Pagod kong nginitian si Papa. "Si Sachi naman ako ngayon" kunwaring matapang na laban ko sa kanya.

Kita ko ang pagaalala sa mga mata nito na para bang takot na takot siyang mawala ulit ako sa kanya. Sa huli ay buong tapang kong tinalikuran si Papa. Kailangan kong harapin ang landas na pinili ko.

Sinalubong ako ni Lance pagdating ko sa bahay. Nasa gate ito at saktong kakatapos niya lang kausapin ang kausap niya sa cellphone. Kaagad niyang itinaas ang hintuturong kamay niya para takutin ako.

"Lagot ka, kanina ka pa hinihintay ni Piero" pananakot pa niya sa akin. Napatingin ako sa suot kong relos. Magaalasyete na ng gabi, hindi ko na namalayan ang oras dahil sa paguusap namin ni Papa.

"May dinaanan pa kasi ako eh..." sabi ko dito pero nagpatuloy lang siya sa pananakot sa akin na para bang isa akong batang dapat matakot dahil mapapagalitan ako.

Pumasok ako sa bahay, nasa likuran ko si Lance. Sa may sala ay naabutan ko si Piero. Nakaupo ito sa may sofa habang panay ang tipa sa kanyang hawak na cellphone. Nang mapansin na niya ang pagpasok ko ay mabilis niyang tinapos ang ginagawa at pabagsak na binitawan ang cellphone sa may center table.

Mabigat at matalim ang tingin niya sa akin. "Saan ka nanggaling?" Tanong niya seryoso pa din.

Napaiwas ako ng tingin, hindi ko alam kung kaya kong magsabi ng kasinungalingan sa kanya habang nakatingin diretso sa kanyang mga mata. "Namalengke..." pagsisinungaling ko.

Mas lalong nanliit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Bahagya niyang sinilip ang kanyang suot na wrist watch. "Kaninang alas dose pa ako nandito. Umuwi ako ng maaga para sabay tayong maglunch, pero walang tao dito" seryosong sabi pa din niya na para bang gusto pa niya akong kunsensyahin dahil wala siyang kasabay na kumain ng pananghalian.

Hindi ako nakapagsalita kaya naman bumaba ang tingin ni Piero sa plastick ng mga pinamalengke ko. "Ang tagal mong namalengke, binili mo ang buong palengke?" Mapanuyang tanong niya sa akin.

"Syempre hindi, wala naman akong pambili ng buong palengke" giit ko sa kanya, halos humaba ang nguso ko habang nagpapaliwanag sa kanya.

Kita ko ang paglalaro ng ngiti sa kanyang labi pero pinilit niyang itinago iyon at muling bumalik sa pagiging seryoso. "So saan ka nga nanggaling!" Giit na tanong pa niya.

Nakurot ko ang magkasiklop kong mga palad. Para akong nasa hot seat. Napatingin ako kay Lance, pero maging ito ay nakatingin lamang din sa akin. Kagaya ni Piero ay naghihintay lamang din siya ng sagot ko.

Bayolente akong napalunok, hindi ko pa kayang aminin sa kanya na nagkita kami ni Papa. Na nagkikita kami nito at nakakapagusap. Hinahanap pa din kasi niya ito para makakuha ng sagot sa pagkamatay ni Sachi at sa pagpapanggap kong pagbabalik niya.

"Galing ako sa trabaho..." mahinang sagot ko. Hindi ko man gustong sabihin sa kanya ang tungkol duon ay wala na akong nagawa kundi ang sabihin sa kanya ang totoo, atleast hindi ako nagsisinungaling dahil galing naman talaga ako sa trabaho.

Nalukot ang mukha ni Piero. Napakalikot pa ito sa kanyang tenga na para bang sinisigurado niya kung tama ang kanyang pagkakarinig sa sinabi ko sa kanya.

"Pakiulit nga Sachi" may diing sabi niya.

Napakagat ako sa aking lower lips. Grabe ang pagtatambol ng puso ko. Para akong nasa isang recitation at ang kaharap ko ngayon ay ang terror naming professor.

"Nagtratrabaho ako sa may Karinderta sa bayan" kumpletong sagot ko na sa kanya.

Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin. Tingin na parang manginginig ang nga tuhod ko dahil sa sobrang talim.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora