Chapter 13 👀💞

38 5 0
                                    

[ Maica's POV]

Hindi ko alam kung paano pigilan ang mga luha ko nang marinig ko ang kaniyang kwento.

Kung malungkot ang pinagdadaanan ko, paano na lang siya? Mas grabe yung mga pinagdaanan.

" P-Pwede ko po ba siyang puntahan?"

Tumayo siya kaya umakyat ako sa hagdan at lumapit sa pinto na may nakasulat na,

" If you don't want to stay with me, then LEAVE. I'm used being ALONE."

Mabilis na pinunasan ko ang luhang kumawala sa mata ko.

Ginamit ko ang duplicate key na binigay sakin ni manang at maingat na binuksan ang kaniyang pinto.

Ang dilim ng loob ng kwarto niya kaya pilit na inaaninag ko kung saan siya naroroon. Nasa kama niya na ako  nang marinig ko ang mga hikbi niya.

Parang nabasag yung puso ko ng makita ko siyang nakaupo sa sahig sa may paanan ng kama. Nakasubsob siya sa tuhod niya at yumuyugyog ang balikat niya sa pag-iyak.

Tinabihan ko siya and I lean on his shoulder at hinawakan ang kanang kamay niya.

Hindi siya nagulat sa presence ko at mas lalo pang hinigpitan ang hawak niya sa kamay ko.

" Pumasok ako dito because I chose to stay and I won't leave you , Minwoo. Sinabi sakin ni manang ang lahat. I'm not her to pity you but I'm here para damayan ka. Don't worry, hindi mo man makakasama si mommy mo, nandiyan lang siya sa paligid para bantayan ka. I know that it's very hard for you. Don't hesitate to approach me if you want someone to lean on. I'm always here for you, Minwoo. Don't lose hope. Marami kaming n-nagmamahal sayo."

He pulled me and hugged me tight. Basa na ang balikat ko sa luha niya. Patuloy lang ako sa paghagod sa likod niya.

Mas malungkot pa pala ang buhay niya kaysa sakin.

Parang gusto ko na lang manatili sa tabi niya.

Parang gusto ko siyang pasayahin.

Parang gusto ko siyang m-mahalin.

Hindi ko namalayan na hawak niya na pala ang mukha ko. Namumula ang mata niya at medyo namamaga na dahil sa pag-iyak.

Mamula-mula ang mata niya at nangingintab ang pawis niya sa noo.

Hindi ko alam kung gaano na kami katagal na nagkatitigan. Parang nangungusap yung mga mata niya.

I closed my eyes when kissed me on my forehead.



" Stay"

Basta niya na lang ako niyakap at doon ko lang nalaman na nakatulog na pala siya.

Malakas ang kabog ng dibdib ko hanggang ngayon. Paulit-ulit na nagre-replay sa isipan ko ang boses niya.

Sa simpleng 'stay' lang parang gusto niyang manatili ako sa kaniya habang buhay.

The Way You Look At Me (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon