CHAPTER 5

7 0 0
                                    


GARU'S POV

We're here at the mall at dumiretso na sa second floor kung nasaan ang bilihan ng mga paintings. Naalala ko kanina nong mag confess ako at dinaan kunalang sa biro. Natatakot ako na baka hindi niya masuklian yong pagmamahal ko sakanya.

Throwback

"Mom sino yong babaeng nandito sa birthday ko kanina?" Tanong ko kay mommy habang umiinom ng gatas. Kakatapos lang ng birthday party ko.

"Oh she is Pucca cute right? Meant to be kayo hihihihi" sagot ni mommy saakin habang hinahaplos ang buhok ko.

I am only 13 years old pero iba tong nararamdaman ko sakanya.

"Mom? What if gusto ko siyang pakasalan?" Kabado mong tanong kay mommy.

"Then that would be great palagi kasi naming pinag uusapan ng mommy ni Pucca iyon."

Napangiti nalang ako sa tugon ni mommy sa tanong ko. Bata palang ay gusto kuna si Pucca. Tahimik lang siya sa sulok kapag nandito sa birthday party ko.

End of throwback


"Garu?"

"Uy"

Nagulat naman ako ng ilapit ni Pucca ang mukha niya saakin. Nakita ko siyang tumawa. Naramdaman kong bumagal ang mga kilos niya. Ang gandang pagmasdan ng mga ngiti niya.

Nakakaadik.

Pumasok na kami sa shop na bibilhan namin ng mga paintings. Naghiwalay muna kami para makapaghanap ng mga gusto namin.

Nahagip ng mata ko ang painting na parang swirl at maraming patsi patsi. Naagaw nito ang atensyon ko kaya kinuha ko iyon.

"Maganda" muntik ko ng mabitawan ang painting ng marinig ko ang boses ni Pucca sa akin likuran. Nakita ko ang napili niyang painting. Ibat ibang shades ng asul iyon. Pumunta nakami sa counter at binayaran ko na iyon at agad kaming lumabas sa shop.

"Kain muna tayo?" Aya ko kay Pucca. Tumango nalang siya at pumunta kami sa McDonalds.

"Hi sir good day may I take your order?" Malanding sabi ng crew saakin kaya napangiwi ako. Tiningnan ko si Pucca na masama ang tingin sa crew.

"What do you want wife?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya.

Ang ganda niya talaga.

"Regular ng coke,fries,at burger" sagot niya saakin.

"She'll have large coke, large french fries, and large burger :)" sabi ko sa crew. Nag iba ang tingin ng crew saakin sa narinig niya. Ganoon na rin ang inorder ko para saakin. Naghanap na kami ng mauupuan habang dala dala ko ang inorder.

Pagkaupo na pagkaupo namin ay nilantakan niya agad ang french fries at tuwang tuwa naman ito kaya napangiti ako.

"So next Friday ay iisang bahay nalang tayo. We need to get to know each other. Ayaw ko kasi na magiging asawa mo lang ako ng sapilitan." Panimula kong sabi kay Pucca habang siya ay nakatingin lang sa akin habang punong puno ng french fries ang bibig niya.

"Okay so I will introduce myself. Hi I'm Pucca Dizon 18 years old. My favourite color is blue, favorite food hahahaha obvious ba? It's french fries. I have 4 bestfriends si Chloe ang makapal ang bibig at makapal rin ang mukha. Siya ang pinakamaldita saamin. Si Belle ang pinaka isip bata saamin. Si Melody ang taga advice. Si Sakura ang pinaka competitive." Mahaba niyang sagot saakin.

"Eh ikaw? Anong role mo?" Takang tanong ko

"Ako ang taga protekta nila. Sa oras na masaktan sila ay makakapatay ako. Ayaw na ayaw ko na hahawakan ng ibang lalake ang mga kaibigan ko kahit ni hibla ng buhok nila. Ganoon ko sila ka mahal" sagot niya saakin.

IT'S YOU  •COMPLETED• (PuBeMeLoRa Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat