"Where's the ring Tita?" usisa pa nya. Jusko gusto kong mahilo! Hinuhulma na nya kase yung cookies na ibe-bake namin.

Napalunok ako bago ako lumapit sa kanya. Tama ba itong plano ko?

"Let me help you..." saad ko at ako ng gumawa ng ginagawa nya. Tahimik syang nanunuod sa akin habang ginagawa ko ito.

Nang ilalagay ko na yung singsing,

"That was the ring that we draw last time!" he exclaimed silently at mukhang worried sya na marinig sya ng Mommy nya.

"Yup..." nakangiting saad ko. Kami ni Yuan ang nagdesign nito. Every details he want for a ring ay sinunod ko. Ibinaon ko yung singsing sa gitna ng dough ng cookies.

Mayamaya ay bigla syang natahimik.

"Hey! what was that face young man?" usisa ko. He look so worried.

"What if you two got married...paano ako Tita Cy?" he asked. I look at him and I smiled.

"How about you?" takang tanong ko kunwari dahil gusto kong malaman ang nasa isip nya patungkol sa paghingi ko sa kamay ng Mommy nya sa kanya.

"Kapag kinasal po kayo iba na....magkakababy na po kayo...tapos ako..."papahinang bulong nya. Kinuha ko muna yung tray ng cookies at nilagay iyon sa oven. Humarap ako kay Yuan at kinarga ko sya bago ko sya inupo sa ibabaw ng lamesa at nasa magkabilang gilid na nya yung mga braso ko para hindi sya malaglag.

Napangiti ako dahil feeling pala nya inaagaw ko na sa kanya si Roian.

"When you grow up...I will tell you everything but right now, I want you to know that no matter what happened I will be here for you at sa Mommy mo. Kung papayagan mo nga lang ako gusto kong maging magulang sayo....We know that we are not related by blood but my love for you is beyond of everything. Isa kang malaking parte ni Roian na minahal ko ng walang alinlangan...." and right there yinakap nya ko at paulit ulit nyang sinasambit na mahal nya ko. Parang feeling ko wala ng kulang sa akin maliban sa hiling na sana maging okay na si Roian.

....

Sobrang kulit nya sa totoo lang parang delubyo na itong buong kusina kaya hindi kami matapos tapos sa paglilinis.Patay talaga ako kay Roian kapag nakita nya 'to. Napatingin ako sa orasan pasado alas diyes na ng gabi at napatingin din ako kay Yuan jusmiyo parang hindi pa dinadapuan ng antok!!!!

Great!

"Gisingin na po natin si Mommy!!!" masayang anunsyo nya ng bitawan nya yung mga harina sa magkabilang kamay nya at patakbo na sana sya palayo pero patakbo din akong pinigilan sya kaso nung yakap ko na sya ay nadulas kami dahil sa pirasong butter na natapon nya sa sahig! Tawang tawa sya sa sinapit namin. Jusko yung balakang ko!

"What the! Cy anong nangyare dito???"hilakbot na tanong ni Roian at napalinga sya buong paligid kaya napangiwi ako. Patay!

Pinakawalan ko si Yuan ng nagtatangka itong gustong lumapit kay Roian. Napabangon ako.

"Let me explain...." mahinang anas ko dahil nagsasalubong na yung mga kilay nya at hindi sya makapaniwala sa itsura namin ng anak nya. Para kase kaming gumulong sa harina!

"Mommy come here...we have surprise for you!" bibong saad ni Yuan na kinalaki ng mga mata ko dahil papalapit na sila sa pinapalamig naming cookies sa ibabaw ng lamesa.

"H-hoy Yuan hindi pa...." hindi ko na sya napigilan dahil hawak na ni Roian yung dalawang cookies. Wala na sira na talaga yung diskarte ko! Sobrang excited na nya ipakita iyon sa Mommy nya.

"That cookies will change our life forever! May magic sya Mommy na nakakaalis ng lungkot!" bibong paliwanag nya. Parang inaatake ako sa puso sa kaba dahil wala na tarantahan na itong ginagawa ng anak nya sa sitwasyon namin. Napatingin sa akin si Roian na para bang anong kalokohan na naman yung ginawa ko. Kaya ang ginawa ko hinawakan ko muna sya sa magkabilang pisngi nya gamit ang mga palad ko at tinitigan ko sya ng buong pagmamahal kahit parang dinadaga na ang buong kalamnan ko!

Inside Her Mind (GirlxGirl)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang