Chapter 23

5.8K 168 18
                                    

  

Tumigil ang sinasakyan ko sa harap ng isang kilalang hospital sa Manila at bumukas ang pinto sa passenger's seat kung saan ako ngayon nakaupo.

"Nandito na po tayo Mr.Fontanilla." magalang na bati ng isang naka-unipormeng lalaki. Alam kong isa siya sa mga bodyguards na nakasunod samin kanina pa. Matapos kasi ang pangyayari sa airport ay pinilit na ako ng mga board members na magkaroon ng sariling bodyguards at personal driver na noon ko pa tinanggihan.Ngunit alang-alang sa seguridad ko lalong-lalo na kay Allison ay tinanggap ko na rin iyon.

Blanko ang emosyon na bumaba ako ng sasakyan at deretso na pumasok sa loob ng hospital habang nakasunod naman sa likod at tabi ko ang ilang bodyguards na may pare-parehong uniform.


"Mr.Fontanilla."  tawag sakin ni Tobby habang nagmamadali para salubungin ako.


"Where is he?" seryoso kong tanong.


"Follow me Sir." magalang na saad nito at kapagkuwan ay sinundan ko ang direksyon niya patungo sa taong 'yon. Matapos ang ilang segundong paggalaw ng elevator pataas ay bumukas ito at sumalubong sa paningin ko ang ilang opisyal ng pulis at detectives na abalang nag-uusap sa tapat ng isang kwarto kung saan mayroong dalawang nakatayong bantay.Nang makita nila akong palapit sa kanila ay saka lamang sila tumigil sa pag-uusap.


"Mr.Fontanilla." magiliw na bati ng isang opisyal sakin at nakipagkamay pa. Siya siguro ang officer-in-chief.


"I'm glad to meet y---"


"Where is he?" hindi ko na siya pinatapos.Wala akong oras para sa mahabang batian.Narinig kong napatikhim si Tobby, sinusubukang alisin ang katahimikan dulot ng pagkapahiya ng chief.


"Ah,eh,bueno.Tumuloy po kayo dito.Narito siya sa loob ng ICU?"  kunwa'y magalang na sabi nito at sinenyasan ang dalawang bantay na agad namang kumilos para buksan ang pinto.


Napakunot ako ng noo. Bakit nasa ICU ang taong 'yon?


Isinantabi ko muna ang katanungang 'yon, sa halip, sinubukan ko munang pakalmahin ng ayos ang dibdib ko dahil nagsisimula na naman 'tong tumibok ng hindi normal dahil sa nararamdaman kong poot at matinding galit. Nang sa tingin ko ay kaya ko na siyang harapin ay pumasok na ako sa loob.

Doon ay bumungad sakin ang mga maiingay na tunog ng mga makina na alam kong lahat ay bukas at ginagamit. Sa gitna noon ay naroon ang hospital bed kung saan nakahiga ang isang mukang may edad ng lalaki, siguro ay mga nasa kwarenta pataas. Nakapikit at tulog na tulog habang nakakabit sa bibig at mga kamay niya ang iba't-ibang hose mula sa makina.

Mabagal na naglakad ako palapit sa kanya at tinitigang maigi ang kanyang mukha.


"S-Siya ba? Siya ba ang taong bumaril kay Allison? Siya ba ang pumatay sa anak ko?" nanginginig ang boses ko dahil sa pinaghalong galit at sakit.Si Tobby ang sumagot.



"Yes Sir. Siya po ang hired gunman. Siya po ang nagtangkang pumatay kay Mrs.Fontanilla." 


Mariing kumuyom ang mga kamao ko. Nangangatal sa sobrang galit ang buong kalamnan ko. Nagbalik sa alaala ko ang mga nangyari. Ang pagkikita namin ni Allison sa airport,ang pagkabaril sa kanya, ang takot ko, ang pagkamatay ng anak ko, 'yung sakit at ang kawawang kondisyon ngayon ni Allison. Lahat 'yon nagsama-sama sa dibdib ko at bumubuo ng isang napakalalim na galit,pagkasuklam at poot sa dibdib ko. Nanlalaki ang mga mata ko sa matinding pagpipigil ng nararamdaman ko pero hindi ko nakayanan at napigilan pa. At alam ko ng mga oras na iyon ay tuluyan na akong nawala sa sarili ko. Pahablot kong kinuha ang damit ng lalaking 'yon at pilit siyang itinayo sa higaan niya.

A Wife's Infinite Love (On-Hold)Where stories live. Discover now