Chapter 1 👀💞

106 8 1
                                    

[ Maica's POV]

" Ano ba ang plano mo sa buhay mo Maica? Hindi mo man lang ba nararamdaman kung gaano na kahirap samin ng papa mo na magtrabaho dito sa abroad? Ibinibigay naman namin ang lahat sayo pero yung gusto naming makapagtapos ka ng pag-aaral, hindi mo maibigay."

Inis na napasabunot ako sa buhok ko. Kausap ko ngayon si Mama sa cellphone. Nasa South Korea sila ni papa nagtatrabaho as Doktor and Nurse.

Mga tatlong taon na akong nakatira dito sa bahay ng MAG-ISA. Kung iisipin nga parang namumuhay na ako ng MAG-ISA.

" Ma, hindi pera o ano pa ang kailangan ko. Alam niyo po yan."

Pinatay ko ang tawag at napahiga na lang sa sofa. Naramdaman ko ang pagbagsak ng luha ko.

Mahirap ang mag-isa.

Oo, naiintidihan ko sila na lahat ng ginagawa nila ay para sakin. Pero anak nila ako. May anak sila na dapat uwian.

Sa loob ng tatlong taon na yan ni isang beses hindi sila umuwi.

Isipin niyo kung gaano kalungkot ako pagsapit ng araw ng pasko, bagong taon, birthday ko at kung ano ano pang event sa buhay ko na kailangan ko sila.

Hindi na ako naninibago sa salitang 'busy' because that's the favorite word of my parents.

Hindi ako masyadong palakaibigan. Lalo na ngayon at naranasan ko na na ang taong malalapit sakin ay hindi ko na mapagkakatiwalaan. Bigla na lang silang nawawala eh, nang-iiwan nang wala man lang paalam.

Sa pasukan magthi-third year college na ako. I'm taking Bachelor of Secondary Education major in Mathematics.

Nagtataka kayo siguro kung ano ang pinag-aawayan namin ni mama no?

Ganito kasi iyon, kung saan nasa 3rd year college na ako doon pa ako nawalan ng gana na mag-aral.

Natatakot ako.

Natatakot at naaawa ako sa sarili ko na isipin palang na aakyat akong mag-isa sa graduation ko.

Hindi na ako umaasang darating sila sa araw na iyon.

Anong purpose ng diploma ko kung ang reason ng pag-aaral ko ay hindi ko makakasama sa stage?

Bumangon at pinahid ang bakas ng luha sa pisngi ko.

Alas otso na ng gabi at medyo pumapatak ng mahina ang ulan. But it can't get you easily wet. I want to eat cup noodles but I ran out of stock.

Kunti lang naman ang alam ko sa pagluluto kaya umaasa na lang ako sa canned foods at ready to cook.

Wearing my black hoodie jacket and a folding umbrella in my hand, lumabas ako ng bahay. Kunti lang ang mga nakakasalubong kong tao dahil na rin siguro sa sama ng panahon.

Nang makarating sa pinakamalapit na convenient store, maingat na tiniklop ko ang payong at nilagay sa stuff area bago pumasok.

Bumili ako ng cup noodles, Clover Chips, Mogu Mogu , Waffles, canned softdrinks, donut at foot long.

Di halata na gutom ako no?

I'm busy checking my stuff to the point that I didn't notice bumping into someone.

" Sorry po."

Walang salita na nilagpasan niya lang ako. Nagkibit-balikat na lang ako at tinungo ang counter para magbayad.

The Way You Look At Me (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now