6

22.3K 857 269
                                    

"So, you and kuya, huh?" nakangising bulong ni Oceanne. Tumayo ako sa kinauupuan at lumayo sa kaniya. Wala pa nga akong sinasabi, tinutukso niya na ako, ano pa kaya kung meron?

Magkasama kami ngayon sa iisang hotel room dahil sabay kaming maghahanda para sa birthday ni tita Viella. Sinundo niya ako kaninang umaga at siya rin ang maghahatid sa akin mamaya. Hindi ko na tinanggihan ang alok niya dahil tinatamad akong magdrive ngayon.

"Hindi nga 'yon date!" padabog kong sagot. Kanina pa ako paulit-ulit na wala ngang namamagitan sa amin ni Orion at sadyang nasa iisang mall lang talaga kami kahapon.

"Okaaay..." she raised her hand in defeat, still looking unconvined. Hindi ko alam kung saan niya nalaman na magkasama kami ng kapatid niya kahapon pero may kutob ako na isa sa mga pinsan nila ang may nagsabi.

Sana naman si Oceanne lang ang may alam. Ayaw kong ma-issuehan kaming dalawa dahil awkward 'yon! Pero, wala naman akong dapat ikabahala dahil hindi naman 'yon date!

"Yes, hindi 'yon date!" bulong ko sa sarili, biglang natandaan ang rules.

Rule #5

DON'T ASSUME

The reason why marami ang nasasaktan ay dahil mahilig tayong mag-assume. Minsan kasi, hindi tayo nasasaktan dahil pinaasa tayo; nasasaktan tayo dahil nag-aassume tayo.

Nasasaktan tayo dahil binibigyan natin ng kahulugan ang mga bagay kahit wala naman talaga.

Before ako mag-assume kung may gusto ba ang isang tao sa akin, sinusuri at inoobserbahan ko muna ang tao. I can't just assume that yesterday was a date and that Orion likes me. Basing on his actions, I can tell that he's just a gentleman with really good manners.

Most of the time, we assume that someone likes us romantically when in fact that person in question is just friendly.

Someone's politeness and friendliness should not be mistaken as romantic gestures.

"Londooon," tawag ng kaibigan na nagpagulong-gulong sa kama. "Hindi ako makatulog. Kwentuhan mo na ako tungkol kahapon, pleeassee."

Ay, ano to? Bedtime stories?

"Bumili kami ng damit tapos kumain. The end!" Nag-thumbs up ako sa kaniya ngunit sinamangutan niya ako. Wala naman akong maiikwento sa kaniya kasi wala namang ibang interesting na naganap.

Well... maliban sa usapan namin habang kumakain. Medyo natatawa lang ako tuwing naiisip ko iyon.

"Ba't ayaw mo nang bumalik dito? May galit ka ba sa mall na 'to?" tanong ko nang marinig ang kaniyang binulong.

"You heard that?"

I sighed at gave him a blank look, "Magtatanong ba 'ko kung hindi ko narinig?"

Yes, that's right! Rule #4! Rule #4!

"Nevermind 'bout that. Just ask me other questions," aniya habang nilalagyan pa rin ng pagkain ang pinggan ko. Huli niya nang napagtanto ang ginagawa at muntik nang mabitawan ang plato.

"Thanks," I arched a brow, smirking. Umubo-ubo ito, hindi makatingin sa akin, mukhang nahihiya. "Gusto mo lagyan din kita?" pag-alok ko sa nakakatuksong tono.

Hindi siya sumagot kaya ako na lang ang naglagay ng pagkain sa kaniyang pinggan. Nakatuon ang pansin niya sa akin habang ginagawa ko iyon. Medyo nailang ako sa kaniyang seryosong tingin ngunit hindi ko iyon pinahalata.

"Sus, nahiya kapa," biro ko. "Gusto mo subuan kita?"

Nanlaki ang kaniyang mata ngunit agad ding nakabawi. Umayos siya ng upo at pinatong ang dalawang siko sa mesa, may kakaiba sa kaniyang tingin, parang nanunukso.

How to Avoid HeartbreaksWhere stories live. Discover now