Chapter 6

16.5K 459 33
                                    

Mabibilang na lang ng mga daliri ko ang mangilan-ngilang mga sasakyan na nagpapaunahan sa highway, ang bawat poste ng ilaw na nadadaanan namin ay siyang nagpapaliwanag sa palalim na gabi. Ang samyo ng panggabing hangin ay nakakapandagdag sa pagkabahalang nararamdaman ko ngayon.

  "Ihahatid na ba kita sa inyo?"

  Binasag ni Cassie ang ilang minutong katahimikan. Hindi ako sumagot, masyadong malalim ang iniisip ko para magsalita pa. 

 "Hoy buntis, sabi ko kung ihahatid na kita sa inyo."
    ulit niya. Mula sa pagkakasandal ng ulo sa bintana ay umayos ako ng upo sa tabi ng driver's seat. Tiningnan ko lang sandali ang katabi ko.

  "Bahala ka."
     walang gana kong sagot saka bumalik ulit ako sa pagtanaw sa labas ng sasakyan. Muli ay tumahimik sa loob ng sasakyan, tanging mga tunog lamang ng mga nakakasalubong naming mga sasakyan ang maririnig. Maya-maya pa'y narinig ko ang mahinang buntung-hininga ni Cassie.

  "Gusto mo bang pumunta sa hospital?"

  Mabilis akong napalingon sa kasama ko.

  "Itinext sakin ni Jhay kung saan ang eksaktong hospital kung san sinugod ang lolo ni Janus. Ano? Pupunta ba tayo?"

         Hindi ko magawang kumurap man lang, tiningnan ko si Cassie ng may pag-aalinlangan. Bakit pakiramdam ko bumibilis ang tibok ng puso ko? Pakiramdam ko pinagpapawisan ako ng sobra ganung malamig naman.

    Haaay pakiramdam nga naman ng may kasalanan.

 Humugot muna ako ng malalmim na hininga bago nagsalita.

   "Sige."

       

   

   "Miss, can I have a room number of Mr. Vejara?"

  Si Cassie ang kumausap sa nurse station habang ako naman ay nakasunod lamang sa kanya. Pagkakuha niya ng impormasyon ay kaagad kaming naglakad patungo sa  emergency room na pinagdalhan daw sa lolo ni Janus. Paliko na sana kami sa isa pang kanto nang marinig na namin ang iba't-ibang boses. Kilalang tao ang lolo ni Janus kaya siguro marami ang pumunta. Naglakad pa kami ng konti saka lumiko hanggang sa makita namin mula sa pinakadulo ng pasilyo ang malulungkot na mga itsura ng mga tao. 

    Katulad nga ng inaasahan ko ay marami ngang tao roon na naghihintay sa harap ng emergency room, naroon ang mommy at daddy ni Janus kasama na ang ilang kamag-anakan at mangilan-ngilang kaibigan sa kompanya. Kapwa sila nag-aalala. 

    Sa likod ng mga nakatayo ay nahagip ng mata ko ang kumpol ng mga kalalakihan. Nakaupo si Janus, nakayuko at malungkot na malungkot. Nakita ko si Jhay na nakaupo habang naka-cross arms. Si Ethan, may kausap sa cellphone. Nahagip ng mata ko ang isang lalaking humahagod sa likod ni Janus, si Tristan.Kung ano ang itsura ngayon ni Janus ay ganun din ang akin. Paulit-ulit kong minura ang sarili ko nang makita ko siya, at paulit-ulit ang naramdaman kong pagka-guilty ng maalala ko ang mga ginawa ko kanina. Nakakahiya na nakakainis!

A Wife's Infinite Love (On-Hold)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن