Tahimik lang akong umiyak ng umiyak habang nakatungo ang ulo ko at nakaupo sa gitna ng dalawang puntod ng dalawang taong pinakamamahal ko. Si Mommy Celine at Daddy Wilson.

***

Pagkatapos namin sa sementeryo ay dumaan kami sa sikat na simbahan dito sa Vigan, ang Vigan Cathedral na nakatayo na noong panahon pa ng mga Espanyol. I mentally rolled my eyes. Ok? Pake ko? Paki hanap. Psh. I hate history, really.

"Ang ganda talaga ng simbahang to no ate Acie?" Namamanghang turan ni Sitty na nakakapit sa braso ko habang abala ang mata niya sa pagtanaw sa makalumang tanawin ng simbahang to.

"Psh. Bakit ang hilig niyo sa mga makaluma? Ano mapapala niyo dyan? Mababalik niyo ba yang history na yan? Psh." Walang gana kong tugon at sinipat sipat ang mga gamit doon. Aisht! ang alikabok! Hindi ba nila nililinisan dito?

"Nakakasuka ang amoy at kapaligiran dito. Tara na nga. Wala naman tayong mapapala sa mga basurang kasaysayan ng mga bagay at kwento dito." Dagdag ko pa na kinangiwi ng ngiti ni Sitty.

"Past is past. Bakit ba kailangan nating balik balikan yan? Nakakasawa at nakakairita ng ulit-ulitin. Dapat nga tong mga to sinusunog na--" hindi ko natapos yung sasabihin ko pa sana at hindi ko na din naituloy na hawakan yung isang lumang libro doon na nasa tabi ng isang estatwa ng anghel dahil biglang tumunog ng malakas at nakakatakot ang kampana ng simbahan.

Tatlong sunod sunod na tunog ng kampana ang narinig namin at lahat ng mga taong nasa loob ngayon ng simbahan ay napatingin sa kampana sa taas at maski yung mga nasa labas ng simbahan ay napatigil sa paglalakad dahil sa nangyaring biglaang pagtunog nito ng malakas at nakakakilabot.

"Wag kayong matakot. Pasensya na pinaglaruan kasi ng kapatid ng isa sa mga sakristan namin ang kampana ng mga patay." Rinig naming paumanhin ng isang padre na galing lamang sa likod ng altar pagkatapos ng pagtunog ng kampana.

Napahinga naman ng maluwag ang mga taong nandito at ang iba pa ay nagtawanan dahil siguro ay kinabahan sila sa nangyari. Kahit naman yata sino eh. Napahinga na lang ng malalim para pakalmahin ang sarili.

"That was so creepy. Akala ko kung ano na yun." natatawang sabi ni Sitty. I want to laugh at it too but it feels like sobra akong naapektuhan sa nangyari. I should stop overthinking from now on. Nabigla lang siguro ako kanina.

I calmed myself down and namasyal at nagtingin tingin pa kami sa loob ng simbahan. Hindi na ako nagsalita dahil baka tumunog ulit yung kampana dahil baka ayaw nito sa mga sinasabi ko. Tinatakot ko na naman ang sarili ko. I brushed all my thoughts away ng mag aya na si tita Camille na pumunta naman daw kami sa Syquia Mansion at doon mamasyal.

We nodded our heads and we started walking our way outside the church ng mapatingin ako sa lugar kung saan ko nakita yung lumang libro kanina pero wala na yun doon. Siguro kinuha na nung padre kanina. I shrugged at the thought.

Naglibot libot lang kami tapos bibili ng pagkain para sa meryenda at kumain kami sa isang resto na malapit para sa lunch kanina at pagkatapos ng whole history tour namin eh sa wakas ay napagpasyahan na naming umuwi para makapagpahinga dahil bukas ay babyahe daw kami papuntang San Catalina para dalawin sila lola doon dahil matagal tagal na din ng hindi kami nakabisita ulit doon.

Last time na nakabisita kami doon ay nung bago namatay sila mommy at daddy dahil doon kami nagcelebrate ng christmas at new year at sana ay pati birthday ko pero hindi na nila inabot pa. Ok so much of the reminiscing... Going back to reality.

El SalvacioneWhere stories live. Discover now