Mahal, Isa na lang sa aking Alaala

13 1 0
                                    

Mahal, isang salita
daan daang alaala
akalang bagay na tinitingala
Isa palang pakiramdam na sisira

Nung una'y napaisip ako
anong pakiramdam ng biglang masalo
Minsan masaya, minsan malungkot
kahit sa huli, puso ma'y mabalot ng poot

Iminulat ko ang mata
tanging ngiti mo lang ang nakita
'Pagkat sandaling ibinigay ng pagkakataon
Sa libingan na pala maibabaon

Matang nagsimulat sa ikalawang pagkakataon
Yakap mo'y unti-unting nawawala sa hampas ng alon
Aninong dati'y magkaakbay sa ihip ng panahon
Isa na lamang sa mga sugat na maghihilom

Sa lilim ng kadiliman, paningin ko'y bigla kang naglaho

Bakit ka nang-iwan?
Akala ko'y buhay nating dalawa ay sukdulan

Ika'y nangako na bawat pangarap natin ay matutupad
Sa isang iglap, naging hangin na mistulang lumipad
O kay bilis nga namang umalis,
'Pagkat pagmamahal mong huwad at ika'y nagmalinis

Prose And PoetryWhere stories live. Discover now