Marahan akong umiling. "Sasama ako kahit saan..." pumiyok pang sagot ko. Kaya naman bahagya akong napatawa dahil sa muling pagiging emosyonal.

Halos maduling kaming dalawa dahil sa sobrang lapit ng aming mga mukha. "Ikaw na ang mundo ko Sachi, ikaw ang pahinga ko sa nakakapagod na mundong ginagalawan ko" sabi pa niya sa akin bago niya buong lambing na inangkin ang aking labi.

Marahan iyon na nakakakiliti kaya naman hindi maiwasang hindi tumaas ang balahibo sa aking braso hanggang sa batok ng dahil lambing ng kanyang pagkakahalik sa akin.

Hindi din kami nagtagal duon ni Kuya Piero. Maingat kaming bumalik sa may basement pasakay sa kanyang sasakyan. Hindi katulad kanina ay nagiba ang awra ng mukha nito. Hindi na siya si Agent Hagen, siya na si Piero. Si Piero Herrer.

"Paano ka niya nailigtas?" Panguusisa kaagad nito pagkarating namin sa bahay.

Parang bigla siyang nagiba. Yung Piero na kasama ko kanina na cold, masungit at parating iritado ay parang bulang nawala.

Napanguso ako at napaiwas ng tingin. "Hindi niya sinabi sa akin ang buong detalye. Basta ang sabi niya lang, iniligtas niya ako para makabayad sa utang niya sayo" sagot ko sa kanya. Halos hindi ko siya matingnan sa kanyang mga mata dahil sa pagtitig niya sa akin.

Sa tuwing titingin kasi ito ay para bang namamangha pa din siya. Hindi makapaniwala. Nagulat ako ng mapangiti ito. "Sampalin mo nga ako Sachi" malambing na utos niya sa akin kaya naman napaayos ako ng upo.

"Bakit po Kuya Piero?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Napalagat ito sa kanyang pangibabang labi habang nakangisi. Bayolente akong napalunok dahil sa kanyang ginawa. "Gusto kong mapatunayan na hindi ako nananaginip" pagrarason pa niya sa akin.

Imbes na sampalin ay kaagad ko itong pinitik sa noo na ikinatawa ko. "Hindi ka naman nananaginip eh" paalala ko pa sa kanya.

Napatango ito. "Buti naman..." he said in relief.

Maagang bumalik si Lance kinaumagahan galing ng San Rafael Bulacan. Humahangos pa nga ito pagpasok ng pintuan kaya naman nagulat ako.

"Totoo ba, Totoo bang ikaw si Sachi?" Hindi din makapaniwalang tanong niya sa akin.

Napangitit ako at tsaka napatango tango. Nagulat ako ng yakapin ako nito sa sobrang tuwa niya. "Hoy Gago!" Asik ni Piero dito.

Kaagad na napabitaw si Lance sa akin pero hindi nabawasan ang tuwang nararamdaman niya. "Salamat naman sa Diyos, wala ng deadline itong si Piero" sabi pa niya kaya naman napatingin ako kay Kuya Piero.

Nagiwas ito ng tingin sa akin kaya naman muli kong ibinalik kay Lance ang aking atensyon. "Anong Deadline?" Tanong ko sa kanya.

"Pagnahanap na daw niya yung pumatay sayo. Magpapakamatay na din daw siya, para magsama na kayo sa kabilang buhay. Di ba ang sweet?" Natatawang kwento pa ni Lance kaya naman kaagad na lumipad sa kanya ng bilog na basahan na mas lalo niyang ikinahalakhak.

Mabilis akong lumapit kay Kuya Piero na nasa harapan ng coffee maker. Kahit pa nasa tabi na niya ako ay hindi niya ako nilingon.

"Totoo ba yun?" Panguusisa ko sa kanya.

Kita ko ang pagtaas baba ng kanyang adams apples. "Ang sarap mabuhay, bakit mo naman naisip na magpakamatay?" Nakangusong tanong ko sa kanya.

Tamad ako nitong nilingon. "Anong masarap sa mabuhay kung wala ka?" Tamad na tanong niya sa akin. Pero kaagad kaming nakarinig ng tawa sa likod galing kay Lance.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Where stories live. Discover now