xi

4 0 0
                                    

Masaya ang naging relasyon namin ni Shone, hindi lang kami ang naging masaya kundi pati na din ang barkada.

May mga tampuhan at hindi pagkakaunawaan pero naaayos din naman. Hindi natatapos ang araw na hindi kami okay, hanggat maaari ay kailangan maayos muna namin ang problema namin bago kami matulog.

Lumipas ang buwan at April na. Buwan kung kailan kami aakyat sa stage para tanggapin ang isa sa napakahalagang papel na mapapapunta saamin ang diploma. Araw at linggo pa ang lumipas at heto na ang pinaka hihintay naminng lahat ang araw ng aming pagtatapos.

Masaya ako ngayon dahil makukuha at magagawakan ko na ang aking diploma at bukod pa doon at ang pamilya ko, kumpleto sila at masaya akong pinapanood.

Masaya din akong makita na masaya ang barakada, sama-sama walang naiwan kahit isa. Lahat ay aakyat, lahat ay tatanggap. Napatingin ako kay Shone, at nakatingin siya sa akin habang nakangiti.

"i love you.......bestfriend" basa ko sa labi niya. Napangiti naman ako doon.

Walang tayo pero may ikaw at ako. Pagkakaibigan na hindi inaasahan, pero pinagtibay ng samahan. Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon, ang araw kung kailan nasaktan ako ng hindi inaasahan.

FLASHBACK

"gab" lumapit ako at tiningnan siya "ano pedeng magtanong?"

"oo naman pero huwag english kasi bobo ako sa math HHAHAHAHA" tumawa siya at nagkamot ng ulo. Nakuu! May kuto pa ata si bb

"huwag kang mag alala di naman tungkol sa subject ang itatanong ko" kung hindi kaya ay ano? Hindi naman siguro sa paghahatid.

"oh eh ano?"

Lumapit siya sakin at yumuko ng konti, mas matangkad kasi sya sa akin. Tiningnan nya ako sa mata at may binulong, pumatak ang luha ko, madali ko itong pinunasan, hindi ko inaasahan tanong niyang iyon.

"you will be my girl bestfriend right? Sorry kung yung pangako ko na hindi ka magsisisi sa pagpayag sa akin na manligaw ay hindi ko na matutupad. Akala ko kasi hindi ko siya makikilala, hindi ko inaasahan na mawawala ang nararamdaman ko sayo at mapapabaling sa kanya. Hindi pala ganun kalalim ang pagkagusto ko sayo, siguro nadala lang ako sa pang aasar mo. Pero huwag kang mag-alala, walang magbabago sa samahan natin"

Nanlaki ang mata ko at napakurap ako ng hindi lang isa, o dalawang beses, madaming beses pa.

"ah" walang lumabas na boses sa akin, napaiwas na lang ako ng tingin. Nakita ko na umayos siya ng tayo ay napakamot ulit sa ulo. Huminga muna ako ng malalim at tiningnan siya sa mga mata at ngumiti. Tumango ako sa kanya, at nakita ko kung paano lumawak ang ngiti niya

"oo naman"

"talaga?"

"oo nga, parang ayaw mo pa ah HAHAHAHAHA"

"hindi gustong gusto ko. Thank you and iloveyou bb" at niyakap niya ako, napangiti na lang ako kasi ramdam ko kung gaanonsiya kasaya

"hmmm. iloveyoutoo.. Ge na ingat ka pauwi. Chat na lang, byeeee" bago ako sumakay ng trycycle ay hinalkan nya muna ako sa noo

"ge na ingat ka byeee" paalam niya. Nakangiti akong sumakay at nagpaalam sa kaniya. Noong hindi ko na siya makita ay doon pa lang ulit pumatak ang luha ko, napahikbi ako at pinunasan ang mga luhang pumapatak sa dalawa kong mata. Huminga ako ng malalim at ngumiti, ngiting alam mo na peke at ngiting makikita ang sakit

FLASHBACK END

Nakatingin pa din ako kay Shone at sumagot "i love you too bestfriend" lumawak naman ang ngiti niya at bumaling na sa harapan, ganun din ako. Natapos ang program at nagsama sama kaming magkakaibigan para mag picture, magkatabi kami ni Shone.

Tinawag namin yung isang photographer "kuya picture-an mo kami" tumango si kuyang photographer

"okay 1 2 3 *click" nakailang shots, may nakangiti, wacky, at iba pa bago kami umayos ng tayo "thank you kuyang photograoher" pasasalamat namin kay kuya.

Nakatayo na kaming lahat at napatingin ako kay Shone nakangiti siyang lumapit saakin at yumakap. Niyakap ko siya pabalik habang tinatapik ang likod.

"Gab? Thank you sa lahat lahat, at pasenya na din sa nagawa ko. Sana mapatawad mo ako" wala akong sinabi pero niyakap ko siya ng mahigpit, pagkatapos niyon ay nakangiti akong bumitaw at tumalikod at nagpunta sa aming pamilya.

Napatingin ako sa pwesto ko kanina kung saan ko iniwan si Shone at nakita ko kung gaano siya kasaya kasama ang pamilya nya at ang taong mahal niya.
.
.
.
~the end

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

IKAW at AKOWhere stories live. Discover now