"Shut up!" Inis na wika ng lalaki sakaniya "Hindi na nga kita tinanong sa babaeng dinala mo sa condo ko kagabi diba?" Inis na dagdag pa niya. 

"You know what, you can ask for help with tito Joseph, he have a strong connection nationwide," wow big time. "Madali mo siyang mahahanap kaysa umasa kang babalik pa siya." Dagdag pa ni Jonas.

"You know what? Why won't you just stick your nose with your business? Mind your own." Naiinis ulit na wika ng lalaki. 

"Pereho lang kayong broken ni kuya Josh." Sagot ni Jonas na para bang nahihirapan siya sa sitwasyon nila. 

"You will be soon. Bakit? Chinese ba yung dala-dala mo kagabi? No. She's not! I bet she's pure Filipina." Pinsan niya nga siguro ang kausap niya. 

Hindi naman sila mukhang chinese na mga chinito hindi kagaya ni Gail na kaunting ngiti wala ng mata. They have round eyes. Yung kutis nila ang halatang chinese. 

Unti-unti na akong nagpakita sa kanila. Wala naman reaksiyon ang kausap ni Jonas samantalang bahagyang napaawang ang bibig ni Jonas nang makita ako. 

"Ah? Good morning?" Nahihiyang bati ko sakanila. Hindi ko rin kasi makita kung nasaan ang bag ko kaya hindi ako makatawag kay kuya Nathan. 

"Good morning." Walang pake na bati sa akin nung lalaki. Naka naka white polo ang lalaki na nakatupi hanggang sa braso niya. Samantalang naka white shirt naman si Jonas. 

"Ahm. Where's my things?" Nahihiyang tanong ko kay Jonas. Sobrang nakakahiya nang ginagawa ko! Ito na ang most embarassing moment! 

"You should eat first," wika ni Jonas tiyaka niya nilagay sa lamesa ang plato na may ham. 

May nakita rin akong soup doon. Bigla akong natakam dahil good for hang over. May nakita rin akong biogesic sa tabi niya. Ahh. Natatakam ako pero masyado nang nakakahiya. 

"Tatawagan ko nalang si kuya Nathan." Naiilang na wika ko. 

Kahit pala bwisit ang pinsan ko na iyon, siya ang una kong maiisip kapag emergency! 

"He knew." Wika niya tiyaka umupo. 

"You should eat, come on!" Anyaya sa akin ng lalaki. 

Wala na akong magawa kung hindi umupo sa isang upuan. Kaagad ko na rin pinapak ang soup bago lumamig. 

"So what's your name?" Tanong sa akin ng lalaki. "Mukhang walang balak si Jonas na ipakilala ka." Natatawang dagdag pa niya. 

"Daisheen Maine." Tipid akong ngumiti sakaniya. Mukhang sakaniya condo ito. 

"Joaquin. Joaquin Lonzo Tan." ngumiti ako sakaniya tiyaka nagpatuloy sa kinakain ko. 

"Thank you pala," kumunot ang noo niya habang nakangiti "I mean, thank you for letting me sleep last night." Agad na pagpapaliwanag ko. 

"No worries!" Wika niya sa akin. "Tiyaka wala na rin akong magawa, buhat-buhat ka ng pinsan ko papasok dito." Natatawang kuwento pa niya. 

"Ah hehe," naiilang kong tiningnan si Jonas. Pero nagpatuloy lang ako sa pagkain ko. 

"Nililigawan ka ba niya?" Nasamid ako bigla sa kinakain ko kaya napainom kaagad ng tubig. Mabuti nalang may nakahandang tubig. 

"Kuya!" Pigil sakaniya ni Jonas. Joaquin chuckled. 

Sana nga ligawan niya ako. 

"Hindi siya yung nililigawan ko," bahagya akong nakaramdam ng kirot sa sinabi niya. So what about those dms? 

Napatingin ako sakaniya pagkatapos niyang sabihin iyon. Napatingin din siya sa akin kaya umiwas nalang ako ng tingin. 

Umaasa nga talaga siguro ako. 

