"Naisip ko lang na hindi ko deserve ang lahat ng ito...hindi ako deserving para sayo Piero" emosyonal na sabi ko pa sa kanya.

Napakagat ito sa kanyang pangibabang labi. Ikinulong niya ang aking nagkabilang pisngi gamit ang kanyang maiinit na palad. "You deserve it Sachi, kusa kong ibinibigay ang sarili ko sayo. Kasi ganuon kita kamahal..." malambing na paninigurado niya sa akin na para akong dadalhin sa ulap.

"Sisikapin kong hindi magkulang, dahil ibibigay ko sayo ang lahat ng higpit pa sa kaya ko" dugtong pa niya na mas lalo lamang nagpapabigat sa dibdib ko.

Muli niya akong niyakap. "Pwedeng pwede mo akong ubusin, hindi ako magrereklamo" pahabol pa niya.

Gusto kong matuwa sa mga narinig ko mula sa kanya. Pero sa kabila ng mga iyon ay mas lalo ko lang napapatunayan sa sarili kong masama ako. Ang sama ko para gawin ito kay Piero.

Pansin ko ang mas lalong pagiging sweet nito kinaumagahan. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko ay may inaalala din siya. "Gusto mo ba yung medyo soft lang?" Tanong niya out of nowhere sa kalagitnaan ng aming pagkain ng almusal.

Nanliit ang aking mga mata. "Paanong soft?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

Kita ko ang pagkairita nito ng mahirapan siyang iexplain ang gusto niyang sabihin. Napangiwi siya ng may maisip siya pero nagdadalawang isip siyang sabihin iyon sa akin.

"Sige na sabihin mo na" nakangising paguudyok ko sa kanya.

Mariin siyang napapikit at napabuntong hininga. "Do you want me to be sweet...i mean mas sweet pa kung hindi pa sapat yung sweetness na ipinapakita ko, kasi hanggang dun lang kasi talaga ang sugar level ko" mabilis na paliwanag niya sa akin na para bang binilisan niya talaga ang pageexplain dahil sa kahihiyan.

Napatawa ako ng mahina. "Anong sugar level ka pa diyan..." naaaliw na sita ko sa kanya pero sinimangutan lamang ako nito.

"Nakakatawa ba yon?" Seryosong tanong niya sa akin kaya naman kaagad akong napakagat sa aking pangibabang labi para pigilin ang tawa. Umiling ako sa kanya bilang sagot.

Akala ko hindi na ulit siya magsasalita pa. "Ano kulang ba yung sweetness ko?" Seryosong tanong pa din niya na mukhang seryoso na talaga.

Napanguso ako. Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. "Hindi mo kailangang masyadong mageffort, tanggap ko kung hanggang saan ka lang, kung ano lang yung kaya mong ibigay. Wag mong ubusin ang sarili mo para sa akin. Ayokong maubos ka dahil sa akin" makahulugang sabi ko sa kanya kaya naman napatitig lamang siya sa akin.

Nginitian ko siyang muli para ipakita na ayos lang. Na i mean what i say. Wala ka ng hahanapin pa kay Piero.

Katulad lang din ng ibang araw ay muli nanaman itong umalis para sa kanyang trabaho. May tinatapos itong misyon kaya naman kung misan ay panigurado daw na gagabihin siya.

"Please, sumagot ka sa text at tawag ko" pakiusap pa niya sa akin bago siya tuluyang umalis. Nangako ako sa kanya na sasagutin ko iyon kahit anong mangyari.

Wala din naman kasi akong rason na hindi sagutin iyon para jay Piero gayong ang alam niya lang ay nandito ako sa bahay buong araw.

Pagkapasok ko sa karinderya ay naabutan kong nagbubukas ang bagong tayong bakery sa tapat namin. Nakita ko pa si Aling Chona at ilang nga kaibigan nito na nakapamewang habang pinaguusapan iyon.

"Eh wala namang siniwerte sa pwesto na yan. Panigurado ilang buwan lang sarado at bakante nanaman yan" sabi pa niya sa mga ito na para bang siguradong sigurado siya.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Where stories live. Discover now