Just Maybe

1.1K 114 128
                                    

Chapter 14

Alaska Graycochea

Napatitig nalang ako sa papalayong likod  ni Arrivederci pagkatapos ng sagutan namin. I thought it was the best thing to do, to take her away from that moment and lift away the burden but it was of no use. Imbes na magpasalamat, nagsumbatan lang kaming dalawa. I wanted to stop her from walking away but I couldn't even lift my feet. Ang huling natanaw ko nalang ay ang napakaitim na gabi at ang walang hanggan na kahungkagan.

Ganitong-ganito ito noon, time stood still and emptiness slowly crept in like a thief in the night. Alam ko naman sa sarili kong kaya kong sabihin sa kaniya ang lahat pero sa tuwing nagkakasama kami, laging iba ang lumalabas sa bibig ko. Imbes na sagutin na ang mga katanungan niya, binabato ko naman siya ng tanong pabalik.

I really don't know what to do, or what to think anymore. Gusto kong hayaan siya sa ginagawa niya and at the same time ay gusto ko siyang ilayo sa mga posibleng mangyayari na alam kong ikakasira niya. Kilala ko ang mga Valerio, hindi man sila laging highlight ng alta sociedad pero malaki ang kakayahan nilang alisin ang sinuman sa mapa ng mundo. At sigurado rin akong pagtatakpan ng mga Sinclair si Serrin sa oras na magkaalaman na, ika pa nga blood is thicker than water.


And then when everything will come to light, where would the situation bring Arrivederci? In the worst case scenario, for sure. The Sinclairs and Xenakis were always celebrated by the media at kapag nalaman ng mga paparazzi at mga tabloid reporters ang namamagitan sa kanila ni Serrin Kristofides, paniguradong siya ang sentro ng kabi-kabilang usapan. At ayaw kong mangyari ‘yon sa kaniya.

Napahilamos ako sa mukha, kasi naman. Nakakainis ang desisyon niya sa buhay. She could've stayed single but she chose to be hiding in someone else's closet. Tapos pinatagal pa niya, sana no'ng hindi pa kasal sa iba si Ate Serrin, siya na ang nag-aya. Hindi ‘yong kasado na sa iba tapos kumakapit pa siya.

Anong tawag no'n sa kaniya? Kabit panigurado. She's even proud of it. Well, para sa kaalaman niya, hindi maganda ang role na iyon. Why chose to be hidden when she can be flaunted without hesitations? And I just want to add na ang pangit talaga ng reasoning skills niya.

She can stay as long as that married person stays? Parang ewan talaga si Arrivederci. Hindi ba siya mabubuhay kung walang love life? As far as I know, hindi pa naman siya naghihikahos ng mamahalin sa buhay.

Puwede namang a—napatigil ako sa naisip. What was I thinking? Naipilig ko ang ulo, what the heck? No way. Dapat galit ako sa kaniya. Dapat inis ako sa kaniya. Dapat wala na akong pakialam. At dapat na hindi ko na siya pinapansin pa.

Dapat kasi kalimutan na siya. Ang tagal nang panahon na ang nakalipas. Dapat kasi wala na talaga, dapat tapos na pero ako naman itong lagi siyang pinapansin. Ako lang naman itong bitter pa rin sa nangyari noon. I was too hurt that I'm being rude to her. Sa totoo lang ay wala naman siyang ginawang masama sa akin. I was just hurt when I saw her kissing Ate Serrin but I took it against her.

In the first place, wala namang kami. We even barely knew each other back then. Lagi ko lang siyang inaabangan sa corridor ng Boadecia building para makita. Tatayo lang ako sa may poste na malapit sa room nila, sisilip kung tapos na ang klase niya  At kapag nakikita ko na siyang palabas ng room, para akong hindi mapakali, gusto ko siyang lapitan pero sabi ng karamihan ay hindi siya approachable.

They even gave her the monicker of being the ice princess because she always had that blank look on her face. May iba pa ngang nagsabi na masiyado raw siyang straightforward na mahihiya na ang sinuman na lumapit ulit sa kaniya. In which, masasabi ko ay totoo naman. Siya ang tipong walang paligoy-ligoy, sinasabi niya kung ano ang gusto niyang sabihin. I could really attest to that, I experienced it first hand.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 09, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Downtown Girls: Arrivederci SantanderWhere stories live. Discover now