The Good One

4.3K 156 2
                                    

Chapter12
Gale’s POV
Nakadapa ako sa kama ko at parang ang gloomy ng araw ko. Hate this feeling.
“Darling…Are you okay?” tanong ng nanay ko at ng lingunin ko sya nakapostura na naman sya.
“As if you care…” saad ko.
“Yes I care for you…lalo na at hindi makuha kuha ng anak ko yung gusto nya…” saad ng nanay ko. Bumangon ako at walang gana akong tumingin ako sa kanya.
“Don’t you ever dare to touch Roian….” Bagut na bagot kong sabi sa kanya dahil ayoko syang makikialam sa buhay ko.

Nilagpasan ko sya at pumunta ako sa kusina at nagulat ako na may patay na pusa sa sahig at punung puno ng dugo ang paligid. What the! Bakit wala ni isa sa mga maids ang naglinis nito.

“Ikaw ang may trabaho nyan kagabi…sobra ang galit mo at wala kang naririnig kahit ilang beses ka namin tinatawag…” saad ng nanay ko na para bang normal lang sa kanya na nangyayare to. Wala akong maalala na ginawa ko ito.

Humarap ako sa nanay ko at ngumiti ako sa kanya ng nakakaloko at napatawa ako sa loob ko ng makita ko yung takot sa mga mata nya.
“Tulad ng ginawa ko kay Daddy? I’m a bad child Mom? Or a good one? “ tanong ko at humakbang ako papalapit sa kanya.
Ngumiti ang nanay ko sakin at nilabanan nya yung takot sa dibdib nya. Not bad.
“You are the good one…” sabi ng nanay ko at hinawakan nya yung magkabilang pisngi ko.
“If you touch Roian magkakaroon tayo ng isang show ulit hanggang si Dad will be there for you like forever.” Sabi ko. At tumango sya. See kaya paborito ko itong nanay ko kase madali syang kausap.

“Nakita na namin yung kabit ng tatay mo…” bulong ng nanay ko at napangiti ako.
Naligo ako at nag ayos. Nagpatuyo ako ng buhok. Gusto kong maging presentable sa harap ng babaeng mahal ni Daddy. Imposibleng makalimutan nya ko eh ako yung bangungot nya. Napangiti ako ng maalala ko yung mga takot sa mata nila ni Daddy. Yung tibok ng puso ko sobrang saya.
Pagpasok ng sasakyan namin sa warehouse,agad akong pinagbuksan ng pintuan ng bodyguard ko. Napatingin ako sa isang guard na kasama ko.Dala nya yung paborito kong laruan. Lumapit ako sa kanya at kinuha ko ito  sa kanya.
I think mga 2 to 3kilos ang bigat nito.
“It’s showtime…” nakangiti kong sabi.Ngayong araw na ito si Mommy at ako na lang yung kabilang sa storybook ng pamilya namin and the wolf will be gone forever.
Naglakad ako papunta sa kinaroroonan ng first love ni Daddy. Sobra entertain ko namakita ko yung takot sa mga mata nya habang nakabusal yung bibig nya. Umupo ako sa harap nya at ngumiti ako sa kanya at napansin ko na nakatingin sya doon sa laruan ko kaya binaba ko iyon sa lapag kaya lumikha iyon ng ingay na lalo nya ikinatakot.
“Naalala mo ko?” mahinahong tanong ko at kita ko luhang dumadaloy sa mga mata nya.
“Dalawa ang option mo para mabuhay…yung mapatay mo ko at yung ikalawa…” sinenyasan ko yung isa sa mga tauhan ko na kalagan yung babae sa harap ko. Lahat naalala ko, yung paano naging dahilan sya  ng sakit ng kalooban ko kung paano sya yung pinili ni Daddy..kung paano sya yung naging kahati namin ni Mommy sa oras at atensyon ni Daddy.
“Tumakbo at hindi kita maabutan…” nakangiting sabi ko at muli kong pinulot yung laruang bakal ko.
“Nagmamakaawa ako…please…” nakaluhod na sya sa harap ko.
“Takbo!” hiyaw ko at pinakita ko sa kanya na hindi ako nakikinig sa pagmamakaawa nya. At dahil doon takot na takot syang tumakbo palayo sakin.
Tumingin ako sa mga tauhan ko at ngumiti sa kanila.
“Let’s do this boys…”
Roian’s POV
Nag aantay ako kay Ivan sa isang coffee shop. Mayroon na syang data about Cy. Hindi ko alam bakit kinakabahan ako.
“Naku! Roian sorry kung late ako…”sabi nya at nakipagbeso sakin.
“Ayos lang…” sabi ko at naupo sya sa harap ko.
Binigay nya sakin yung envelope at pagbukas ko nun.
“Hindi lumabas ng bansa si Cy. Nandito lang sya sa Pilipinas ng buong duration ng last past 6years…ang pinagtataka ko burado lahat ng data nya kahit saan. At lahat ng about sa kanya eh stuck up before mangyare yung sa inyo…” sabi ni Ivan.
“Bakit ganun? Sigurado ka? Yvie told me umalis din si Cyrll nung pag alis ko…”sabi ko.
“Hindi akong pwedeng magkamali sa data na yan. Wala ni isang record si Cy na lumabas ng bansa..kahit local flights wala din.” Sabi ni Ivan.
May itinatago talaga sila sakin.
“Can tou do me a last favor Ivan?” tanong ko.
“Yeah! Anything…ano ba yun?” tanong nya.
“Si Yvie…gusto kong malaman kung umalis ba sya..same timeline ng kay Cyrll…” sabi ko.
“Walang problema..” sabi nito.
Kapag hindi lumabas ng bansa si Yvie mataas ang tyansa na magkasama sila at alam ni Yvie lahat.
“Nakakatawa…tatlong kaklase ko na yung naiimbistigahan ko…lahat burado ang data. Ah yung kay Yvie hindi ko pa pala alam” sabi ni Ivan.
“Huh? Bakit sino ba yung isa?” takang tanong ko.
“Si Gale…Last year natagpuang walang buhay sa bahay nila yung Daddy nya at laslas yung pulso. At suicide ang findings…pinahinto ng pamilya nila yung imbestigasyon. Pero kung susumahin mo..paralisado ang kaliwang bahagi ng katawan ng Daddy nya at laslas yung kanang pulso nito. How come magagawa nya sa sarili nya iyon…” sabi ni Ivan at napapailing.
Hindi ko alam. Wala ding nababanggit sina Carol. At hindi man lang nabalita.
“Hindi mo alam?” tanong ni Ivan at napatango ako.
“Ang lakas talaga ng pamilya ng mga kaibigan mo…in a snap kaya nilang bumura ng identity at data ng isang tao. Be carefull Roian, lahat sila parang may tinatago sayo. “ sabi ni Ivan.
Pagkatapos ng pagkikita namin ni Ivan dumeretso ako sa office ko. Lalo akong naguluhan sa nangyayare. Si Gale at Cyrll kung tutuusin ang babaw ng away nila pero kung umasal sila akala mo naman simula sapol magkaaway sila at kulang na lang magpatayan sila. Tapos yung ibinulong ni Yvie kay Gale nung isang gabi sa bar ni Shannon. Bakit nya pa binulong yung pangalan ni Alvin. Saka nakakapagtaka bakit di sinabi samin ni Gale na namatay yung tatay nya. Kaibigan nya kami forgodsake!
Ilang araw kong hindi nakausap ni isa sa kanila. Ni walang nagtetext o ano. Si Cy ganun din ilang araw ko din syang hindi nakikita. Naging busy ako sa resturant at sa pag aasikaso sa anak ko dahil pumapasok na sya sa school at half day lang yung pasok nya.Minsan si Mama yung sumusundo sa kanya dahil naiinip daw sya sa bahay. Minsan dinederetso nya ng uwi yung anak ko sa mansyon na gustung gusto ng anak ko dahil doon nakakapagvideo games sya.

