Kabanata 23

6 0 0
                                    

K a b a n a t a - 23

Habang tumatakbo ako palabas sa gate ng university, narinig ko ang sigaw ng mga kaibigan ko na tinatawag ang pangalan ko.

"Vivian!"

"Saan ang punta mo?!"

"Bakit ka nag mamadali? Baby girl!"

"Ingat ka!"

"Damn! Ingat baby girl!"

"Message us!"

Tinaas ko ang kamay ko at nag wave habang naka talikod at tumatakbo ng mabilis.

Nasa comfort room ako at sinabihan ko sina Sam, Florence at Donna na mauna na sa bleachers sa harap ng building namin habang ako naman ay dederetso muna sa Comfort Room. Habang nasa CR ako naka tanggap ako ng tawag galing kay Ate Apple na kung pwede ba daw ako ngayon.


Mabilisan na pag sangayon ang sinabi ko. Mabilis ako na nag ayos ng aking sarili. Habang nag aayos ako hindi ko mapigilan na hindi ma excite at kabahan.

Pumara ako ng taxi at mabilis na pumasok. Pag tingin ko sa gate nakita ko ang tatlo kung kaibigan na naka tayo at nakatingin sa taxi na sinasakyan ko.

"Beachcombers po manong,"

I'll just message them later sa group chat. Kapag kasi tumigil pa 'ko sakanila panigurado na hahaba na naman ang usapan at marami pa silang sasabihin sa'kin at baka nga hindi pa sila pumayag na pumunta ako.

I relax my self. Napatingin ako sa driver na naka tingin lang ng deretso at mukhang harmless naman ito.

It's been two days ago simula 'nong huling usap at kita namin ni Caelan. Hindi ko naintindihan ang huling sinabi niya sa'kin pero hindi ko na 'yon inisip. Normal lang naman 'yon. Normal lang na sabihin niya sa'kin na hindi ko siya dapat pag katiwalaan, of course! I don't know him that much, just his name. That's all and I'm a minor. Kapakanan ko lang ang iniisip niya.

Kapakanan? Concern sa'kin si Caelan kung ganon? Ugh! Hindi ko ma pigilan na mapa ngisi habang iniisip ko 'yon.

May cellphone kaya siya?

I pouted. Some of our conversations about his vintage watch and his shoes. Lahat ng 'yon ibinigay sakanya. Maraming nag mamahal sakanya 'kung ganon!

Isipin mo? Vintage watch from his great grandfather? Pero... buhay pa ba 'yon? Malamang deads na. Tagal na din, e.

What about the owner of the shoes? Panigurado na buhay pa 'yon. Saan na siya? Hindi niya ba hinahanap si Caelan? Impossible naman na hindi sila close kasi hello! The shoes is very expensive!

Napabalik ako sa sarili ko ng tawagin ako ng driver at sabihin na nandito na 'ko. Nag bayad ako at nag tip sakanya dahil sa pag dating ko dito na walang galos at wala siyang ginagawang masama sa'kin.

Habang papasok ako sa beachcombers. Mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. I smiled so wide ng pumasok na 'ko sa hallway.

Napalunok ako ng makita ko si Caelan. For the first time, I don't see any books on his arm chair. Nakaupo lang siya habang nakatingin sa malaking bintana sa harap.

Seryuso ang mukha pero gwapo parin.

Lumakad ako palapit sakanya. Napatigil lang ako ng maalala ko na wala akung dala na pasalubong man lang! Kahit donuts na lang sana! Nakalimutan ko bumili sa sobrang pag ka excited ko na pumunta at makita siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ESCAPING from REALITYWhere stories live. Discover now