Chapter 10 👀💞

41 5 1
                                    

[ Maica's POV]

" Wish ka po muna ate."

Pilit na ngiti ang binigay ko sa kanilang dalawa. Nagkunyaring nagwiwish ako kahit na ang totoo ay hindi.

Ano pa ang iwiwish ko kung hindi naman matutupad? It's useless.

" Yehey!!!"

Sigaw ni JC at nagpalakpakan sila after kong hipan ang kandila.

Pinakain ko lang sila habang tulala lang akong nakaupo.

Napapitlag ako nang may kumalabit sakin.

"A-Ah , Minwoo, ikaw pala. Bakit?"

May inabot siyang paper bag sakin.

" Thank you so much. Nag-abala ka pa dito sa regalo."

Nagkibit-balikat lang siya at umupo sa tabi ko. Hindi ko man lang namalayan na gabi na pala.

Niligpit ko ang pinagkainan namin at tinulungan ako ni Minwoo.

" JC, matulog ka na. Goodnight."

Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa pisngi.

" Goodnight po ate. Happy birthday po ulit. I wish po na sana hindi ka na malungkot. I'm your family po and I won't leave you. I love you po ate."

Naitikom ko ang bibig ko dahil natatakot ako na may kumawalang hikbi sakin.

" Goodnight Kuya Minwoo."

Naiwan kaming dalawa. Malakas ang ulan sa labas at mukhang delikado magbiyahe.

" Hindi ka ba hahanapin sa inyo?"

Umiling siya.

Napayuko na lang ako nang hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko. Sobrang sakit na.

" T-Thank you Minwoo kasi s-sinamahan mo ko sa birthday ko. N-Ngayon ko lang napatunayan na bahala nang w-walang handa sa birthday basta nandiyan lang ang p-presence ng mga taong h-handa akong damayan."

Sunod-sunod ang hikbi na kumawala sa bibig ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

Umusog siya sa tabi ko at bigla akong kinulong sa yakap. Hinagod niya ang likod ko.

Mas lumakas ang iyak ko sa dibdib niya.

Parang nakahanap ako ng kakampi.

Parang nakahanap ako ng masasandalan.

He let himself to be my crying shoulder.


" They promised. Akala ko s-sure na na dadating s-sila sa birthday ko. The happiness that I felt t-that time was priceless. Umasa ako eh kasi baka magkakatime na sila s-sakin pero nakalimutan ko na kaagaw ko pala ang 'busy' sa oras at atensyon nila. W-Wala na akong ibang hiling sa birthday ko eh, ang makasama lang sila. A-Awang-awa na ako sa sarili ko."




" Sshhhh"

The Way You Look At Me (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now