"Oh sorry. I thought it was her," pagpapahingi ng paumanhin ni Joaquin "I really thought. Kasi sabi mo kahapon susunduin mo yung nililigawan mo sa amper." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Joaquin, so may susunduin talaga siya kagabi? 

"Yeah but she's in good hands, I think. And Nathan might kill me if I abandon his cousin," nahirapan akong lumunok nang sinabi ni Jonas iyon. "Besides, she's good friend of mine."

So, inuwi niya lang ako sa condo ng pinsan niya dahil kaibigan siya ng pinsan ko? Malamang. Bakit ko ba binibigyan ng meaning lahat ng mga sinasabi niya sa chat? Bakit ko ba pinaasa ang sarili ko knowing he always tweeted about the girl he likes. At imposibleng ako iyon dahil never kaming nagkita sa national book store. Or nagkabungguan sa slu hospital just like what he's always tweeting. 

Parang nawalan ako ng ganang kumain pero pinilit ko lang para makainom ako ng gamot. Kumikirot pa ang ulo ko. Kumikirot pa ngayon ang puso ko. 

"Anong course mo?" Pag-iiba ni Joaquin sa usapan dahil sa biglang pagtahimik ko. 

"Nursing," tipid na ngiti ang iginawad ko sakaniya. Tumango siya sa bago nagtanong ulit. 

"SLU rin?" Umiling ako. 

"UB," tumango-tango siya bago nagpatuloy na kumain. 

Ganon na rin ang ginawa ko hanggang sa natapos na akong kumain at uminom ng gamot. 

"Ako na maghugas ng plato," presenta ko dahil masyadong nakakahiya. 

"You can take a shower. May paper bag dun sa kwarto mo, naghatid ng damit mo kanina si Nathan. I can wash the plates," tumango nalang ako dahil wala ako sa mood makipagtalo. 

Nawala ako sa mood dahil sa usapan nila kanina ni Joaquin. 

"Kapag umalis na kayo, huwag niyong kalimutan i-switch off lahat," wika ni Joaquin na mukhang aalis na "Off to work," paalam niya sa akin. Ngumiti ako sakaniya tiyaka kumaway. 

"Engineer iyan," wika ni Jonas sa akin. Napatango ako kahit hindi ko naman tinatanong. "Ay akala ko mahilig ka sa Engineer," dagdag pa niya. Umiling ako bago pumasok sa kwarto ko kanina. 

Naligo na ako tiyaka nagbihis na rin. Nilagay ko rin sa paper bag ang marumi ko. Nakasuot lang ako ng maong na shorts at hoodie. Pagkalabas ko ay tapos narin maghugas si Jonas. Pinatay na niya ang TV tiyaka kinuha ang bag ko na nasa tabi niya, binigay na niya sa akin iyon kaya kinuha ko na. 

Tahimik lang kami sa elevator, nakita ko pa ang pagsulyap niya sa akin dahil hindi ata sanay na tahimik ako. Ako kasi lagi ang nag open ng topic sa chat. Kaya pala madalang lang siyang mag open ng topic dahil hindi naman siya interesado sa akin. 

Mapait akong napangiti dahil sa naisip ko. 

Nasa loob kami ng sasakyan niya at wala pa rin akong imik. Paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa akin. Hanggang sa nasa bokawkan na kami. Malapit na bahay namin. 

"Are you okay?" Tanong niya. Marahan akong tumango. 

Bakit naman ako hindi magiging okay?

"Baba mo nalang ako malapit sa amin," nagtaka siya sa sinabi ko pero tumango rin naman siya. 

Ayoko kasing makita ni mama na siya ang naghatid sa akin dahil baka magconclude agad si mama. 

"You owe me huh," he said trying to lighten the mood. Of course, I owe him. Lalo na hindi niya nasundo ang nililigawan niya. 

"Okay. Anong bayad?" Tanong ko sakaniyan "Dito nalang ako baba," sabi ko nang malapit na iyon sa bahay namin. 

"Help me," kunot noo ko siyang tiningnan. Ano bang hindi niya kayang gawin? Ano bang wala sakaniya? He got the looks, the money, and brain. 

"Huh?" Takang tanong ko sakaniya na nagpapigil sa akin buksan ang pintuan. 

"Help me to court Gail"

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now