Chapter 5

36 15 0
                                    

Kinabukasan ay mag-isa ulit ako nakaupo sa bench sa field ng school habang kumakain ng sandwich. Pero may tumawag sa'kin mula sa likod.

"Ate!" napalingon ako sa tumawag sa'kin, it was the girl who brought my clothes yesterday.

"Bakit?" i asked.

"Uh... wala naman po" napakamot sa likod ng ulo niya dahil sa nahihiya siya."Ako nga po pala si Miracle, Mira na lang po itawag niya n'yo sa'kin" aniya at ngumiti.

"Ay! Oo nga pala, Mira, nakita mo ba si Reid?" i asked.

"Si Kuya Reid po? Hindi ko po kasi sya nakita ngayong uamaga. Bakit po?" tanong niya.

Inangat ko ang jacket para ipakita 'yon sa kanya,"Ibabalik ko kasi 'tong jacket niya" sabi ko.

"Gano'n po ba? Try niyo pong tignan sa room nila" aniya.

"Alam mo ba kung saan? Hindi ko kasi alam e"

"Sa Art building po, 12-B ate" aniya.

Tumango ako, "Salamat" sabi ko.

"Sige na, ate, balik na po ako sa classroom ha? See you po" tumango ako kaya umalis na siya.

Nagdadalawang isip pa ako kung pupunta ba ako sa classroom ni Reid o iintayin ko na lang na magkasalubong kami ulit kami bago ko ibalik pero sa huli ay naisipan kong pumunta na lang sa building nila.

Tumingin ako sa orasan kung sakto pa ba ang oras para hindi ako ma-late at ng makitang madami pang time ay tumuloy na nga ako sa building.

Habang papunta do'n ay may mga tumitingin sa'kin na mga art student, siguro ay nagtataka sila kung bakit may grade 10 student sa building nila pero hindi ko na 'yon pinansin at nagpatuloy na lang sa pagpunta sa classroom ni Reid.

Nang makarating do'n ay nagdalawang isip ulit ako kung sisilip ba 'ko para tignan kung nando'n siya pero tingin ko ay hindi 'yon magandang ideya dahil nakakahiya. Pero kung tatambay ako dito sa labas ay magmumukhang-tanga naman ako.

Nabuga ako ng hangin sa inis. Aalis na lang dapat ako pero buti na lang ay may kumalabit sa akin. Napalingo ako do'n.

"May hinahanap ka, Miss?" tanong ng isang lalaki.

"Ah, si Reid sana. Nandito ba siya?" tanong ko at bahagyang sinilip ang classroom.

"Ah si Reid? HIndi kasi siya pumasok e, bakit?" tanong niya.

"Ibabalik ko lang sana 'yong jacket na pero bukas na lang siguro kasi wala pala siya"

"If you want, you can lend it to me and i'll give it to him tomorrow" he offered pero umiling ako.

"Hindi na. Ako na lang magbibigay sa kanya bukas" sambit ko.

Nagpasalamat ako sa kanya bago umalis ng building ng Art Building. Napahinga ako sa pagkadismaya. Wala pala sya do'n, sayang ang punta ko.

Habang naglalakad pabalik sa building namin ay madadaanan ang building nila Navin. Wala sa sarili akong napalingon sa second floor ng building dahil baka may makita na naman akong kakaiba do'n pero wala. Buti na lang.

Nakatingin ako sa sapatos ko habang naglalakad kaya nagulat ako nang may mabangga ko.

"Sorr--" napatigil ako ng makitang si Navin 'yon. Diretsong nakatingin sa akin.

"Sa susunod ay tumingin ka sa dinadaanan mo habang naglalakad para hindi ka mabangga" seryoso ang kanyang boses ng sabihin niya 'yon bago walang pasabing umalis.

Napabuga ako ng hangin sa inis. Bakit ba gano'n 'yon? Napakasungit! Hindi naman siya gano'n nung una naming usap. Hayop na lalaking'to!

Hindi ko na lang pinansin pa 'yon at dumiretso na sa classroom namin.

Sola Bellatrix (SLOW UPDATE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon