Chapter 2

75 23 0
                                    

"Goodmorning, my loves!" salubong sa akin ni Navim sa gate pa lang. Sinamaan ko lang siya ng tingin at lumihis ng daan.daan. Pero humabol siya sa akin at hinarangan ang daan ko. Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.

"Oppps! You can't do that to me. I bring breakfast for you" inabot niya ang paper bag pero hindi ko 'yon kinuha.

"Kumain na ko" I lied. Hindi pa talaga ako kumakain dahil ayokong makasabay ang pamilya ko sa hapag. Pero mas lalong ayaw ko tumanggap ng kahit ano mula sa kanya.

"You are lying" aniya. Umirap lang ako at tinalikuran siya pero hinarang na naman niya ako.

"Wag kang lumapit sakin na parang bang wala kang kasalanang nagawa, Navin" seryoso kong sabi. Tinabig ko siya para makapaglakad ulit.

"My loveeees! 'Wag ka namang ganyan sa akin oh. Sinasaktan mo na naman ang puso. Sorry na! Please? " nakahawak pa siya sa dibdib niya na parang nasasaktan talaga. Umirap ako sa kawalan at hindi siya pinansin. "My loveeeesss! Sorry na! " tawag niya.

"Pwede ba!?" bulyaw ko "Wala akong oras makipagbiruan sayo, Navin. So please? I have important things to do" padabog ko siyang iniwan sa gate at naglakad papasok ng building namin pero hindi talaga siya natitinag dahil sinundan niya ako hanggang sa building namin.

"My loves naman. Dinalhan lang kita ng almusal e. Kapeng mainit at cupcake"

"I don't drink coffee" sabi ko. I lied again. I love coffee, but not the coffee that came from him. Napabuntong hininga naman siya.

"cheesecake?" tinaas niya ang supot ng cheesecake pero umirap lang ako.

"I don't eat cheese" para siyang nawalan ng gana dahil lumaylay ang balikat niya sa pagkadismaya.

"Fine! Then what do you want?" he asked.

"Get rid of me" tiim bagang kong bigkas. Napakamot naman siya sa batok kaya iniwan ko siya sa corridor at pumasok na sa room namin.

Luckily, wala pa ang teacher namin. Maingay ang mga kaklase ko pero natahimik sila nang pumasok ako.

"Bakit kayo natahimik?" tila isang switch ang sinabi ko dahil sabay sabay silang lumapit sakin.

"Kayo ba talaga ni Navin, gerl?" tanong ni Mia, class president namin.

Sabi ko na nga ba, iyon ang itatanong nila. Umiling lang ako.

"Kung ganon, edi kaka-break niyo nga lang?" tanong naman ni Alvin.

"Hindi rin. Don't ask me questions, di ko kilala yon. Malamang ay trip trip lang ako nun. So please? Magrereview pa ko" sabi ko. Napabuntong hininga sila at pumunta sa kanya kanya nilang upuan.

Bagama't sinabi ko na ang totoo sa kanila, hindi pa rin sila natigil sa chismisa. Sabi ng iba ay baka bitter lang daw ako sa hiwalayan kaya tinatanggi ko na naging kami. Ang iba naman ay naniniwalang sakin na hindi naging kami.

Nalaman ko rin na si Navin ay senior high school student at nagt-take ng STEM. Kaya pala laging nandito ay dahil katabi lang iyon ng building ng Grade 10, yung building namin.

Hindi ko din alam kung bakit ako ang pinagtitripan niya ngayon dahil obviously, basketball players are cheaters and jerks. Hindi ko naman nilalahat pero magandang halimbawa si Navin. Sure ako dun.

Kinain ko ang baon kong waffers habang naka-earphones at nagrereview. Maya-maya naman ay dumating na din ang teacher namin.

Matapos ng apat na subject ay nag-bell na para sa breaktime namin. Agad namam naglabasan ang mga kaklase ko habang ako ay naiwan para ligpitin ang mga gamit ko.

Sola Bellatrix (SLOW UPDATE) Where stories live. Discover now