KAIBIGAN

27 12 0
                                    

I met you on that day of February.

You were sitting at the corner

You were wearing black and listening to music through your earphones.

You looked at me..

I waved at you but you just nod at me.

"Isnobero" sabi ko pa sa sarili ko.

Di ko akalain na iyon na ang simula,

Simula ng ating pagkakaibigan.

Nag-uusap tayo

Araw-araw,

Gabi-gabi..

Walang tigil..

Hanggang ang ating pagkakaibigan ay lumalim nang lumalim.

Lumalabas na tayong dalawa.

Friends bonding kung tawagin nila.

Sa mall, sa restaurant, sa archade at iba pa.

Halos lagi na nga tayong nagkikita at nagkakasama.

Kaya hindi na ako magtataka na,

Nahulog ako.

Oo, nahulog ako sa pagiging caring mo.

Nahulog ako sa pagiging protective mo.

Nahulog ako sa kasungitan mo.

Nahulog ako sa mga ngiti mo.

Nahulog ako ng tuluyan sayo.

Hanggang dumating ang araw na nagsimula tayong nagkalabuan.

Walang tayo pero parang mayroon.

Ilang beses nag-away at ilang beses ding nagkabati.

Away-bati, away-bati.

Lumipas ang mga araw,

Linggo,

Buwan,

Hanggang sa naging isang taon.

Ngunit hindi ko akalain na sa araw na iyon,

Ay ang araw kung saan ang ating pagkakaibigan ay matatapos nang tuluyan.

Ang ating pagkakaibigan na di natapos sa pagkaka-ibigan,

Dahil sa simula pa lamang

Ay hindi na pareho ang ating nararamdaman.

At hindi magiging pareho kailanman pa man...

Kaya paalam, kaibigan.

Salamat nalang sa lahat ng ating pinagsamahan.

Short Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon