"Arrividerci Santander," she called me again. This time, she slowly moved forward towards me. Her eyes were dancing in amusement. There was something else, it was also what I saw eleven years ago. "Beni cildirtmaya mi calisiyorsun?" I don't understand, she seemed babbling in a language I'm not familiar with. "Beni cildirtiyorsun biliyorsun degil mi?"

Humakbang siya ulit at ako naman ay umatras ng umatras hanggang sa naramdaman ko nalang ang malamig na bakal na nasa likuran ko. It's already a dead end. I felt nervous all of a sudden. Ramdam na ramdam ko ang malamig na gabi pero hindi ako giniginaw. I can feel her warm, intense stares to me. Parang iyon ang dahilan kung bakit hindi ko magawang mangatog sa lamig at pag-iisa na dala ng gabing ito.

"Beni cildirtsan sensin. Arrividerci Santander...beni cildirtiyorsun..." she whispered in restraint to my ears. Iba ang boses niya ngayon, para akong idiniduyan nito sa ibang dimensiyon. Ang init ng hininga niya, hindi ko mapigilang mapapikit dulot ng kakaibang sensasyon na ibinibigay nito sa akin. Something fiery ignited in me. Ngayon ko lang ito naramdaman, not even when I pleasure Serrin, not even when she screams my name in ecstacy. Ngayon lang...muli...kay Alaska at sa presensiya niya.

She used to captivate me. But, I didn't know what happened after. It just stopped like a bubble that was popped.



CIRCA 2009

"Okay lang kaya siya?"

"Baka? Ewan, tara na."

Sino kaya siya? I hope she's fine. Ako yata ang nasaktan sa nangyari kanina para sa kaniya. Her head was bleeding and I wanted to treat her. Kaso, bigla siyang umalis at nagmartsa ng hindi man lumilingon.

Kinuha ko ang gumulong na bola, ito siguro ang hinabol niya. Itinago ko na muna sa bulsa ng uniporme ko at bumalik na sa klase. Nag-excuse lang ako sandali para sa briefing ng activity namin bukas.

"At saan ka naman galing, Arrividerci?"

I sat on my chair without answering my cousin. Ano na naman kaya ang ginagawa ni Selene dito? "I thought you have a Taxonomy class." Nginitian ko ang isa ko pang pinsan na si Clio at ibinigay sa kaniya ang program flow ng prom namin. Kami ang inatasan para gumawa ng program. At ngayong susunod na Sabado na ito gaganapin.

"Wala si Sir Miranday. Anyway, sabay natin kunin ang mga gowns natin sa Bloom's, ha?"

"Okay." magkapanabay na sabi namin ni Clio.

"May date na ba kayo sa prom?" mahinang tanong ni Clio. I checked Selene's face, nakataas ang isa niyang kilay.

"Anong date 'yang pinagsasabi mo, Clio Abbygaille? Hindi ka pa pwede sa ganiyan." Tinapik ko nalang si Clio. Sa aming tatlo, si Selene ang tinuturing naming nakakatanda kaya kapag nandito kami sa school, siya ang batas. "Sino ba ang nag-aya sa iyo?"

There she is again, terrorizing our poor Clio. She's the youngest of us three and Selene's very protective of her. Kahit naman ako, pero hindi masiyadong strikto kagaya ni Selene. "Give the baby a chance to experience, Selene. And besides, si Raj Arezmendez naman ang nag-aya sa kaniya. She'll be in good hands."

"Ah, okay. Sige, papayag ako kung si Arezmendez." I winked at Clio. Natuwa naman siya. "How about you, Riv? Who's your prom date?"

I still can't decide who. I don't want to brag but there's a lot of students who asked me. "The Sinclair triplets asked me."

"Ay, 'wag ang mga iyan. Troublemakers! Wala bang iba? Si Landon Vesta, okay ako sa kaniya. Si Alaine La Rose, okay din ako sa kaniya. Anyone except those triplets."

Downtown Girls: Arrivederci SantanderWhere stories live. Discover now