The confidence!

His mouth formed an "o" and then he chuckled. "Gusto ko lang malaman. Sino ba kasing matinong tao ang aalis sa oras ng trabaho. Hindi dahil mami-miss, Sinta"

I tsked. "Eh wala na nga akong gagawin, e. Tingnan kumikintab na tong opisina mo sa linis" Sabi ko habang nagtuturo. "Ano pa bang lilinisin ko? Alangan naman linisin kita, para naman kumintab ka!"

Napa-facepalm siya.

"Wala ka nang sasabihin? Babalik naman ako." At kinuha na ang hand bag. "Mamimiss mo lang ako e." Bulong-bulong ko.

"Naririnig kita." Aniya.

"Syempre may tainga ka."

Dinig ko ang naauubusang pasenyang pahinga nito. Hindi niya na ma-take in lahat ng sinasabi ko.

Kailangan ko magmadali dahil may schedule talaga ako ngayon. Kawawa naman ang mga love pawns ko, laging sumasalo sa trabaho ko.

"I'll go with you." He said, kumuha ng susi sa drawer.

"Hala! Huwag!" Medyo naaalarma kong sabi.

"Bakit?" Tanong nito na parang batang nagtatanong bakit hindi isasama ng mama sa mall.

"Busy ka e. Sinong matinong boss ang aalis sa oras ng trabaho. Aber." I fired back. Ginaya ang sinabi niya kanina.

"Sayo pa talaga nanggaling yan" napairap siya.

"Huwag ka nga sumama. Ang kulit!"

"Bakit nga? May kikitain ka? Boyfriend? Date?" Sunod sunod na tanong niya.

"Basta diyan ka na-"

"Hi! Baby!" Maharot na tawag ng isang babae pagkapasok niya sa opisina ni Armastrus. Siya yung babae na kasama niya sa restaurant noong isang araw. Bumaba ang tingin ko sa suot niyang hapit na hapit na damit. Halos lumuwa ang dibdib at halos sumilip ang di dapat sumilip.

Niyakap niya nang mahigpit si Amrastrus. I saw how her breast squished when she hugged him. I cringed.

Ew.

Armastrus did not hugged her back. He was stiff at parang gulat pa na dumating ang girlfriend niya.

"Baby," the girl pouted, parang gustong magpahalik.

Umilag si Armastrus.

"Bakit di mo sinasagot ang texts and calls ko.'' tunog tampong sabi nito. She then cupped Armastrus face.

"Busy ako, Lan" Lumagpas ang tingin sa akin ni Armastrus. Tinitimbang ang ekspresyon ko.

Bakit? Gusto mong umalis na ako? Para may time kayo ng girlfriend mo? My brows shot up.

"Ganon ka ba ka-busy? At hindi mo ako mabigyan ng oras? You should give me your whole damn time! Ano ba yan!" She demanded. Tumaas na din ang boses.

"And you. Who are you?" Ako na ngayon ang hinarap niya. "Mistress?!"

"Chill." Halos umirap ako. Lan pala ang pangalan mo ha? Lan-de.

"Lan, stop it. She's working here"

"Really, baby?" Lumabot na naman ang boses nito.

Parang napipikon na si Armastrus. Saan? Sa presenya ko ba? Mas naganahan tuloy akong manatili sa opisina.

Syempre, concern lang ako kay Armastrus. Hindi naman niya lifepartner si Lan. Ayoko may masasaktan, yun yon!

Umalis ako sa harap nila at dumiretso sa shelf na puno ng ibat ibang klase ng libro. Maayos na ang mga iyon, pero isasalansan ko pa din para may magawa.

Indelible Sight In Harriniva: SintaWhere stories live. Discover now