PROLOGO

5.5K 208 91
                                    

CIRCA 2009

Sabi nila, when you fall in love with someone, lift them towards the clouds and show them heaven. Pero, bakit ko pa ipapakita sa kaniya ang kalangitan kung nakita na niya mismo ang lugar na iyon? She's already an angel for goodness sake.

"Hala, si Graycochea, nag-i-imagine na naman!"

Napuno ng tawanan ang buong Section Galileo nang dahil sa kantiyaw na iyon ni Trea Magno. This piece of shit is really annoying the hell out of me. Pinandilatan ko siya. Kung hindi ko lang talaga malapit kaibigan ang bwisit na 'yan, matagal ko na siyang sinabunutan.

"Sino kaya ang iniisip niya, kids?"

Mas lalo akong napasimangot sa kaniya. Wala talagang magawang matino sa buhay ang bwisit. Tumayo ako at hinanap nalang si Mela. Bago pa ako makalayo ay narinig ko silang nagtatawanan.

Bwisit talaga kahit kailan.

"O, nakabusangot ang mukha mo," puna ni Raj. She's another close friend of mine. Actually, lima kaming magbabarkada — si Mela, Raj, Trois, ako, at ang walang hiya na si Trea. Mga bata pa lang kami ay malapit na talaga kaming lima sa isa't-isa, kaya naman ay hindi na nakakapagtaka na wagas ang pangbwibwisit sa akin ni Trea. "Hulaan ko, ikaw na naman siguro ang target ni Trea, ano?"

"Makakahanap din siya ng katapat niya." ingos ko sabay upo sa mahabang bench dito sa hallway. Free cut ngayon dahil Biyernes, kaya naman ay halos punong-puno ang mga bench ng mga estudyante. "Nakita mo ba si Mela?"

Tumabi siya ng upo sa akin at umiling. "Galing ako sa Economics class, naghatid ako ng snack ni Clio."

Napaismid ako. Buti pa itong si Raj, lantaran ang pagpapansin sa taong napupusuan niya. Samantalang ako ay hindi. Kahit batiin man lang siya, 'di ko pa magawa. Para akong dinadaga sa tuwing nakikita ko siya. "Magkaklase sila ni Arriv sa Econ, 'di ba?"

"Oo, pero hindi ko siya nakita. Try mo nalang tingnan sa opisina ng MathSci Club at baka nandoon siya."

"Samahan mo ako." I crossed my fingers, hoping that she would say yes. Nagpaawa pa ako ng konti, alam ko kasing hindi marunong tumanggi si Raj.

"Fine," she agreed.

I smiled sheepishly. Sabi ko na, eh, hindi talaga siya marunong tumanggi. Pumasok ulit kami sa room para kunin ang mga bag namin. Tinanong pa kami ni Trea kung saan kami pupunta pero 'di kami sumagot. Knowing her, she'll just jeopardize everything.

Ang lahat ng office clubs ay nasa Boadecia building. Malayo-layo ang tinahak namin ni Raj pero okay lang. I'm actually excited.

"Hi, Raj!"

"Raj, why so ganda?"

"Raj, smile naman!"

I nudged her shoulder. Sikat talaga 'tong kaibigan ko. "Smile daw," tudyo ko pa.

"Only Clio Santander can afford my smile."

"Naks naman, bumabanat ka na ngayon, ha?" pareho kaming natawa sa sinabi ko. "So, ano nang estado niyo ni Clio?"

"Hmm, we're getting along. Bukas, pupunta kami sa movie house. Manunuod kami ng disney movie."

Napatanga ako sa kaniya. Is she serious? "Kung kasama natin si Trea, iisipin niyang hindi disney movie ang papanuorin niyo."

"Kaso hindi natin siya kasama, so, stop thinking green things. Hindi ganoon ang habol ko kay Clio."

"Hoy, wala akong sinabi."

Umakyat kami sa ikatlong palapag ng Boadecia building, nandito kasi ang MathSci Club office. Walang masiyadong tao. I wonder why.

"I'll just stay here. Pumasok ka na doon."

"What?"

Tinulak niya ako, "sige na. This is your chance of winning Arriv's heart. Go on."

