"Puta"
"Gago! Ang bobo mo kasi!"
"Wow, hiyang-hiya din naman ako sa galing mo!"
"SS na kasi! Hoy! Ano ba!"
"Putek! Ano ba naman yan! Seryoso? Nagfafarm talaga?"
.
.
.
.
"Puta ba't bigla silang lumabas?"
"Gago! Putang-inaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!"
"Gonzalez, Maximo P.!", dumadagundong na sigaw ng isang pamilyar na boses. Sa timbre pa lang nito kahit di ko pa tingnan kung sino, nangangatog na ang mga binti ko. Boses ito ng demonyo kong teacher, si Ms. Manilyn "Lucifer's Mistress" Salazar, 57 years old, matandang bugnuting dalaga.
"Ma..ma...maa..maam?"ang tanging naisagot ko sa teacher kong siguradong galit dahil sa lakas ko ng sigaw ko kanina, ay, di lang pala basta sigaw yun, may pagmumura pa.
"Ang tatas mong magmura kanina, pagkatapos ngayon ay uutal-utal ka? You cannot even look at me in the eyes! Now tell me Gonzalez, Maximo P. , anong karapatan mayroon ka para magmura ng maaga sa loob ng klase ko?" dagdag na sambit ni Ms. Salazar habang papalapit sa aking kinauupuan.
Hindi ako makagalaw sa takot, lagot ako nito sigurado. Dinig na dinig ko ang malakas na pagkabog ng puso ko.
"Ahh.. eh.. kasi po.." di ako makasagot ng maayos. Nakayuko lang ako habang nakatingin sa sapatos ni Ms. Salazar. Nasa tapat ko na siya. Nakakatakot tumingala. Parang nai-imagine ko na ang monster-look ni Maam ngayon. Napabuntong hininga na lang ako.
"7:05 A.M. at ano? Nandito ka at naglalaro ng walang kwentang online game na yan? Imbes na maghanda sa ating aaralin ngayon!.. Magaling! Gonzalez, Maximo P. , go to the Guidance Office now!" nanginginig na sigaw ng matandang teacher .
"DEFEAT!" sambit ng sikat na voice over sa online game na nilalaro ko sa phone ko .
Napagalitan ka na nga, natalo ka pa!
"Yes maam" at kumaripas ako ng takbo papalabas. Habang papalayo sa classroom ay dinig na dinig ko ang tawa ng aking mga kaklase na napalitan din kaagad ng katahimikan gawa nang pasigaw na pagsita ng Lucifer's Wife. Bwesit na James, Charles, Mark at Ping na yun. Di man lang ako inabisuhan na nasa loob na pala si maam ng room. But, on lighter note, 'di na din masama to. Isang oras din akong makakahinga ng maayos. Di ko makikita ang pagmumukha ni Ms. Salazar at hindi rin ako magtitiis na makinig sa napaka-boring niyang subject, Economics.
Ay SHIT! May LONG QUIZ pala kami ngayon! Tapos losing streak pa, kung minamalas ka nga naman.
"Takte! Di bale na nga." Bulong ko sa sarili ko habang papalit sa pinto ng Guidance Office.
"Moment of truth", dagdag ko habang kumakatok sa pintuan ng opisina.
Walang sumasagot. Pero may pamilyar na ingay akong naririnig na nanggagaling sa loob. Hindi ako pwedeng magkamali. May tao sa loob at naglalaro din ito panigurado ng Mobile Legends! Larong dahilan kung bakit ako pinapunta dito. Pero bakit may naglalaro ng ML sa loob ng opisina? Si Mr. Dela Cruz kaya ang naglalaro? Napangiwi ako. Imposible. Eh magreretiro na sa susunod na buwan itong Guidance Counselor namin at tsaka, basic keypad lang ang phone niya.
Na curious ako. Marahan kong pinihit ang doorknob... Hinay-hinay kong binuksan ang pinto.
YOU ARE READING
Game Over (boyxboy)
Teen FictionPara sa isang online gamer na katulad ni Max, online games is life. Walang siyang ibang gusto kundi ang maglaro nang maglaro nang maglaro. Paano kung siya naman ang paglaruan ng tadhana? Paano kung ang larong ito ay pag-ibig? Kakayanin niya kaya ito...
