Chapter 19 👀💞

45 5 0
                                    

[ Maica's POV]

Hanggang ngayon lutang pa din ako sa mga sketches na pinadala ni Minwoo.

Unang sketch ay nong nasa labas ako ng convenient store at malungkot na nakatingin sa bawat pagpatak ng ulan. Siya pala yung lalaking nakabungguan ko.

Second sketch ay nong first day of school na nagpapakilala ako.

Third sketch ay nong nasa mini forest ako at nakapikit na may suot na earphones.

Sunod na mga sketches ay yung naka side view ako, birthday ko, at madami pa na ang pinakalast ay nong Farewell Ball at may lettering siya sa gilid na ' The Queen of my heart'

Ibig sabihin ba non mahal niya din ako?




" De Vera, Maica C. Bachelor of Secondary Education major in Mathematics, Cum Laude."

Napabalik ako sa realidad ng marinig ko ang pangalan ko. Kahit nanginginig ang paa, tinungo ko ang stage.

Oo, hindi nakauwi ang parents ko.
Ang saya diba?

Malungkot na nginitian ko si Minwoo ng madaanan ko siya.

" Your parents Ms. De Vera?"

" Calling the attention of Ms. De Vera's parents." - President.

Nakarinig ako ng bulong-bulongan hanggang sa nakita kong tumayo si Minwoo at umakyat ng stage.

Hindi ko na napigilan ang mapaiyak ng maisuot niya ang medal sakin. Nakarinig kami ng palakpakan. Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko ma explain kung gaano ako kasaya ngayon.

To return the willingness, ako din ang nagsuot ng medal kay Minwoo.


Natapos ang graduation namin ng alas nuwebe ng gabi.

" Punta ka bukas sa bahay Maica ah? Magluluto ako ng madami."

" Opo manang Erna."

Nabaling ang tingin ko kay Minwoo na nakatingin sakin. Nginitian ko siya at niyakap ng mahigpit.

" Congratulations satin, Minwoo. Thank you pala kanina. Hindi mo lang alam kung gaano mo ako napasaya. One of the unforgettable moment that I will treasure. S-Sana huwag mo kong kalimutan. I love you, Minwoo."




" Ate Maica!!!"

Napalingon ako kay JC na nasa kabilang kalsada kasama si mama niya.

Sobrang namiss ko siya! Ngayon ko lang siya ulit nakita kaya mabilis na tinawid ko ang pagitan namin nang bigla akong napahinto sa gitna ng kalsada at nasilaw ako sa paparating na sasakyan na mabilis ang pagtakbo. Tumataas-baba na ang dibdib ko dahil sa sobrang kaba.





" Ate Maica!!!"

The Way You Look At Me (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now