And the strangest things happened ng magtext si Carol sakin at sumunod daw ako sa bar ni Shannon pagka out ko sa resturant. Pagdating ko doon magkakasama silang lahat including Cyrll.
Nagkukwentuhan sila at lahat sila nakakikinig kay Carol at lahat sila nagtatawanan. Habang pinapanuod ko sila parang bumalik yung panahon na high school at college kami. Wala kaming problema at kung meron man simpleng katangahan lang ng bawat isa sa amin.
“Cut there Carol…hindi ako yun it was Shan…” reklamo ni Gale na natatawa.
Si Shannon twang tawa halatang sya yung gumawa.
“It was Shan…sya yung namutol ng mga roses ng adviser natin sa harap ng room natin…at binigay nya sa pari.” pambubuko ni Cyrll. Napangiti ako ng makita ko simpleng nagtanguan yung dalawa. Habang pinapanuod ko sila bigla kong narealize yung mga bagay na nalaman ko kay Gale,yung kay Cy na burado yung data nya,yung pag aaway ni Yvie at Gale nitong nakaraan. Yung asal ni  Shannon na parang normal na lang sa kanya lahat ng behavior ng mga kaibigan namin na ngayon lang namin nakita.May mali sa sitwasyon na ‘to…tama si Ivan, may tinatago sila sakin.
“Hi guys…” bati ko.
Lahat sila bumati sakin. At sinabi nila sakin kung anu ano yung napagkwentuhan nila. Pasimple akong napatingin kay Gale. Napakunot yung noo ko dahil ang dami nyang galos sa braso. At nakakapagtaka katabi nya si Cy. Pagtingin ko sa mga mata nya. She’s hiding her emotion. Base sa movement ng mga kamay at daliri nya para syang nag oobserve ng paligid nya ng pasimple. Si Gale wala naman something na ano sa kanya. Parang nag eenjoy lang sya na panuorin yung pagiging bangkera ni Carol at Yvie.
“Kung ituloy na natin yung Palawan getaway natin…” sabi ni Shannon.
“Oo nga…ang tagal na nung huling nagbeach tayo.” Sabi ni Carol.
“Masaya yan..next week?” sabi ni Gale.
At lahat kami sumang ayon na. Napagdesisyunan namin na lumipat sa bahay ni Carol pumunta para doon magmovie marathon na lang.
Habang naglalakad kami sa karamihan ng tao na nagpaparty sa loob may isang lalake na kanina ko pa napapansin na nakatingin sa amin habang pababa kami ng VIP room. Binangga nya ko sa kanang balikat ko at talagang nasaktan ako. Hihingi sana sya ng sorry pero namalayan na namin lahat sina Gale at Cyrll nakahawak na doon sa leeg ng lalake at yung mga mata nila parang papatay.
Parang nabigla din si Cy kaya bumitaw sya pero si Gale hindi pa din imbis hinigpitan nya yung pagkakahawak doon sa leeg ng lalake. Para syang kinakapos ng hininga kaya wala syang lakas na alisin yung kamay ni Gale sa kanya.

“Gale…stop it…baka mapatay mo sya…” saad ni Shannon.
Bumitaw si Gale at sobra ang ngiti nya sa lalake na ngayon nagkakanda ubo sa paghahabol ng hininga nya.
“Another weak in this world…” saad ni Gale bago nagpatiuna ng lakad at sinundan sya ni Shannon.
Si Yvie inalalayan nya ko. Si Cyrll tahimik na nag lakad palabas. Yung kaba ko hindi mawala wala sa dibdib ko. Si Carol nasa tabi ko din at panay tanong sakin kung okay lang ba ako.
Pagdating namin sa parking lot pagtingin ko kay Gale relax na sya na para bang walang nangyare. Si Cy ganun pa din walang emosyon yung mga mata nya at waring malalim yung iniisip nya.
Sa inaasal nila lalo akong naguguluhan. Para kaming nasa circus na lahat sila actors at ako yung audience at hindi ko alam kung ano yung susunod na gagawin nila. Mayamaya ay sinuotan ako ni Cy ng jacket at wala sya ni isang emosyong pinakita nung magtama yung mga mata namin. Para na naman syang tulog na gising. May nangyare na naman kaya? Pagtingin ko sa mga kamay nya. May mga sugat ito.
“Ayos ka lang?” mahinahong tanong ni Gale sakin. Napalunok ako at tumango.
“Parang hindi naman…” sabi ulit nya.
“Magiging okay lang ako kung sasabihin mo sakin yung dahilan mo…” panimula ko.
“ano yun?” tanong nya at yung mga kaibigan namin nakatingin sa amin
“Bakit hindi mo sinabi sa amin na namatay pala yung Daddy mo last year?” lakas loob kong tanong. Kapag di nya ito sinagot ibig sabihin meron nga.
Nakita ko yung pagkabigla sa mga mata nya at pati sina Yvie natigilan at nakatinginan sila kung may isa man sa kanila yung nakakaalam. Pero wala.
…………
Thanks for Reading
Vote and comment kayo guys..
~dark19


Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now