Chapter 2

20.9K 447 23
                                    

 Breaktime. Kasalukuyan kami ngayon ni Cassie na nakatambay sa isang row ng bleacher sa may soccerfield para kumain. Masyado kasing maraming estudyante sa cafeteria, naiinitan kasi ako at naiinis kapag nakakarinig ng mga kaliwa't-kanang daldalan kaya dito namin naisipang pumunta ni Cassie. Mahangin kasi dito at isa pa nakaka-relax pagmasdan ang mga berdeng-berdeng damo at puno sa paligid.

"Cassie! B-Bakit ang asim?! "
     reklamo ko habang mariing nakangibit hawak-hawak ang isang piraso ng tinalupang hilaw na mangga.

 "Mangga 'yan eh,"
   kampanteng sagot ng katabi ko.

"Hindi naman ganito kaasim 'yung binigay mo sakin non ah?"

 Kunot-noong tiningnan niya ako.

"Di nga? Sobrang asim ba talaga? Ako kasi pumili niyan sa market eh."

"Oo. Tikman mo kaya."

  Dumampot siya ng isang piraso ng ginayat-gayat na mangga pagkatapos ay isinubo iyon ng buo, not knowing kung gaano iyon kaasim. Ilang sandali pa lang ay halos mapapapikit na siya at  kiligin sa sobrang asim.

 "Sabi sayo eh."
    paninisi ko.

 "S-Sobrang asim nga. Ibang mangga yata 'tong nabili ko."

  Sinulyapan ko sandali ang mga mangga na nakapatong sa ibabaw ng upuan saka nagtatakang binalingan ko ng tingin ang kaibigan ko.

 "Diba indian mango 'yung binili mo sakin non kaya hindi medyo maasim?"
    saad ko sa kanya. Hindi mababakasan ng kasiguraduhan ang ekspresyon ni Cassie.

"Indian mango ba tawag don? Eh indian mango din naman 'tong binili ko ah? Humaba lang."

  Napamaang ako sa kanya at maya-maya pa'y walang pakundangan na mabilis ko siyang pinitik ng malakas sa tenga niya. 

"Ouch! Araaaay! Allison masakit 'yun ah!"
      sigaw niyang daing habang hawak-hawak ang tenga niya na pinitik ko. Mangiyak-ngiyak siya dahil sa sobrang lakas nun.

"Hoy Cassie, manggang piko ang tawag dito ha? Narinig mo? Magkaiba ang indian mango sa manggang piko. Anong humahaba 'yang pinagsasasabi mo. Fourth year college ka na hindi mo pa alam?"

"Kailangan talaga may kasamang pitik sa tenga? Ang sakit kaya nun."
     nakabusangot na reklamo niya.

"Napaka-bobita mo kasi."


  Magsasalita pa sana siya ang kaso mas minabuti na lang niya na itahimik ang bibig kesa sa makipagtalo pa sakin. Takot sakin 'yan eh. 

"Tsss. Maldita. Hindi ko alam kung pano nakatagal sayo si Tristan eh napaka-maldita mo."

  Mabilis na napalingon ako sa kanya. Narinig ko kasi na may binubulong siya eh.

A Wife's Infinite Love (On-Hold)Where stories live. Discover now