viii

0 0 0
                                    

Pagkarating ko sa bahay ay sinabi ko kay mama na di ako kakain at busog pa. Pagkatapos kong sabihin ay pumasok na ako sa kwarto at naglinis ng katawan, at nahiga na din.

Nagopen ako ng account ko sa facebook, at nakitang may nakatag sakin, tiningnan ko at nakitang yun ay yung picture naming magbabarkada kanina sa mcdo. Inopen ko din ang messenger ko kung may nagchat, at nakita ko ang chat ni Shone sakin.

Shonyl Acuzar: hi bb

Gab Castillo: wow nagkusa, pero hello HAHAHAHA

Shonyl Acuzar: may ginagawa ka? Maysasabihin sana ako sayo

Gab Castillo: kinabahan naman ako, parang kaseryoso ng sasabihin mo. Ano ba yun? At di ako busy, kelan ga ako naging busy? HAHAHAHA

Shonyl Acuzar: wala pala

Gab Castillo: Anong wala. Ano nga iyon? Baka naman aamin ka na gusto mo ako. Yieeeee

Shonyl Acuzar: Ha?

Gab Castillo: hindi ba? Pero bakit feeling ko may aaminin ka, pakiramdam ko aamin ka skain na gusto mo ako

Shonyl Acuzar: ano, uhmm. Pano mo nasabi iyan?

Gab Castillo: ha? Bakit? Sabihin mong hindi

Shonyl Acuzar: oo na

Gab Castillo: anong oo na?

Shonyl Acuzar: basta alam mo na iyon

Gab Castillo: hindi ko alam, kaya sabihin mo na kung ano yung sasabihin mo at kung anong oo na kung hindi ....... Tatanungin ko ang barkada kung anong problema mo

May isesend pa sana ulit ako sa kaniya na message na joke lang pero hindi ko na nasens at bigla siyang nag message

Shonyl Acuzar: OO NA GUSTO KITA, GUSTO KITA MATAGAL NA. SIMULA PA NOONG ARAW NA NAGPAPERMA KA SAAKIN. TAPOS MAS LUMALIM PA NOONG INAASAR MO NA AKO. ANO OKAY NA? GUSTO KITA, GUSTONG GUSTO KITA GAB CASTILLO

Nagulat ako sa message niya kaya ha? Lamang ang nareply ko sa kaniya

Shonyo Acuzar: gusto kita

Gab Castilo: hakdog!

Hindi ko na hinintay pa ang reply ni Shone at nag out na ako. Grabe binibiro ko lang pero umamin na agad, pero kinilig ako.

" bakit ka kikiligin self? Diba sabi mo di mo siya magugustuhan? Sabi mo di ka magkaka crush sa kaniya? Anong nangyari? " hindi mawala ag mga tanong sa isipan ko hanggang nakatulugan ko na ang pagiisip.

Umaga na at wala akong planong bumangon. Saka sabado naman, kaya di ko kailangan kumilos para pumasok. Nakahilata lang ako, naghihintay lumipas ang oras.

Naalala ko na naman ang nangyari kahapon, yung chat ni Shone. Yung pag amin niya. Kinuha ko phone ko at nagonline. Oh may message siya hindi na ako nagdalawang isip at binuksan ko yung message

Shonyl Acuzar: hi bb. Tutulog kana ba? Di kana nagreply sakin kanina ehh. Sorry sa nasabi ko kanina nabigla ka ata, pero di ako nagsosorry kasi hindi dahil sa hindi totoo yung sinabi ko. Kung hindi sorry kasi sa chat ako unamin, dapat talaga sa personal yun. Kaso kinabahan ako noong sinabi mo na magtatanong ka sa barkada, nasabi ko na kasi kay Mela na nay gusto ako sayo. Kaya sinabi ko na sayo na gusto kita kasi baka kung ano pang sabihin ni Mela na kakaiba. Gab? Gusto kita, matagal na. Totoo yung sinabi ko kanina, sana ay maniwala ka. Usap tayo sa monday, ingat ka ngayong dadaang weekend.

Matapos kong basahin yung message niya ay napangiti ako at nag ayos na ng sarili para bumaba at kumain. Naging okay naman ang sabado at linggo ko. Normal lang, gigising, kakain, tutulog, manonood. Umiikot lang sa ganun ang buhay ko sa araw ng sabado at linggo.

IKAW at AKOWhere stories live. Discover now