Anino

37 1 0
                                    

Tangan ko sa malayo
Isang kakaibang anino
Wangis na tulad ng lobo
Ngunit isang anyo na tao

Nung una'y walang alinlangan
Sa tunay mong pagkakakilanlan
Biglang pumatak ang araw,
Mistulang ika'y naging halimaw

Nawala sa iyong sarili
Hinanap, hindi mapakali
Nalilito sa mga kinikilos
Umaaktong isang musmos

Muling kong napagtanto
Kung bakit ako nagkaganito
Isa ka nga pala sa ilang rason
Mga Iniwan mong marka ng lason

Prose And PoetryWhere stories live. Discover now