"Paalam ka na ngayon." Nakangusong wika ni Gail. 

"Sinabihan ko na kasi si mama kagabi na ako magluluto mamaya para makapagpahinga siya." Pagdadahilan ko ulit. Hindi ko naman pwedeng sabihin na magmemeet kami ni Jonas ngayon. 

"Ihhh. Ang dalang nalang natin magkakasamang tatlo dahil sa dami nang ginagawa." pagtatampo pa ni Gail sa amin. 

"Bakit hindi ka kaya mag boyfriend para may mahatak ka kahit saan." suggestion ni Iverson sakaniya. 

"Sakit sa ulo lang ang mga lalaki, mabuti nga ikaw hindi gaano. Medyo lang." pang-aasar niya pa kay Iverson.

Nang matapos na ang duty namin. Natuloy sa inuman ang dalawa kasama ang mga ka-block namin. Pinaalalahanan ko agad si Iverson na ingatan si Gail. 

Naglakad na ako papuntang SM. Sayang naman kasi kung magtataxi pa ako e pwede naman lakaran. Mabuti nalang nadala ko ang jacket ko dahil nagsisimula nang lumamig, malamig na mas lalo pang lumalamig. 

Pagkarating ko sa SM, agad akong dumeretso sa may j.co. Hindi naman ganon kalaki ang j.co kaya nakita ko agad si Jonas na seryosong nakaupo sa may sulok habang may binabasa sa laptop niya. May handouts din siya sa tabi niya. 

May dalawang kape sa lamesa and of course donuts. 

I didn't bother to sit instead I handed him the paper bag with his coat inside. 

Napaawang ang labi niya sa gulat. Ngumiti lang ako sakaniya habang hawak-hawak ang paper bag. 

"You may take your seat," wika niya habang tinuturo pa ang upuan sa harapan niya. Agaran akong umiling sa alok niya.

Ayokong umasa. 

"Come on," pagpililit niya "I ordered you food." dagdag niya pa tiyaka sumulyap sa pagkain na nasa lamesa. Napasulyap din tuloy ako. 

"No. It's okay. Magagabi na rin, baka wala na akong masakyan jeep pauwi sa amin." pagdadahilan ko. Which is true, hindi twenty four hours ang jeep na dadaan sa Ferguson. 

"I can drive you home," agad na bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Ano ba iyan! Ang soft naman! 

"Ah hindi nakakahiya naman," nahihiyang wika ko pa sakaniya. 

"And you washed my coat. I want to treat you a food?" Nag-alangan na sabi niya sa akin. 

"It's my fault naman e," gusto ko sanang sabunutin ang sarili ko kung hindi lang nakakahiya. Masyadong pabebe ang pagkakasabi ko! 

"Please?" Pakiusap niya sa akin. 

Wala na. Mahina na. 

"Fine!" Kunwaring napipilitan na wika ko tiyaka umupo sa tapat niya. Napangiti naman siya tiyaka kinuha ang paper bag na hawak ko pagkatapos ay binaba niya ito sa lapag. 

"So how's your day?" Muntik pa akong mabulunan sa donut dahil hindi ko inaasahan ang tanong niya pero mabuti nalang kaagad akong nakabawi. 

"Ayos lang naman. Ikaw?" Feeling ko ang dry ko kausap. 

"Tiring as usual," kibit-balikat na wika niya pagkatapos ay sinara na ang laptop niya. 

"Kanina ka pa rito?" Tanong ko, mukhang matagal na kasi siya kaninang nadatnan ko. 

"Yup," namilog ang mata ko sa pagiging honest niya. So matagal siyang naghintay? 

"Hala! Sorry! Naghintay ka ba ng matagal?" Kinakabahan na tanong ko but he chuckled. 

"No. It's okay. On time ka naman dumating e, maaga lang talaga ako dahil wala na akong magawa," marahan akong tumango sa sinabi niya. Akala ko matagal na siyang nandito. 

"Buti hindi mo kasama si kuya Nathan?" Tanong ko nalang sakaniya. Wala naman kasi akong ibang matanong kahit gusto kong ipakuwento sakaniya ang istorya ng buhay niya. 

"He's with his girl," he chuckled. Hala pagkakataon ko na ito para tanungin kung may girl friend siya! 

"Eh ikaw? Wala ka bang girlfriend?" Natawa siya sinabi ko. Bakit ba siya natatawa? Wala naman nakakatawa. Kanina pa siya ah! May dumi kaya ako sa mukha? Mukha ba akong clown? Hindi naman ah! 

"I don't have girlfriend," nagpakita ako ng expression na hindi naniniwala. Shet! Pwede ata akong maging artista. 

"We?" Kunwari hindi ako naniniwala. Kahit na stalk ko na lahat ng social media account niya at nakita kong wala siyang girlfriend. 

Wala siyang bio o featured photo na kasama sa facebook. Hindi rin siya in a relationship. Walang babae sa feed niya sa IG pwera nalang kapag group picture. Wala rin siyang in-story sa IG na babae. Hindi rin babae ang header niya sa twitter or DP niya. So therefore I conclude; single si crush. 

"I don't have one. Kung meron baka kasama ko siya ngayon," tiyaka siya tumingin-tingin sa tabi niya para ipahiwatig na wala siyang kasama ngayon kaya wala siyang girlfriend. 

Walang girlfriend si crush kaya dapat tayong magdiwang! Para akong high school na kinikilig! 

"How about you? Do you have a boyfriend?" Hindi ko naitago ang pagkagulat ko sa tanong niya. Bakit interesado siya? 

"Bakit? Crush mo ba ako?" Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa kahihiyan pero hindi ko na ginawa dahil mas nakakahiya kapag ginawa ko iyon. Bakit ko ba sinabi iyon? 

"Silly. I'm just asking," ayan na silly pa tuloy ako. Hays. 

"Joke lang hehe," naiilang pa ang tawa ko. Nakakahiya talaga ako shet. "Pero wala akong boyfriend. Diploma muna," sagot ko nalang. 

"Wow. Good to hear that," e ako ba? Hindi ba ako good to see? Hays! Ang corny ko. 

"Bakit wala ka pang girlfriend?" Nagtatakang tanong ko. "Don't get me wrong huh," pagdedeny ko kaagad "I mean, is it because of your tradition?" Maingat na tanong ko dahil baka ma-offend. 

"Sort of," balewalang sagot niya "But I'll marry the woman I love. I will make sure of that," bakas sa boses niya ang pagiging desidido. 

"Yung isa kong kaibigan, Chinese. Sabi niya, kaya wala siyang jowa ay dahil hinihintay nalang niya kung sino ang ipagkakasundo sakaniya para iwas gulo," pagkuwento ko sakaniya. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. 

"Who is your best friend?" 

"Gail Ong," sagot ko bago uminom sa coffee na libre niya. 

Pasimple ko palang pinicture-an kanina kasama siya para may remembrance ako sa first date namin. 

"Oh you have a chinese friend," tumango ako sa sinabi niya habang sumisipsip sa straw

 "Can we be friends?"

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now