TRAFFIC LIGHT

47 15 0
                                    


Kasalukuyan kong hinihintay na maggreen ang traffic light upang makatawid na ako nang bigla kitang makita.

Nasa kabilang side ka ng kalsada. Nag angat ka bigla ng iyong tingin.

Napatingin ka sa gawi ko na may ngiti sa mga labi. Naalala ko pang nakasuot ka ng isang puting bistida.

Green light na.

Maya-maya'y nagsimula kang maglakad paabante. Kasabay nang paghabang mo ay ang pagtugtog nang kanta sa aking earphone.

~heart beats fast, colors and promises.~

Sa pagliit ng distansya natin sa isa't isa ay siya namang lalong paglakas ng tibok ng puso ko.

~How to be brave? How can I love when I'm afraid to fall? But watching you stand alone. All of my doubt suddenly goes away somehow.~

Hindi na ako nakapaghintay sa salubungin ka kaya nag umpisa na rin akong humakbang patungo sayo.

~One step closer~

Lumiit ang distansya sa pagitan nating dalawa.
Hindi ko na napigilan ang sariling tugunin ang mas tumatamis mong ngiti.

~I have died everyday waiting for you. Darlin' don't be afraid I have love you for a thousand years. I'll love you for a thousand more~

Tumigil ka sa pag hakbang at tumigil rin ako. Dalawang hakbang, yan ang pagitan natin sa isa't isa.

~Time stands still. Beauty in all she is. I will be brave. I will not let anything take away. What's standing in front of me. Every breathe. Every hour has come to this.~

Isang hakbang.

~One step closer~

Dalawang hakbang.

~I have died everyday waiting for you. Darlin' don't be afraid I have love you for a thousand years. I'll love you for a thousand more~

Dalawang hakbang ang ginawa niya palapit sayo.

~All along I believed I would find you. Time has brought your heart to me. I have loved you for a thousand years. I'll love you for a thousand more.~

Ginawaran ka niya ng isang halik sa noo nang tuluyan siyang makalapit sayo.

~One step closer.~

Inilahad niya ang kanyang palad at doon dumako ang tingin mo.

"Wag mong tanggapin!" Sigaw ng utak ko.

~One step closer.~

Ngunit unti-unti mong inangat ang isa mong kamay at tinanggap ang nakalahad niyang palad.

~I have died everyday waiting for you.~

Isa.

~Darlin' don't be afraid I have love you for a thousand years.~

Dalawa.

~ I'll love you for a thousand more~

Hinabol ko kayo ng tingin.

~All along I believed I would find you.~

Tatlo. Apat. Lima. Anim. Pito. Dumami ng dumami ang hakbang niyo.

~Time has brought your heart to me.~

Wala akong nagawa kundi ang tanawin nalang ang paglayo nyong dalawa habang magkahawak ang inyong mga kamay at nakangiting nakatitig sa bawat isa.

~I have loved you for a thousand years. I'll love you for a thousand more.~

Kasabay nang pagtapos ng kanta ay ang unti-unti nyong paghakbang papalayo nang magkasama.

~One step closer.~

Short Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon