4

24.4K 731 63
                                    

"London, are you going home?" Euxine asked. I sat beside her during the orientation and we immediately got along. We're both in our freshman year yet we're not in the same course.

Katatapos lang ng orientation namin at wala na kaming gagawin. Akala ko mag-aaya siyang mamasyal ngunit uuwi rin naman pala siya.

Dumiretso ako sa condo at agad na nagpahinga. Gabi na ako nagising kaya naligo at nagluto na lang ako para makatulog ulit. I was in the middle of eating dinner when the doorbell rang. Tamad ko iyong binuksan at nagulat nang makita si ulit Orion.

Tuwid akong tumayo at nginitian ang 'di-inaasahang bisita. Kasisiguro ko lang kahapon sa sarili na matitigil din itong "paghangang-di-ko-inamin" sa kaniya ngunit paano ko iyon magagawa kung nandito na naman siya?

I mean... it's not like I don't want him here, but then... how could I move past this if he's always here?

"Are you okay?" tanong niya.

Yieee! Concerned siya sa akin. Napangisi ako sa naisip ngunit umiling lang sa kaniya. Hindi niya pwedeng malaman ang mga kabaliwang iniisip ko!

He tilted his head as if studying me. "You look confused."

Oo! At dahil 'yon sa iyo!

"Nah, I'm fine," I assured, waving my hand dismissively. "So, let me guess, tita Viella asked you to go here?"

Tumango ito at seryoso akong tinitigan. "Did I disturb your sleep or something?"

Napatingin ako sa sarili at napagtantong naka-pangtulog na pala ako. Umiling ako at inayos ang damit. "U-uhm... hindi naman."

Rule #2, rule #2. Keep calm and be cool.

"Hmm..." he nodded again and handed me a small envelope. "It's mom's birthday this weekend... I hope you'll be there."

I bit the insides of my cheeks to stifle my smile when I heard his words. Pero, hindi ko talaga napigilan ang ngiti lalo na sa huli niyang sinabi kaya hinayaan ko na lang ang sarili at tinukso na lang siya para hindi niya mahalata na kinikilig ako.

"Ayaw ko sanang pumunta pero dahil sabi mong—" I paused and cleared my throat. "I hope you'll be there... kaya pupunta na lang ako," I mimicked his voice.

Pupunta naman talaga ako, gusto ko lang talaga siyang tuksuin para matago ang kilig.

Rule #4

Say most of your words in a playful or joking manner

This is really essential since I can't control my mouth most of the times. If I say my words in a joking manner as if I'm teasing him, he wouldn't suspect anything. He won't assume that I like him since he'll probably think that I'm just joking around.

It's important to establish this kind of character when he's around so when the time comes when I'll accidentally confess whatever this is that I have for him to him, I could just easily take it back.

Kung mapaamin man ako ng wala sa oras, hindi niya iyon seseryosohin dahil iisipin niyang nagbibiro at nang-aasar lang ako.

"What?" he asked, surprised. Mukhang siya mismo hindi rin namalayan ang sinabi. I smirked because of that.

"What I meant was... mom wanted me to tell you that since she's hoping... that you'll come..." pagpapaliwanag niya ikinangiti ko. Mukhang ayaw niya talagang mag-isip ako ng kung ano-ano.

Sus, nahiya ka pa! Wala naman akong problema kunga aminin mong gusto mo akong pumunta sa birthday ni tita Viella eh!

Naramdaman ko ang titig niya sa akin kaya napatingin din ako sa kaniya. May maliit na ngiti sa kaniyang labi ngunit agad namang binawi nang nakita akong nakatitig sa kaniya.

Gwapo na nga ito kahit seryoso, ano pa kaya noong nakangiti ito? Sayang nga lang dahil sumeryoso siya ulit.

"So, I'm leaving now. Good night." Hindi na naman ulit ako nakapagpasalamat dahil nagmamadali itong umalis. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya at parang palaging nagmamadali.

Mabilis kong tinapos ang pagkain at dumiretso sa kwarto, hawak-hawak ang invitation. Dahil hinawakan niya 'to kanina, feeling ko tuloy nag-holding hands din kami, indirect nga lang.

Parang baliw akong nagpagulong-gulong sa kama, malaki ang mga ngiti sa labi dahil sa hindi malamang kadahilan. Iyon ang ginawa ko hanggang sa sumakit ang ulo ko at nang mapagtanto ang ginagawa.

"Hindi ko siya gusto pero bakit ako nagkakaganito?" pagkakausap ko sa sarili.

"I mean... yes, he's gwapo, he smells good, he's quite mysterious and I think it's part of his charms but I don't like him." I heaved a deep sigh, disappointed that instead of convincing myself, I'm just contradicting myself.

"AHA!" pumalakpak ako nang may naisip.

I'm not attracted to Orion, I'm just curious about him!

"Yes, that's it... that's the reason..." I tried to sound convincing but ended up sighing heavily. I realized how odd I've been acting and how hard I'm trying to convince myself... parang hindi ako.

First, I've been contradicting myself. Second, I'm already talking to myself. Hindi ko na maintindihan ang sarili.

Baka... nababaliw na ako?

How to Avoid HeartbreaksWhere stories live. Discover now