Fall Chapter 12

En başından başla
                                    

I am the reason for her accident kaya ginusto kong makatumulong. Before the accident she broke up with me, I don't want to use the opportunity to bring her back, it wasn't my plan to deceive Heaven to marry me, it's her mother's plan. Nasilaw lang ako. I want her back, I don't want to lose her. Kaya nang sabihin ni Tita ang tungkol sa kasunduan nila ni Mommy ay pumayag agad ako kapalit ng pera. Mababayaran na nila ang lahat ng utang nila at mapapagamot ko pa si Heaven.

Hindi naging madali ang lahat, it took them years to get Heaven's trust. Naging mahirap para pasunurin si Heaven na mag-theraphy kaya tumagal ang gamutan. Nagkaroon siya ng selective amnesia at lahat ng may kinalaman sa akin maging sa mga bagay na nagdulot ng sobrang sakit sa kaniya ay binura na ng isip niya. Kasama ako, kasama ang mama niya pero naalala niya rin ito kalaunan pero ako hanggang ngayon ay hindi niya pa rin naaalala.

Ang laki ng pinagbago ng ugali niya. Dalawang taon pa lang ang lumipas, masiyado pang maaga lalo na at kaka-recover lang ng paa niya.

Umalis ako nang cafe at nag-iwan ng kaunting sagot sa mga tanong niya. Dumiretso ako sa opisina ko na nasa main branch ng Carreon Hotel. Kahit na oras nang trabaho ay hindi matahimik ang isip ko pero pinilit kong matapos ang lahat nang dapat kong gawin.

Kinagabihan ay umuwi ako sa bahay. Wala ang sasakyan ni Heaven sa parking kaya napakunot ang noo ko sa pagtataka. Wala pa ba siya sa loob? Don't tell me wala siyang balak umuwi ngayon?

Napabuntong-hininga ako bago bumaba ng sasakyan. Sa pool side ako dumaan just to make sure na hindi ako makikita ni Heaven kung nandito na siya. Sa likod ng malalaking hagdan ay may elevator doon na diretso sa kuwarto ko. It was made for my grandparents when they're still alive pero ngayon ay ako na ang gumagamit ng kuwarto nila.

Kakalabas ko lang galing bathroom dahil naligo nang biglang sumulpot si Manang sa kuwarto ko. Tanging bathrobe at tuwalya lang ang nasa katawan ko. May pagkailang akong naramdaman pero binalewala ko na lamang iyon. Gabi na rin kaya natataka akong tumingin kay Manang. She never go here at this hour. Ano ang kailangan niya?

"Ano ho yun, Manang?!" takang tanong ko.

Nagpabalik-balik sa paglalakad si Manang. Balisa siya at hindi mapakali sa isang puwesto. I frown because of her action, why can she just tell me what is going on?

"Hijo..." nag-aalalang ang tonong panimula nito. "Kasi, hijo... alas diyes na, pero hindi pa umuuwi si Heaven, nagaalala ako!" natatarantang paliwanag ni Manang.

Napabuntong-hininga ako nang maalala ang nangyari kanina sa café. Maaaring iyon ang dahilan kung bakit wala pa siya. Siguradong magulo ang isip niya sa mga nangyari. Matigas ang ulo ng babaing yun siguradong magpapalipas siya ng gabi sa mga kaibigan niya o hindi kaya ay maghahanap siya ng mga sagot sa katanungan niya.

"Hayaan mo muna siya, Manang," kampanting sagot ko.

Naglakad ako patungo sa paanan ng kama ko, at duon naupo habang pinapatuyo ang basang buhok gamit ang tuwalya.

"Hijo naman!" Naglakad si Manang patungo sa harap ko, halatang nag aalala ito sa kalagayan ni Heaven. "Hijo, hindi ka ba nagaalala kay Heaven?!"

"Hindi ho... malaki na ho siya.... kaya niya na ang sarili niya," bored na sabi ko.

Nag-aalala rin naman ako kay Heaven pero kilala ko si Heaven hindi siya gagawa ng bagay na ikakapahamak niya. Matalino siyang babae, malakas at kaya niya ang sarili niya. Kampante ako dahil may mga bodyguards na naroon sa tabi ni Heaven.

"Hijo.. iba ito, dati rati nagpapaalam ang batang iyon kapag ginagabi ng uwi, o kaya naman ay tatawag siya para sabihin na gagabihin siya, pero ngayon ay wala kahit text!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Manang.

She's The Billionaire's Obsession Book 1Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin