Uminom ng beer si Dino at umiwas ng tingin. Natasia scoffed at tumayo.

"Wow, that was rude... but I am out!" aniya at kinuha ang bag niya at umalis na lang.

Humalakhak sina Cassie at Raflesia kapag ka-alis ni Natasia. Siya 'yung unang nang-provoke tapos si Dino pa 'yung rude?

"Sunog na sunog!" sabi ni Raflesia habang tumatawa.

Umiling si Lucas at natawa na lang din. He knows Dino na kung ano ang gusto ni Dino. Papanindigan niya 'yon and no one can stop it.

Nag-order na si Cassie ng Jack Daniels at nagsimula na rin maki-inom si Dino sa kanila.

Lumipas ang oras na nagiinuman sila at ako ay kumakain lang ng cheese rings. Lasing na si Dino atsaka si Lucas at ako na lang ata 'yung hindi lasing.

"Cari!" sabi ni Dino.

Nandoon na siya sa tabi ni Lucas. Namumula ang kaniyang pisngi at nakangisi pa.

"Mahal kita..." his voice really sounded drunk.

"Lasing ka na, Dino," sabi ko kaya humalakhak siya.

"Ang ganda mo, ang bait mo... I am just so in love with you." Tumuwid siya ng upo at tinitigan ako.

He looks serious pero alam ko lasing na siya. Nakasandal lang si Lucas sa balikat ni Dino dahil kanina pa siya umiinom.

"Girl, sagutin mo na!" napapikit ako sa pagsigaw ni Raflesia sa aking tainga.

"Oo nga!" sabi ni Cassie.

Tumayo si Dino at bahagyang pagewang-gewang na siya. Umupo siya sa tabi ko at tinitigan ako.

"Sa akin ka na lang, Cari... dali na!" aniya at humalakhak.

Nakitawa rin ako sa kaniya at hinawakan niya ang baywang ko. Inilapit niya ako sa kaniya at tiningnan ang labi ko.

"Alam mo, gusto kita halikan dati pa pero baka mandiri ka sa akin e. Sabihin mo, 'yun lang ang habol ko sa'yo..." ngumuso siya at humalakhak.

Hindi siya madalas tumatawa kaya alam kong lasing na 'to. Suminghap ako at tinanggal ang pagkakahawak niya sa aking baywang pero mas humigpit pa ang pagkakahawak niya ro'n.

"Kiss na 'yan!" sabi nina Raflesia.

Si Lucas ay tumba na at nakahiga na sa sofa.

Hinawakan ko si Dino sa balikat niya nang nilalapit na niya ang kaniyang mukha sa akin.

"Dino, lasing ka na... iuuwi ko na nga kayo. Mga bwisit kayo," sabi ko at sinandal si Dino sa back rest ng sofa.

Pumikit si Dino, mukhang nakaramdam na ng pagkahilo. Umiling na lang ako at tiningnan si Raflesia.

"Hoy, samahan mo akong iuwi 'tong mga 'to. Lalo na 'tong kambal na 'to..." sabi ko kaya humalakhak siya.

"Sino ba lagi mong kasama mag-uwi niyan? Ako lang naman... okay pa ko girl. Kaya ikaw na mag-uwi sa kambal at ako na ang mag-uuwi kay Cassie. Gamitin mo 'yung kotse ni Dino at gagamitin ko ang kotse ni Lucas," sabi niya.

"Hindi pa ako lasing!" sabi ni Cassie pero nakahiga na siya.

"Tara na," sabi ko.

Suminghap ako at tiningnan si Dino na nakatitig na ngayon sa akin. Seryoso lang siya kaya napalunok ako. His eyes are much more attractive kapag taimtim ang titig niya sa akin.

"Umuwi na tayo, Dino..." sabi ko kaya ngumisi siya.

"Yes love, uwi na tayo..." aniya at mahinang humalakhak.

Taming the Heat (La Grandeza Series #2)Where stories live. Discover now