Chapter 13

11.4K 299 17
                                    

Naramdaman ko ang unti-unting paggising ng kamalayan ko at sumalubong sakin ang kabila-bilang sakit ng katawan ko lalo na ng ulo ko. Sinubukan kong igalaw kahit isa man lang sa mga daliri ko ngunit nananatili lamang itong nananahimik sa pwesto. Ayaw makiayon ng katawan ko sa gustong gawin ng isip ko.

  Ano bang nangyari?

 
Muli na sana akong babalutin ng kadiliman nang makarinig ako ng isang panlalaking tinig malapit sa pwesto ko. Base sa boses niya ay  halata ang hinding nagkakalayo edad nila ni Tristan, binata siguro. Ah hindi, baka may asawa na.

“I’m the executive director of this University. Nasa office ako nang marinig ko ang tungkol sa nangyari sa isang estudyante kanina lang so I hurry up to check her condition.Nagpanic ang mga nurses kanina dahil nalaman nila na buntis ang asawa niyo, and worst, maselan daw ang ipinagbubuntis niya, I’m sorry for that Sir.Dadalhin sana namin siya sa hospital when her friend tell us that your wife has a nosocomephobia so I decided to call a doctor instead.”
   magalang na sambit ng lalaki. Wait. His voice was seem so familiar. Hindi ko nga lang matandaan kung saan ko narinig ‘yon.

“Mr.Fontanilla, you have nothing to worry about. Ok na ang asawa niyo. Nawalan siya ng malay kanina dahil sa sobrang depression. She was too shock and suddenly become unconscious.”
paliwanag naman ng isang tila may edad ng lalaki. Iyon siguro ang doctor.


“Ah thank you Lord. Thank you. Yeah, but wait doc, h-how’s the baby? How’s my baby?”
   walang paglagyan ang umaapaw na pag-aalala sa tinig na iyon ng isang napakapamilyar na tinig. Aaaah, Tristan ko! Pinag-alala ko na naman siya ng husto.


“Wala po kayong dapat ipag-alala sa bata. The baby was safe Mr.Fontanilla. Everything was fine now. Maya-maya lang ay magigising na ang asawa niyo. Nagpapahinga lang siya ngayon. I just recommend na bantayan mo muna ang asawa mo, ilayo mo siya sa mga bagay na nakakapagpa-depress sa kaniya lalo na ngayon at napakaselan ng pinagbubuntis niya. Sa ngayon, masuwerte kayo dahil walang nangyari sa bata, pero hindi na natin sigurado sa susunod o kapag naulit pa ito.”
    dugtong ng matandang doctor. Tumahimik ang paligid pagkasabi noon ng huli. Tanging sunud-sunod na buntung-hininga lamang ng asawa ko ang maririnig. Alam kong naalarma siya, at matindi ang pagkatakot. Alam ko kung gaano kahalaga sa kaniya ang bata kaya ramdam ko ng doble kung ano man ang nararamdaman niya ngayon.


“Take her in a vacation Mr.Fontanilla.Ako na ang bahalang magpaliwanag sa Dean.”
    basag ng pamilyar na tinig na kanina lang ay nagpakilala na executive director ng school.

“Tama siya Mister. Ilayo mo muna ang asawa mo sa gulo lalo na sa sitwasyong kinakaharap  niya ngayon, makakabuti sa kanya at sa bata ang makalayo muna sa magulong siyudad.”
   opinyon ng doctor.  Narinig ko pa ang mga usapan nila ngunit hindi ko na iyon natagalan pa at muli ay binalot ng kadiliman ang ulirat ko.



SUMALUBONG sakin ang nakakasilaw na liwanag mula sa itaas na idagdag pa ang purong puting kisame na siyang mas lalong nagpapahirap sakin para magmulat. Sandali ko pang ipinikit ang mga mata ko at  muli ay dahan-dahang iminulat. Naigagalaw ko na rin ang mga daliri ko na noo’y hawak-hawak ng dalawang kamay. Tuluyan nang bumalik ang diwa ko at sa paggising ko ay malabong mukha ni Tristan agad ang nakita ko, wari’y nag-aabang sa pagmulat ko.

“Dhie?”

“M-Mhie!”
   masiglang tawag niya sakin.

“Thank God you’re finally awake! God! Mhie.”
    pagpapatuloy niya at naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa likod ng palad ko.Inalalayan niya akong umupo at sumandal sa headboard ng  kama. Medyo napapadaing ako sa minsang pagsakit ng ulo ko lalo na sa tuwing gumagalaw ang katawan ko pero kinakaya ko naman.  Nang tuluyan na akong nakaupo ay muling hinawakan ni Tristan ang dalawang kamay ko at tumabi sakin.

“Do you want anything?”
    tanong niya. Umiling ako.

“Tristan? A-Anong nangyari?”
   tila naninibago at naguguluhan ko pang tanong. Wala pang kahit na anong nagsisink-in sa utak ko o kahit man lang konting flashback sa huling nangyari sakin bago ako mapunta dito. Kasalukuyan pang nagrerefresh ang utak ko.

“Ang sabi ni Cassie at Ailee, nawalan ka raw ng malay kanina sa cafeteria nung nakita mo sa internet ang kumakalat na picture niyo ni Yo—”

A Wife's Infinite Love (On-Hold)Where stories live. Discover now