Chapter 24

6.3K 168 12
                                    

Gabi na ng makauwi ako ng bahay. Marami pa kasi akong inasikaso sa headquarters para sa pag-fill-up ng criminal procedure para kay Jed. Pinaasikaso ko na rin ang lahat para maikalat ang balita sa lahat,maging sa media.

Desperado at gusto kong makaharap ulit ang taong 'yon para siguraduhin at alamin kung siya nga ang mastermind ng lahat. Pero sa totoo lang, maraming katanungan at bagay ang gumugulo sa isip ko tungkol sa bagay na 'yon pero sa dami ng mga nangyari nitong nagdaang araw ay mukang wala na yata akong lakas sa ngayon na isipin pa ang lahat.

Pagkaparada ng sasakyan ay pumasok na 'ko sa loob ng bahay pero laking gulat at pagtataka ko nang makita ko iyong isang katulong mula sa mansyon na humahangos na tumatakbo palapit sa akin.

"May problema po ba? May nangyari ba kay Allison?" nag-aalalang tanong ko. Mabilis na umiling ang kaharap ko at hinayaan munang pawiin ang pagkahingal bago masayang tumingin sa akin.

"Sir Tristan. Si Ma'am Allison po. Si Ma'am po, hindi na po siya nagwawala. Kumakain na po siya!"

Unti-unting sumilay ang masayang ngiti sa labi ko. Sa unang pagkakataon ngayong araw ay biglang gumaan ang pakiramdam ko at nawalang parang bula lahat ng pagod ko. Wala na akong sinayang pa na panahon at nagmadali na akong umakyat sa silid naming dalawa.

At totoo nga.Pagkabukas ko ng pintuan ay naabutan ko si Manang Elly, abalang sinusubuan si Allison habang may kung anong kinukuha naman ang nurse sa closet.Damit siguro ni Allison.

Napako ang paa ko sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan ang senaryong 'yon. Oo.Masaya ako pero hindi pa rin nawawala ang nararamdaman kong pagka-awa para kay Allison. Alam kong pinipilit na niyang maging malakas at matatag para sa akin. Para sa aming dalawa. Kahit pa alam kong nahihirapan pa siya ngayon.

Aaahh... Ang asawa ko.

Kailan ba kami mamumuhay ng tahimik? Kung kailan naman namin nalaman ang totoong nararamdaman naming dalawa para sa isa't-isa saka naman nangyayari ang ganito. Hindi ba pwedeng mamuhay na lang kami ng masaya at tahimik?

Tahimik na naglakad ako palapit sa kanila na agad namang napansin nilang lahat kaya tumigil sila sa ginagawa para siguro makita ang magiging reaksyon ko.

"Hijo, nakauwi ka na pala. Kumain ka na ba? Ah, bueno. Ang asawa mo, kumakain na siya. Alam mo bang siya pa ang nagboluntaryo na ikuha siya ng pagkain.Maayos na ulit siya Tristan hijo." saad ni Manang na walang paglagyan ang sobrang kasiyahan. Itinuon ko ang paningin ko kay Allison. Bagaman naroon pa rin ang lungkot sa mga mata niya ay nagagawa na niya akong titigan ng deretso sa mga mata ko.

"Nang, iwan niyo na ho muna ulit kami. Ako na lang ang magpapakain sa kanya." pakiusap ko sa matanda. Sinenyasan lamang niya sandali ang nurse at pagkabigay sakin ng tray na may lamang pagkain ay lumabas na sila ng kwarto. Tahimik na umupo ako sa tabi niya at inayos ang nakakalat na buhok sa kanyang mukha. Hindi siya umiimik. Walang kurap na nakatingin lang siya sa harap.

Inumpisahan kong sumandok ng soup sa bowl at maingat na isinubo 'yon sa kanya.Walang pagtanggi na kinain niya 'yon. Pinunasan ko ang labi niya at nagpatuloy sa pagsandok.

"Sabi ko na nga ba. Hindi mo matitiis ang pagkain eh." pagbibiro ko at muli siyang sinubuan.

"Pasensya ka na sakin kanina kung nasigawan kita. Masyado lang akong nadala. Hindi kasi ako sanay na nakikita kang gan'on. Hindi ako sanay na nakikita kang hindi kumakain. Naninibago ako." sinusubukan kong magbiro habang kunwari ay natatawa. Muli,ay sinubuan ko siya.

"Mas gugustuhin ko pa na oras-oras kitang nakikitang kumain kaysa sa hindi.Pakiramdam ko, nawawalan ako ng kwenta bilang asawa."

Nakita ko ang pagkislap at pamimintana ng luha sa mga mata niya pero nagpatuloy pa rin siya sa pagkain at hindi inaalis ang tingin sa harap.

A Wife's Infinite Love (On-Hold)Where stories live. Discover now