Behind Illusion

3.3K 129 1
                                    

Roian's POV

Nakarating na kami sa private resort nina Yvie. Most of the time laging nakahawak sa kamay ko si Cy na para bang takot na takot syang mawalay ako sa tabi nya. As if makakatakas ako sa kanya dahil gitnang isla itong resort.

Ngayon ay magkatabi kami sa isang malaking hammock swing na nakaharap sa dagat. Inaabangan kase namin yung paglubog ng araw.

Nakakulong ako sa bisig ni Cyrll. It is good to feel her warm but I didn't know why I feel so damn lonely and everything was dull.

"Pinagplanuhan nilang agawin yung kumpanya namin sa pamamagitan ni Gale dati...." saad nya at doon ako napatingala sa kanya. She smiled sadly before she kissed my forehead.

"1 year bago mangyare yung araw na ayaw natin..." saad nya. Heto na yata yung kailangan ko. Yung buong kwento nya kung bakit nila nagawa ito.Napalunok ako bago muling tumingin sa dagat at hinihintay ko yung buong kwento ni Cyrll.

"Hindi nagwork out dahil naharangan namin ni Kuya, kaya naisip nila na kung hindi nila ko mapapabagsak sa ganoong paraan kaya pinuntirya nila ako emotionally...alam nilang lahat na ikaw yung kahinaan ko....." huminga sya ng malalim at hinigpitan nya yung pagkakayapos nya sa akin.

"Nakatanggap ako ng mga pictures nyo ni Alvin....yung pictures ng araw na may nangyare sa inyo." Doon ako nanginig at napatingin sa kanya. Hindi na nya maitago yung sakit sa mga mata nya at kinakagat na nya yung lower lip nya sa pagpipigil ng emosyon na pumapatay din sa puso at pagkatao nya. Yung luha ko rumagasa na.

"Please dont say anything Roian....ito na yung pagkakataon ko na masabi sayo lahat...kahit yung paraan na ito eh mabawasan yung matagal na nating dalahin..." saad nya bago pinunasan yung mga luha ko at isiniksik nya ang mukha ko sa leeg nya. Hindi ko alam kung paano namin nadala ito ng anim na taon?

"Hindi ko inintindi yung mga pictures na yun, pinatapon kong lahat kay Yvie yun at sinabi ko sa kanya na umakto sya na para bang wala kaming nakita at nalaman....sumang ayon din sya kahit tutol yung kalooban nya. Sabi ko kaya kong i-handle dahil sa akin ka pa din umuuwi....pinilit kong maging normal sa harap nilang lahat lalo na sa harap mo kase di ko talaga kakayanin na mawala ka at magdesisyon silang lahat para sa akin na iwanan ka na. Pero di ko pala namamalayan na naibababa ko na pala yung dipensa ko sa kanilang lahat kaya kamuntikan na nilang mapalubog yung kumpanya. Nalaman namin na si Daddy na gumagawa na ng hakbang para sa divorce nila ni Mommy. Nagsama sama lahat at ramdam na ramdam ko na dahan dahan ng gumuguho yung mundo ko. Biglang pumasok ka sa isip ko at nasabi ko sa isip ko okay lang basta kasama kita. Mabubuo kong lahat ng gumuho basta kasama kita......kung hindi lahat nangyare yun kaya kong tanggapin na buntis ka...aakuin ko iyon pero hindi talaga kinaya ng isip at puso ko dahil kumawala lahat ng emosyon na tinago ko...." saad nya at pilit nya kong pinipigilan na magsalita. Napahikbi ako ng may pumatak na luha sa may noo ko. Sobra nila kaming sinaktan!

"Hindi kita nahabol dahil bumigay yung isip ko.....nagising ako 3months after at nalaman kong lahat kay Carol at sinabi nya sakin lahat...yung ginawa ni Alvin sayo....nagwala ako sa galit at sinabi ko na babalikan ko sya at paluluhurin ko sya sa harap ko. Sa loob ng tatlong buwan na iyon ay pinaglaruan din nilang lahat sina Yvie.....papatawid si Bianca noon papunta kay Yvie ng i-hit and run sya ng isang truck at lahat ng ebidensya sa kaso na yun...si Gale yung idiniin nila. Si Carol, pinaulanan nila ng death threat dahil nakita nyang lahat yung ginawa ni Alvin sayo. At kay Shann....pinaguho nila yung isang project nya kung saan may limang worker ang nadaganan ng pader, inipit nila si Shann na sya ang may kasalanan doon. At pinalabas nilang lahat na si Gale ulit yung gumawa nun. And they used Gale....they drug her hanggang sa bumigay din yung isip nya....napatay nya yung daddy nya sa harap ng Mommy nya at sinisisi ako kung bakit hindi nakasama ni Gale si Dad. Ginawa nilang lahat para magpatayan kaming lahat sa harap mo......kaya nagplano kami na patayin si Alvin para matapos na....pero in a last minute bumaliktad si Alvin at nagalit yung pamilya nya at yung Mommy ni Gale dahil malapit na nilang matapatan yung mga Santillan. Kaya nagplano ulit sila at this time si Alvin na yung alay nila...na set up sina Carol sa planta kung saan namatay si Alvin. Akala nung tatlo isa sa kanila yung nag execute ng plano...ang mali nila hindi sila nagtanungan that time at nagpasyang maghiwa hiwalay muna....nagvivideo call sila sayo nung nasa abroad ka pero never nilang nagawa iyon ng sama sama sila. Nung bumalik ka saka lang sila nagkita kita para umaktong walang nangyare. Hindi ba't si Shann lang din yung nasa kasal mo? Dahil hindi nila kaya na pigilan yung kasal dahil hawak silang lahat sa leeg. Kaya inantay nilang lahat na gumaling ako para makawala na sila sa laro ng pamilya ni Alvin at ng Mommy ni Gale." Kwento nya. Lahat sila nagdusa ng hindi ko namamalayan at ang akala ko kami lang ni Cyrll yung may magulong buhay noon.

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now