Maybe, I should get to the point kung bakit siya nandito at kung bakit niya kami sinundan hanggang dito sa bahay.

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Where stories live. Discover now