MALL

28 13 0
                                    

*ting*

Nag pop up ang mukha mo sa screen ng aking telepono

Pagkakita ko sa dp mo

Automatic

Napangiti ako

You: Ano G?

Me: Sige

Kasalukuyan akong nakasakay jeep noon

Nang biglang

Tumigil ang jeep dahil may sasakay

Maya-maya may tumabi sakin

You: Uy!

Napalingon ako sa kaliwa ko

Ikaw pala

Akalain mo nga naman

Sa dami ng pagkakataon

Talagang nagkasabay pa tayo sa jeep

Usap dito

Usap doon

Hanggang sa makarating tayo sa mall

Sa mall na ating dapat na tagpuan

Awkward sa una

Pero nagkapalagayan tayo ng loob

Ilang araw

Ilang linggo

Ilang buwan

Ilang taon

Tayo ay nagkakachat

Ang tagal na rin pala

Noong huli tayong nagkita

Limang taon?

Anim na taon?

Basta di ko na tanda

Naglibot tayo sa mall

Kumain

Nag usap

Nagkwentuhan

Sa bawat buka ng iyong bibig

Isang pangalan

Isang pangalan lang

Ang lagi mong binabanggit

Laging pangalan niya ang aking naririnig

Ilang oras tayong magkasama

At sa loob ng panahong iyon

Siya

At tanging siya parin

Bakit lagi nalang siya?

Bakit ba hindi pwedeng ako naman?

Bakit nga ba?

Oo nga pala

Naalala ko na

Kaibigan mo lang ako

Kaibigan na nakakausap

Kaibigan na nasasabihan ng problema

Mula noon

Hanggang ngayon

Ako'y iyong kaibigan

Kaibigan lamang

Short Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon