Chapter 8 👀💞

42 7 2
                                    

[ Maica's POV]

Dahil sa family day medyo naging close na kami ni Minwoo kahit na ako lang naman yung dumadaldal.

First time kong nakita na umangat yung gilid ng labi niya na parang pinipigil ang ngiti.

Sumali din siya sa mga games na gustong laruin ni JC.

Ngayon nga hawak ko ang picture naming tatlo. Nakayakap sa binti namin ang kamay ni JC habang nakatingin kami sa camera.

Medyo nawawala na din ang pagkailang ko sa kaniya.

" Ate malapit na po pala ang birthday mo?"

" Oo nga eh. Sa susunod na araw na."

" Diba po sabado yun ? Tayo lang pong dalawa ang magce-celebrate?"

" Oo, at saka uuwi ang parents ko."

" Wow! Talaga po? M-Magugustuhan po kaya nila ako?"

" Of course! They can't resist your cuteness, JC."

" Invite mo po ate si Kuya Minwoo."

" B-Baka busy si Kuya mo?"

" Sige na po ate."

Napabuntong hininga na lang ako.

" Sige sige. Tatanungin ko lang siya."

" Yehey!"









Kinabukasan, nahihiya akong magtanong. Kung di lang talaga dahil kay JC!

" Minwoo? Busy ka ba bukas?"

Umiling siya.

" Ahhh... Birthday ko kasi bukas t-tapos nag request si JC na i-invite kita sa bahay. O-Okay lang ba?"

Nagsulat muna siya bago inabot sakin.

'It's okay. Thank you for inviting me. What's your address and what time is your party will start?'

" Sa Witch Subdivision, 1 pm."

Eksaktong dumating si Miss Guimaranan at nag start na siya ng discussion niya. Todo jot down naman ako ng importanteng details para sa reflection ng portfolio namin.

After ng class, kinausap ko si Minwoo.

" Okay na kahit walang gift. I-Ingat ka bukas. Sige, babye."

Lumabas na ako ng room at pumasok sa susunod kong major subject.




Kakapasok ko palang sa gate ng bahay ng tumawag si mama.

" Hello Po ma?"

" Naka book na kami ng ticket at bukas ng alas kwatro ng madaling araw ang flight namin."

" Talaga po?! Ingat Po kayo ni papa!"

" Can't wait to see you dear."

The Way You Look At Me (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now