CHAPTER 1

35 1 0
                                    


PUCCA'S POV

Narito ako ngayon nakatambay sa cafe malapit sa Molo plaza. Magkikit kasi kami ng mga kaibigan kong sina Sakura,Chloe,Melody at si Belle.

By the way I am Pucca Dizon. Yes uunahan ko na mahilig si mommy kay Pucca tipong buong design ng bahay namin ay pucca na talaga. Napaglihian niya na daw iyon ng dinala niya ako sa kanyang sinapupunan.

Nakaka PUCCAngina lang eh no?

Bestfriends ang mga parents namin kaya naging bestfriends rin lima.

Nagising ang diwa ko ng may umupo sa harap ko. Nahagip ng mata ko si Belle na naka dilaw na dress at nakalugay ang mahaba at kulot niyang buhok.

"Nasaan yong iba?" Hingal niyang tanong.

"Malay ko ba. Tawagan mo kayo nagyayaya tapos kayo pa yong late dumating kesyo nandito na dapat 2pm eh 3pm na. Baka naliligo palang yung mga yun" mahaba kong litanya sakanya.

Natawa nalang siya at nailing. Kinuha niya sa bag niya ang kanyang cellphone at nagsimulang mag tipa roon. Hindi na ako nakinig sa pag uusap nila. Sinalpak kuna agad ang earphone ko at nakinig ng malakas na tugtog.

Makalipas ang ilang minuto ay nakita ko na ang tatlong bulto ng mga kaibigan ko.

Si Melody na naka pink na croptop at naka shorts. Halata naman siguro kaya Melody ang pinangalan sakanya. Favorite ng mommy niya raw yun My Melody na palabas at yun rin ang pinaglihian sakanya. Mayroon siyang ate at Hello Kitty ang pangalan non.

Si Sakura na naka peach na dress at naka ponytail ang kulay pink na buhok. Ganoon rin ang kwento sa pangalan niya. Pinaglihian rin. Ewan ko kung bakit ang wirdo ng mga nanay namin.

Si Chloe na naka white halter dress. Favorite ng mommy ni ang Bratz kaya ayon sa sobrang paglilihi ng nanay niya sa mga babaeng makakapal ang labi ay naging makapal rin ang bibig ni Chloe pero bagay naman sakanya. Makapal ngalang mukha niya.

"Sorry girls I forgot kase na mag mimeet tayo. You know naman stress ako dahil exams na namin." Maarteng paliwanag ni Chloe.

Magkaiba kami ng mga paaralan pero hindi yun nakakaapekto ng pagkakaibigan namin.

Nag order na kami ng mga drinks namin. Pumunta naman ako sa labas para bumili ng japanese cake.

"Manong yema po 100 pieces" masaya kong tugon.

Naghihintay lang ako sa sa harap hindi naman ako na bored kakahintay dahil ang gandang panoorin kung paano nila gawin ang japanese cake.

"Miss tumabe ka hindi mo pag mamay ari to" baritonong sabi ng nasa likod ko.

Humarap ako sakanya at handa ng makipag sigawan ng makita ko ang mukha niya.

Gwapo.

Matangos ang ilong

Ang pula ng labi

Mataas

Kulay tsokolate ang mga mata.

Kaso amoy yosi ewww big turn off.

"Nagugutom na ako so kong ako sayo ay tumagilid ka dahil bibili ako" mahinahon niyang sabi ulit sakin.

Natameme naman ako at tumagilid para makapili sya. Sinulyapan ko siya mula ulo hanggang paa. Nagulat nalang ako ng bigla akong tapikin sa balikat ni manong.

"Oh ineng kanina kapa kasi naka tingin kay Garu siya ba bibilhin mo?" Natatawang tanong ni manong.

Nailang naman ako sa sinabi niya dahil tumingin sa gawi ko ang lalakeng yun. Si Garu ang pamilyar ng pangalan na yun parang narinig ko ng bukambibig ni mommy.

Nagbayad na ako at kinuha ang dalawang supot ng Japanese cake ko. Tumawid na ako sa kalsada at pumunta sa cafe dala dala ang binili ko.

Kumain naman kami at nagkwentuhan. Medyo hindi kasi kami nagkikita talaga ng sobrang tagal ngayon dahil may exams pa.

Ako ay nag-aaral sa Iloilo City National Highschool Grade 12 yes it's a public school. Lahat ng pinapasukan namin ay public school dahil nong elementary kami ay private school kaming lima. Mas gusto kasi naming nasa public maraming friends at lahat totoo sayo.

Si Belle naman ay nag-aaral sa Jaro National Highschool.

Si Melody naman ay sa Mandurriao National Highschool.

Si Chloe naman ay sa Lapaz National Highschool.

At si Sakura ay sa Fort San Pedro National Highschool.

Nabigla naman ako ng biglang tapikin ni Belle ang balikat ko.

"Hoy Pucca bat ka tulala? Siguro nahanap muna Mr. Right mo no???? Yiieeeee" tuksong sabi niya saakin

"Belle minsan tanga ka rin eh kaliwete yan magsulat. Dapat Mr. Left" sabat ni Melody sakanya.

Natawa nalang kami sakanila at tinapos ng ang pagkain namin.

Umalis kami sa cafe at naglibot libot sa Molo Plaza. Ang ganda dito malinis at maraming atraksiyon. Dito kami tumatambay palagi dahil ang ganda ng simbahan dito. Nag iikot rin kami sa Molo Mansion para pumasyal at bumili ng mga souvenirs kahit d naman namin kailangan.

Maraming tao ang nagkalat dahil hapon na. Maraming bata ang naglalaro sa swing. May umaakyat sa monkey bars, at mayroon ring nag sesee-saw.

Nagulat naman kami ng pumunta si Belle sa isang bakanteng swing at umupo roon.

"Melds I duyan mo ako yung napakalakas" gigil na sabi niya.

Sinunod naman iyon ni Melody at ang saya saya ng mukha ni Belle habang idinuduyan siya.

"Wiiiieeeee ang sayaaaaaa" parang batang sigaw ni Belle.

Natawa lang kami sa kanya at napagdiskitahang kunan ng litrato at I myday.

Gabi na rin nang makauwi ako sa bahay. Sinalubong ako ni mommy na naka pambahay na damit at may design na pucca.

"Hello my baby Pucca" tiling sabi niya at niyakap ako.

Niyakap ko rin siya bilang tugon ng biglang yumakap rin sa amin si daddy na naka pucca rin.

Na impluwensyahan na rin ni mommy si daddy na mahalin si pucca.

Umakyat na ako sa taas at naligo. Nag ayos na rin ako at bumababa na para kumain.

Nagluto si mommy ng pinakbet at adobong manok na paborito namin ni daddy. Todong todo ang kain ko at parang wala ng pakialam kong tumaba na. Pagkatapos non ay tumulong akong maghugas ng pinggan at nagpahinga ng kaunti sa sala bago umakyat.

Narito na ako sa aking kwarto at pumunta na ako sa study table ko. Oo may exams kami kaya nag basa na agad ako.

9:58pm na akong natapos basahin ang lessons na lalabas bukas sa exams namin. Uminom ako ng tubig at pumunta na sa kama ko para matulog.

Ipipikit ko na sana ang aking mga mata ng biglang sumagi sa isip ko ang lalakeng yon.

Napangiti nalang ako dahil sa kagwapuhan niya. Kaso nga lang eh naninigarilyo.

"Sayang naman :<"

Pinikit ko ang mata ko at natulog na

IT'S YOU  •COMPLETED• (PuBeMeLoRa Series #1)Where stories live. Discover now