- 10 -

52 8 0
                                    

Naawa ako sa mga Whim na kasama namin dito. Kapareho ko rin sila. Kaming mga Inferiors at Lows, madalas inaapi ng mga mas nakakataas na Whims.

Hindi ko rin sila masisi kung gustuhin nilang lumakas. Ang tanong... Sino naman kaya ang nakakagawa ng ganoong droga? And whose behind these massive killings?

"Sinong gumagawa ng mga drogang iniinom niyo at sino ang nag-uutos sa inyong pumatay?" Tanong ni Ruru

Parang vinoice out lang niya yung nasa isip ko ah.

"Hindi namin alam kung sino ang gumagawa ng droga dahil ang tanging taong kumakausap sa amin at nagbibigay non ay ang leader ng Uno na si Gibson."

"Gibson...?" pagtatanong pa ni Harley.

"Hindi namin alam ang apelyido niya... Basta yun ang tawag namin sa kanya dahil yun ang tawag sa kanya ng mga tauhan niya."

Bahagya namang napaswipe si Ruru sa dulo ng ilong niya.

"Teka...paano kayo nakatakas?" Tanong ni Lui. Nagkatinginan naman silang lahat.

Oo nga... How were they able to escape?

Napalunok si Kelvin bago sumagot. "A-actually..." kinagat niya ang kanyang ibabang labi. "H-hindi rin namin alam kung paano. Bigla nalang noong umaga ng Lunes ngayong linggo, wala na yung mga nagbabantay sa amin."That's absurd. It sounds suspicious to me. Nakatakas sila ng ganun-ganon lang? Tinignan ko sila Rurude at ganoon din ang reaksiyon nila, mga nakakunot ng noo. "Mag-iisang linggo na rin pagkatapos naming makatakas pero wala naman nangyayari sa amin kaya naisipan namin kayong tawagan. Nagbabakasakali kaming mas magiging ligtas kami sa inyo" pagpaatuloy ni Kelvin.

Tawagan? Sila Ruru? Bakit naman niya tatawagan ang mga estudyante lang at paano niya sila nakilala? Why not go to the Legion if they're seeking for refuge?

"Nakatakas kayo ng ganoon kadali?" Malakas ang boses na tanong ni Harley. "Paanong---" Hindi niya naituloy ang kasunod pa sana niyang tatanungin nang biglang sumabog ang taas nitong gusaling kinatatayuan namin kaya naman nagsilaglagan ang malalaking simento sa amin.

Anong nangyayari?!

Nakisabay ako sa mga Whims na ngayon ay kung saan-saan na rin tumatakbo para mailigtas ang mga sarili nila. Ang iba naman ay nadaganan na ng malalaking simento.

I searched for Ruru and others. Naghiwa-hiwalay kasi kami matapos ang pagsabog. Si Ruru naka-activate na ang kapangyarihan at nakatago sa isang pader, ganun din sila Harley, Lui at Shinwoo ngunit kasalukuyan pa rin ang pag-aactivate ng kapangyarihan.

"Crap!!! We're ambushed!" Sigaw ni Lui.

Ambushed?! Mas lalo akong kinabahan sa sigaw ni Lui.

Pagkatapos ng pagsigaw niya, isa nanamang pagsabog ang naganap pero dito na mismo sa underground.

"Lui! You go and protect Almiona!" Ruru shouted at Lui.

"On it!" Lui answered at nang maactivate na ng tuluyan ang kapangyarihan niya ay agad siyang tumakbo papalit sa akin.

"Harley and Shin! Lead the Whims to safety!" Pagsigaw muli ni Ruru na tinanguan naman ng dalawa at lumabas na rin sa pinagtataguan nila para tipunin at tulungan ang mga Whims na kasama namin kanina.

Pagkatapos ng isa nanamang pasabog, sampung Whims ang lumabas ng naka-activate ang kapangyarihan. They look like our age and I could sense they are between Middle Level to Mid-High Level Whims. However, based on the intensity of the bombs earlier, parang isang High Level ang nagpakawala noon.

Isa sa kanilang sampu ang nagpakawala nanaman ng bomba. He must be a Bomber! I don't wanna get nuked!

Namukhaan ko ang isang babae na kasama sa sampu. Siya yung babaeng nakita ko kaninang nakatingin sa amin! Napatingin siya sa akin at binigyan ako ng isang nang-iinsultong ngisi.

Naglabas ng kuryente ang babae sa kamay at diretsong niya itong ipinapunta sa akin ngunit bago pa ako matamaan, humarang na sa harap ko ang isang tipak ng simento at isang kamay ang humila sa akin paalis. "Let's go Almiona!"

Tumatakbo kami ngayon ni Lui palabas ng building ngunit napahinto nang harangan kami ng dalawang Whim na kasama sa sampu kanina.

They're grinning and it's giving me goosebumps. Mas lalong hinigpitan ni Lui ang hawak sa kamay ko at itinago ako sa likod niya habang unti-unti kaming umaatras palayo sa kanila na unti-unti ring umaabante palapit sa amin.

Ouch! Mababali naman na ang kamay ko sa ginagawa mo! Sobrang higpit ng hawak ni Lui sa wrist ko. I want to shout at his back but I also thought we're in the middle of a hefty situation kaya hindi ko ginawa.

"Umatras na kayo, nagkakamali kayo ng kinakalaban" pakikipagusap ni Lui sa kanila na mas lalong ikinangisi ng dalawa.

"Bakit? Dahil Mids lang kami... ha Lui?" His voice is mocking.

I was right. They are middle level Whims. Dahil nasa likod nga ako ni Lui, hindi ko malaman ang reaction niya.

"Oh, you probably don't remember us dahil kasama ka na ngayon sa rank" sabi naman ng babae.

I don't know what they're talking about. Apparently, they seem to know each other.

"I don't wanna hurt you, please just go" pakikipagusap pa ni Lui.

Napabuga sa hangin ang dalawa matapos ng pahayag ni Lui. "Let me inform you Mr. Lui Jackson that we're stronger than before...and you might lose this time" aroganteng sabi ng lalaki.

Mabilis na nagpakawala ng mga energy beams ang lalaki sa amin. Ginamit naman ni Lui ang Telekinesis niya at hinawi ang mga ito kaya sa pader tumama imbes na sa amin.

Patuloy ang pag atake ng lalaki pero puro pangdedepensa lang ang ginagawa ni Lui. Hindi siya lumalaban. Nanatili naman ako sa likod niya at sumusunod lang sa kahit na anong galaw niya.

Hinanap ng mata ko yung babae dahil wala siya sa kahit saan. Nagulat nalang ako ng lumabas siya sa gilid ko at sinugatan ako sa may tagiliran pagkatapos ay nawala rin agad.

"Aaahh!" I screamed.

The girl's ability is Phasing.

Lumingon sa akin si Lui matapos kong mapasigaw dahil sa sugat na natamo ko sa aking tagiliran. Mariing kumunot ang noo niya sabay kagat sa kanyang labi. Bumigat ang paghinga saka muling tumingin sa lalaki na nakangisi ngayon at kasama na yung babae sa harap namin.

"You left me no choice" Lui said before attacking the two.

Nagsimula silang maglabanan samantalang ako naiwan lang na nakatayo at hindi alam ang gagawin habang hawak ang tagiliran kong dumudugo.

VISION:UnravelingHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin