INSTANT CHAT

46 15 0
                                    

Instant Chat

Dyan tayo unang nagkakakilala..

Time check: 2 AM na

Pero tayo ito..

Masaya paring nauusap..

Nagkukulitan..

Nag aasaran...

Hanggang sa in-add mo ako sa FB

at inccept kita...

Dummy account pa gamit mo

at ako??

Real account ko..

Ilang araw na tayong nagkacchat

Pero di ko parin nakikita mukha mo..

Di ka parin nagpapakilala..

Samantalang yung FB ko nakalkal mo na ata..

Isang araw ang lumipas...

Sa wakas nagpakilala ka rin..

Stalk dito..

Stalk doon..

Cute ka...

Mabait..

Masayahin..

Masarap kausap..

Kahit puro pang aasar

at pang lalait ang naririnig ko sayo..

Sa pagcchat natin na tumagal ng ilang araw..

Ilang linggo...

Ilang buwan...

Unti-unti kong nakikilala ang pagkatao mo..

Unti-unti nahuhulog na rin ang puso ko sayo..

Di pa man tayo nagikita sa personal

alam kong may puwang kana sa puso ko..

Naalala mo pa ba nang pabiro kong sinabi na

"gusto kita.."?

Pero sabi mo

"di tayo talo.."

Bakit?

Kasi Beshie mo lang ako..

At sa simula pa lamang

Wala nang 'Tayo'

Kasi mayroong

'Kayo'

Short Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon