chapter thirty three

Start from the beginning
                                    

"P*nyeta ka! Ang tagal ka naming hinintay, 'tas kung kailan mapupuno na kami ng pasa, doon ka pa lang darating! 'San ka ba pumunta?! At bakit ga'non?!"

Ngumiwi ito, habang hawak ang brasong napalo. "I'll tell you when we get into a good place to treat everyone's wounds."

"Siguraduhin mo Alli na complete ang pagkawento. Halos na-stress kaming lahat ng isang linggo sa kalokohan ng mga 'yan! Mauubusan na'ko ng buhok sa kakatiis!"

Ngumiti lang ito, at lumingon sa bintana na nasa side niya. Bumuntong-hininga ako, looking back at the four people seated at the back.

"'San tayo neto?"

"Sa bahay na namin." March suggested. I shrugged, turning on the engine, and went to her house. Wala na rin naman akong maisip na bahay na pwedeng puntahan but hers. Kahit pa mayaman sila, e mas hindi strikto ang mga magulang niya keysa sa'kin. Lucky girl.

Tulad nga ng sabi ni Enrico, sumunod ang puting motor ni Daryll sa likuran namin, kung na'san ang lalaki. At dahil nakipagbakbakan pa kami sa gitna ng kalsada, at ang direksyon na iyon ay papunta sa bahay nina Daryll, mas lumayo ng konti ng byahe kila March.

Nagtulungan kaming dalin ang mga sarili namin sa sala nila nang makarating, at agad pinaasikaso si Daryll sa mga katulong doon. Kahit ang iba naming kasama ay naagapan ng first aid, ako lang yata at si Alli ang hindi naapektuhan ng mga bugbog.

Nakipagkwentuhan pa'ko sa kanila dahil nagrereklamo si Aira na muntikan na daw masira ang rebond niyang buhok dahil sa pagkakahawak ng mga tauhan ni Dexter. Pinagalitan naman siya ni March at sinabing mas po-protektahan pa yata nito ang buhok kesa sa mga gamit nito laban sa mga magnanakaw. Hindi namin mapigilang matawa.

Mukhang mas naging ayos sila ng makita ngang nandito na ulit si Allison. I don't know, but she always gives off that sense of security. Iyon bang kapag nandiyan siya, ramdam namin na lagi niya kaming ililigtas sa kung ano.

Nang imbitahin ko na nga siyang i-kwento ang lahat, ay ginawa naman niya ito. Iyon nga lang, hindi ko mapigilang maging curious, and weirded out with some things.

Like an ally that she mentioned.

"The police officer who came to rescue us is a long-time ally of mine. Ever since the sound system hack, the pranks, she helps us plan it all out."

"Yung babaeng nakabalot ng itim na 'police officer'? She was sketchy at first pero gulat rin ako nang bigla mo siyang pinagkatiwalaan." sambit ni Enrico.

"I actually didn't know her, before she bought me into her house. She showed her face to me."

"Anong pangalan niya?" I asked, but I saw her smile drop.

"Unfortunately, I can't tell. Safety reasons. Let's just say that she has a job that puts her life at stake. I don't even know where she exactly lives. She put me into sleep when I got into her car, going back to Asplund."

Tumango kaming lahat, wanting to understand it all for safety. Nakakapagod na rin namang mabugbog, ayoko nang mainvolve pa sa ibang problema, so I guess it's just good to leave it at that.

"Pero hindi ka man lang ba natakot na baka ka-alyado rin 'yon ni Dexter?"

"Nope."

"Why?"

"She had promised to save me whenever I need help."

Tumango-tango ako. Bigla namang sumabat si March.

"I find it weird though, Phoenix isn't always with Dexter lately. Siya lang ang wala sa grupo nila tuwing bubugbugin kami."

Ah, oo nga no? Buti na lang sinabi niya.

Royals: MisfitsWhere stories live. Discover now