- 22 -

28 2 0
                                    

3RD PERSON's POV

Hindi makapaniwala si Ruru sa nakasulat sa dokumentong hawak niya ngayon gamit ang isa niyang kamay. Ibinagsak niya ito sa lamesa kung saan siya nakasandal. Lahat silang ranks ay nasa kanilang quarter.

Pinagcross niya ang kanyang mga braso. Tahimik ang lahat na iniisip kung anong dapat nilang gawin sa nangyari sa grupo ni Kevin.

"I can't believe they closed the case just like that. Ano nang gagawin natin?" tanong ni Lui.

"Nothing," sagot ni Harley. "You heard Ms. Hadia. Our task ends there. We must not do anything, lalo na ngayon there may be really a traitor working in Legion."

"Might," singit ni Shinwoo.

"Hindi ba chineck niyo na lahat ng profiles ng mga nagtatrabaho don? Did you find anything suspicious? Wala diba?" tanong ni Harley.

Tumahimik ang lahat.

"How can they dismiss it just like that," di makapaniwalang sabi ni Lui.

"We need to get to the bottom of this," salita ni Ruru.

"What? You mean susuwayin natin si Ms. Hadia? C'mon Ruru, we're merely highschool students. Baka mabangga pa natin ang maling tao," Harley.

"If we won't do something now, mas marami pang mangyayaring ganito. Mas malala."

"Ruzzel stop. Sundin nalang natin si Ms. Hadia. Besides, what will we gain from giving them justice?"

Lahat sila ay napatingin kay Zalora na halatang galit sa mga inferiors at low dahil sa pagkamatay ng kanyang ina. Bumuntong hininga siya saka lumabas ng quarter. Napapikit nalang si Ruru habang natahimik ang lahat.

Sa kabilang banda, pumunta si Almiona sa opisina ni Gwaen upang tanungin ito kung nasaan si Seven. Naglalakad siya sa corridor papuntang office pero nasa labas palang siya ay narinig na niya na nagsasalita si Gwaen. Kakatok sana siya nang marinig ang tawa nito mula sa loob kasabay ng pagbanggit ng isang pangalan na minsan na niyang narinig.

"It's all good, Levi. I have all of them in my fingers."

Inilapit pa ni Almiona ang tainga sa pinto para mas marinig si Gwaen na may kausap sa telepono.

"The girl? I'll dispatch when everything is put into place. Be more patient, I'll handle it."

Matapos ang ilang saglit ay wala na siyang narinig pa. Hindi mapalagay si Almiona sa narinig. Aalis nalang sana siya pero biglang bumukas ang pinto, kung saan palabas si Gwaen.

Kapwa sila nagulat sa isa't isa ng magkakitaan. Bumalik naman agad sa dating mabait na aura si Gwaen. "Almiona... why are you here? Kanina ka pa diyan?" tanong nito.

Napalunok si Almiona. Ibang-iba ang tono ng boses ni Gwaen kanina at ngayong kausap na siya nito. Hindi agad nakasagot si Almiona kaya nagsalita ulit si Gwaen.

"What's your concern? Hindi na ba yan makapaghintay ng bukas? My office is closed during Thursdays, dear," malumanay at mabait na sabi nito.

"I-I'm sorry Ms., I didn't know. Gusto ko lang malaman kung nasaan si Seven."

"Seven?" tanong ni Gwaen.

"Yes. My uncle."

Kumunot noo si Gwaen. "I'm sorry Almiona but... how could I know where your uncle is?" she chuckled, "I didn't even know him."

Lumakas ang tibok ng puso ni Almiona. Naiinis at nagagalit siya dahil naniniwala siyang sila ang nagpaalis kay Seven sa kanyang bahay pero wala siyang makuhang matinong sagot.

"That night..." Almiona sighed. Nanginginig ang kanyang mga labi dahil pinipigilan niya ang emosyon niya. Magtatanong pa sana siyang muli pero hindi na niya ginawa. Bumuntong-hininga na lamang ulit siya. "I understand. Sorry for disturbing," sabi nalang niya saka nakayukong naglakad paalis.

Pinaningkitan naman siya ni Gwaen ng mata habang sinusundan ng tingin ang bawat hakbang nito. Inilabas niya ang kanyang cellphone saka nagsend ng isang message sa isang tao.

***

"Huy, kumain ka naman muna. Maghapon kang tahimik at nakasimangot. Bahala ka jan, lalaylay yang labi mo pababa," salita ni Vince habang papalapit kay Almiona dala ang isang tubig at burger. Nakaupo ito sa isang bench sa isang lumang English park ng school. Hindi pinansin ni Almiona si Vince. "You know what, I rarely see you fine. I rarely see you smile. Parang napapalibutan ka ng itim na aura lagi."

"You'll never understand. No one will."

Huminga ng malalim si Vince saka umupo sa tabi niya, ipinatong ang mga siko sa sandalan ng bench saka tumingin sa langit. "I'm a dreamer, Mio..." panimula nito na siyang nakapagpakunot ng noo ni Almiona. "... Just like you, I lost both my parents when I was young. Not that they died but they abandoned me. I had to live in the streets. I had to get into as many jobs as I can. I was cold. I was hungry. I experienced violence while growing up dahil nga sa lansangan lang ako nakatira, idagdag mo pa na isa akong inferior. Whims bully me all the time. They make fun of me. They hurt me. They make me their toy. I remember one time, a group of school kids wrapped me on a trunk, then exercised their abilities on me. I almost died that day" isang maliit na ngiti ang sumilay sa kanyang labi, "But I survived, thankfully. That's why it's always been my dream to make a change in this world. To make this world a better place for  the less fortunate." Tumingin siya kay Almiona na nakatingin na din sa kanya. "And I won't stop until my dream is no longer a dream, but a reality." Pagtatapos niya saka binigyan si Almiona ng isang malapad na ngiti na nagpalabas ng maliliit na dimples niya sa makabilang gilid ng kanyang labi.

Inirapan siya ni Almiona na siyang nakapagpangiwi sa kanya ng saglit. Bumalik siya sa pagkakasandal sa upuan.

"You lost both your parents when you were young just like me..." biglang salita ni Almiona habang nakatingin lang sa harap. Nanlaki naman bigla ang mata ni Vince. Ngayon lang niya narealize ang nasabi. Mabilis na lumingon si Almiona sa kanya at binigyan siya ng isang mapanuring tingin. "Paano mo nalaman na patay na ang mga magulang ko?" tanong nito.

Napangiti naman si Vince ng hindi sigurado saka napakamot sa ulo. "Hehe, eto naman, ang haba haba ng kwento ko yun pa yung pinansin," pagbibiro niya.

"V.i.n.c.e..." madiin na bigkas ni Almiona na kanya.

Tumayo si Vince ng mabilis saka bumuntong hininga. "W-wala. Nabasa ko lang yang kinukwento ko sa isang libro. Ini-narrate ko lang. Ts." palusot niya. Muli siyang tumingin kay Almiona na nangingilatis pa rin ang tingin, "Hindi ko talaga alam. Malay ko ba na parehas kayo nung author ng libro na yun na namatayan ng magulang," pagdedefend pa nito. Hindi naman na nagsalita pa si Almiona kundi ay inayos ang bag at mabilis na umalis. "Uy, teka lang." Dali-daling kinuha ni Vince ang burger at tubig na nakalagay sa bench saka sumunod kay Almiona.



VISION:UnravelingWhere stories live. Discover now