"Ayaw ko!"

"Then, why are we even here? Just go already!"

I hissed at her. "Oo na, oo na!" She made a thumbs up. Inayos ko naman ang sarili ko at humugot ng malalim na hininga. Ngayon ko kailangan ng sandamakmak na confidence. "Huwag mo akong iwan, diyan ka lang!"

"Of course. Sige na, pumasok ka na."

Huminga ako ulit ng malalim bago unti-unting naglakad palapit sa pintuan ng MathSci office. I'm so very nervous. It felt so hot. Halos luluwa na ang puso ko sa sobrang kaba habang dahan-dahan akong sumilip sa pintuan.

May apat na tao sa loob. I think they must be members of the club. They were discussing something. Hinanap agad ng mga mata ko ang babaeng nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam simula nang masilayan ko siya.

"Okay, it's settled. We will be conducting auditions tomorrow."

That's her! Ihalos ipasok ko na ang sarili sa loob ng opisina dahil narinig ko na ang napakalamyos niyang tinig. Kung hindi lang masama ang magmura, kanina pa ako nagwawala sa sobrang kaba.

"I'll go ahead. Nag-excuse lang ako sandali sa Econ class ko."

Oh, my gosh! Lalabas na siya! Nagmamadali naman akong tumakbo pabalik kay Raj. Hinila ko siya para magtago sa likod ng poste para hindi kami makita.

"Did you greet her?"

"H-huh? Hindi!"

"Gaga," hinila niya ako palabas sa pinagtataguan namin. Para kaming naglalaro ng tug-of-war dahil sa paghihilaan namin sa suot kong necktie. "Batiin mo siya!"

"Ayaw ko nga sabi, eh! Ano ba, magtago tayo! Makikita niya ako!"

"No, you should greet her!"

No way! Bumalik ako sa pagtatago sa likod ng malaking poste pero ang siste, nahila ulit ako ni Raj at itinulak. Muntik pa akong sumobsob sa sahig kundi lang ako nakakapit sa railings.

"Bwisit ka!"

She grinned and mouthed sorry. Inayos ko nalang ang necktie ko at nagkunwaring nakatingin sa alapaap. I even fished my phone from my pocket to make the act more convincing.

Kaso, sa pagkuha ko ng phone ay nahulog naman ang maliit na bolang nakabalot sa papel mula sa bulsa ko. Nanlalaki ang mga mata ko nang gumulong ito papunta sa gawi ni Arriv. Parang lumaki ang ulo ko sa sobrang takot at basta nalang nag-dive sa madulas na hallway.

Everything went slow motion as the ball is nearing where Arriv is standing. Pumikit ako at naramdaman ko nalang ang paggulong ko sa makinis na sahig, tila natahimik ang buong paligid sa mala-action stunt na ginawa ko. All for that freaking ball!

Damn, nagmukha siguro akong itlog na nagpagulong-gulong sa harap niya. What a show! What a shame! What the fucking shit!

"Are you alright?"

Bigla akong napadilat at bumalikwas ng bangon. Hinanap ko agad 'yong bola para iwasan siya. Holy gosh! This is too embarrassing! I can't even with this!

"Hey, your head is bleeding."

Awtomatikong napahawak ako sa noo ko. Napa-aray ako sa hapdi. Damn, hindi pa natuwa ang kamalasan sa akin. Binigyan pa akong freebie.

"Hey, are you okay?"


"Okay ako." At saka tumalikod. Mabilis at malalaki ang mga hakbang ko paalis sa lugar na iyon. Hindi ko na hinintay si Raj, nauna na akong maglakad pababa.

Sana pala hindi nalang ako pumunta sa kaniya. Sana hindi nalang ako na-excite. Damn. Damn. Damn!

Paano ko ba siya pakikiharapan pagkatapos ng nangyari? Jesus! Nakakahiya iyong nangyari. The great Alaska Graycochea just went rolling like an egg just to catch Arrividerci Santander's attention! How can I ever face the embarrassment? 

HOW CAN I EVER FACE HER AGAIN?

Downtown Girls: Arrivederci SantanderOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz