Sweet Wine

3.5K 154 7
                                    

Roian's POV

Hinatid ako ni Yvie hanggang sa pintuan ng unit ko. Nawawala ako sa sarili dahil nung nakaharap ko si Miranda ay ganun na lang yung insecurities na naramdaman ko, kayang kaya nyang agawin si Cyrll sakin.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Yvie kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti sya sakin at ginulo nya yung buhok ko.

"Wag ng malungkot, Ikaw yung mahal ni Cy....." saad nya.

"Sya yung nandoon nung breakdown ni Cy....." saad ko at napayuko.

"Ikaw naman yung pinili na makasama ngayon...." sabat nya
Hindi kase ako makampante. Sobrang guilty ko kase sa lahat ng nangyare sa amin.

"Walang ibang gamot si Cyrll kundi si Roian lang. Hindi pagmamahal ni Miranda ang kailangan ni Cyrll.....Ikaw yung kailangan nya....kayo ni Yuan. Wag ng mag isip ng kung anu ano. Wag kang magpuyat...maagang matulog." Saad ni Yvie at pinagbuksan ng pintuan. Hinalikan nya ko sa pisngi bago nagpaalam dahil hinahanap na sya ng nanay nya.

Napabuntong hininga ako habang nakaupo ako sa sofa sa salas.
Tinapos ko ang lahat ng paper works ko at ilang reports na need ko ng ipasa sa supervisor ng resturant ko. Ayaw talaga akong dapuan ng antok kaya ang ginawa ko ay pinagpatuloy ko yung 2d drawing ng susunod kong business. Sinabayan ko iyon ng pag inom ng wine ewan ko lang talaga kung hindi ako dapuan ng antok nito. Napamura ako sa sarili ko ng dapuan nga ako ng antok dahil naka isa't kalahating boteng wine naman ako.
Padapa akong humiga ng kama. May maling kilos lang yang Miranda na yan pasasampal ko sya kay Shannon.
Kakaidlip idlip ko lang ng may parang dumagan sa likuran ko. Shet!

Nasusuka ako sa pabango nya.

"What the hell! Ang baho ng perfume mo!" Reklamo ko at hindi ako makamulat dahil sa antok na antok talaga ko at hilong hilo gawa ng wine.
Isiniksik pa nito ang mukha sa batok ko at yakap yakap na  ako habang nakadapa ako.

Konting konti na lang talaga masusuka na ko. Buong lakas akong bumangon at tumakbong CR, wala na naisuka ko ng lahat! 

"Ghad! Ang dami mong nainom...."
Napalingon ako sa likuran ko dahil parang naging active ulit yung buong sistema ko ng marinig ko yung boses nya.

Sinugod ko sya ng yakap at napatawa syang yumakap sa akin pabalik.

"Yey! You are here! Sa akin ka umuwi!" Ewan basta tuwang tuwa ako na nandito sya sa akin.

"What? Sayo naman talaga ako umuuwi..." naguguluhang saad nya. Kumalas ako ng yakap sa kanya.

Kainis hindi ko bet yung perfume nya ngayon.
"Ayoko ng pabango mo....take a bath please." Saad ko.

"May nagspray kase nito sakin....maliligo muna ko then kain tayo." Saad nya bago tumalima.

Habang naliligo sya ay inayos ko na yung mga dala dalahan nya. Ang dami nyang pasalubong para sa anak ko. Mahal nya talaga yung anak ko.

"Babe, namiss mo ko?" Tanong nya habang kumakain kami. Pasado ala-una na ng madaling araw.

Napangiti ako. "No. Hindi ka naman nagbait dun bakit kita mamimiss."

Muli akong kumain.

Natawa ako ng napasimangot sya. Hinila nya yung upuan ko para lalo pa akong mapalapit sa kanya. Napatitig ako sa mga mata nya na para bang amaze na amaze habang nakatitig sa akin. Ito yung titig nya na nagpapakalma sa puso ko. Yung titig nya na mahal na mahal nya ko.
Hindi ko namalayan na nakaupo na ko paharap sa kandungan nya.  Ipinalupot ko ang mga braso ko sa batok nya.

"Bakit nagseselos ka kay Miranda?" At hindi pa din nagbabago yung naaamaze nyang titig sa mukha ko. Nag iwas ako ng tingin at napakagat ako sa ilalim na labi ko. Hinuhuli nya paningin ko pero hindi talaga ko makatingin sa mga mata nya.

Inside Her Mind (GirlxGirl)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن