Knew

3.7K 139 9
                                    

Yvie's POV
Napahilamos ako ng mukha, nakakagigil! Kung sino man ang gumawa nito talagang babalian ko ng leeg!

Malaking problema.
Tumayo ako at pupuntahan ko si Yuri. Kailangan ko ng payo nya regarding dito. Simula kase ng magkasakit si Cy ako na ang sumasalo lahat ng trabaho nya sa kumpanya nila. Shareholder din kase yung pamilya ko dito.
Pagpasok ko ng elevator, isasara ko na ito ng may humabol pa na isang babae at nagkalaglagan pa yung mga gamit nya sa loob. Clumsy! Yumukod ako para tulungan sya.

"Be carefull Miss next time..." saad ko at iniabot ko sa kanya yung mga paper works nya. Nakatitig lang sya sakin kaya nginitian ko sya.

"Okay ka lang?" Tanong ko.
Napakurap sya at nahiyang tumalikod.

"S-sorry po Ma'am....okay lang po ako..." kanda utal nyang sabi.

"Anong pangalan mo? Bago ka lang?" Tanong ko kase ngayon ko lang sya nakita.

"Ah opo...kayo po dapat mag iinterview sakin last week kaya lang po busy daw po kayo...Rocky po pala...." sabi nya. Napangiti ako kase naaalala ko sa kanya yung pagkanerd kong pumorma dati.

"Ah...ikaw yung Sales Supervisor...Welcome sa company. Next time, sumama ka sa treat ko sa mga Managers at Supervisors...." saad ko at bumukas yung pintuan indikasyon na nasa groundfloor na kami.

Dumeretso ako sa parking lot. Pagkasakay ko ng sasakyan ko ay tinungo ko na yung condo ni Yuri.
Pagkadating ko doon ay kagigising lang nya. Mukhang magdamag sya sa hospital.

Kahit sya napahilot ng sintido nya.
"May nagsabi na sa pamilya ni Alvin na magkasama na sina Cy at Roian." Saad ko at wala pang idea sina Roian dito.

Letter kase ito ng pamilya ni Alvin.

"Wala silang malalaman sa kondisyon ni Cyrll....sinunog ko ng lahat lahat..." saad ni Yuri at napasandal sya.

"Eh yung mga nurses mo at iyong ibang duktor mo..." nag aalalang tanong ko.

"Hindi yun...we have contract...soon na may ilabas sila matatanggalan sila ng lisensya. Dapat malaman din natin yung balak nung dalawa..." saad ni Yuri.

Mayamaya ay bumukas yung pintuan ng kwarto nya mula sa pagkakasalubong ng kilay ko ay parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa pagkabigla.

"Shann???!" At parang gulat na gulat din sya.

Ngayon nakaupo silang dalawa sa harap ko.

"Okay what's happening here?" The hell this two? Kaloka!

"I'm about to tell you this...busy ka eh..." kampanteng saad ni Yuri.

Tumingin ako kay Shann, anong palusot nya nasa firm nila ko kahapon at nagkita pa kami nung umaga.

"Maayos na sagot Shann, nagkita pa tayo kahapon..." okay naman na maging sila kaya lang parang ang bilis.

"Eiii, sya hinihintay ko kung sasabihin ko ba..." turo nya kay Yuri.

"May nangyare ba sa inyo nung gabing pinahatid ko sya sa bahay nya?" I was talking nung nalasing si Shann at naisip ko na si Yuri ang maghatid.

"No!/nothing!" Sabay nilang sagot at nataranta pa kaya napatawa ako.

"You know what guys....okay lang naman sakin na maging kayo talagang nabilisan lang parang nung nakaraan eh hindi kayo nagpapansinan...." saad ko at napayuko si Shann.

"It's a long story...mas kailangan nating pagtuunan 'to" sabi ni Yuri at iniabot sakin ulit yung sulat. "Ipakita mo kina Cy ngayon yan....Cy can handle it.....trust her."

Napatango ako.
"Di ba abogado yung kuya ni Hunter?" Tanong ko.

"Sya din yung naiisip ko na makakatulong satin regarding custody ni Yuan..." saad ni Yuri.

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now