Chapter 4

187 13 3
                                    

04
New Professor?


Dumating ang lunes pasokan na naman.

Naglalakad ako sa lobby ng STEM building nang tawagin ako ni Bright. Lumapit ito sa'kin habang naka salubong ang kanyang dalawang kilay.

"Bakit?" I asked.

"Sino nag lagay sa'kin sa karo noong isang gabi?" tanong nya ngunit tunog na inis.

Oh. My. Ghod. I'm in danger.

Kilala ko itong babaeng ito, palaaway at lasinggera, sa aming mag kakaibigan ito talaga ang di dapat binibiro dahil hindi ito mabiro. Babae sya kung gumalaw at manamit ngunit siga at paalaway ito.

Naku! Sasabihin ko ba? Malamang! Si Clarence naman nag pasimuno nun! Bonak masyado ni Clarence eh.

"Si ano.."

"Sino?" diin nya.

"Si-"

"Bright! Azalea!" matinis na boses ni Yazie para bumaling kami sa kanya na kagagaling lang sa pagtakbo umagang umaga pinagpapawisan na sya.

"Anyare sayo girl?" Bright asked.

"911!" sa sinabi nyang iyon alam namin na kailangan nya ng tulong.

"Si Dasha!" She added para mataranta ako. "What happend?" gulong tanong ni Bright.

Napataray sa hangin si Yazie. "Girl bukas bukas din ng internet! Maya ko na i explain nasa gate sya pinag guguluhan ng mga tao!"

Dahil sa sinabi nyang iyon hinila ko ang dalawa at daling bumalik sa gate!

"Shemay! Bakit ang daming fans nitong conyo na ito?" si Bright at agad kaming pumunta kila Clarence na prinoprotektahan si Dasha sa mga insulto ng mga tao.

"Clarence dito!" sabi ko sa kanya dahil nasa kabilang gate kami na walang tao at agad silang umiwas sa mga tao para maka pasok na ng gate dahilan upang hindi na makasunod ang mga tao.

Ngunit sa loob na ng unibersidad may mga pang iinsulto ang mga tinginan ng mga studyante.

"Diba sya si budots girl?"

"Sya nga HAHAHA."

Mukhang na iiyak na si Dasha kaya tumungo kami sa loob ng library malapit sa ABM Building para naman makaiwas sa mga ingay na tao.

"So ano bang nangyayari?" buti na lamang at walang mga tao dito at isa pa buti na nga lang mahaba pa ang oras.

"Nag trending si Dasha yung gabing sumayaw sya ng budots." sagot ni Yazie kay Bright.

"What!?" bulyaw ni Bright kaya sinita ko ito. "Wag ka naman maingay girl nasa library tayo paalala ko lang."

Kumalma ito at muling na upo sa tabi ko. "Sino nag pakalat?" inis nito.

"Hindi namin alam, wala pa kaming nalalaman." sagot ni Clarence.

"I know him." sabi ko agad dahilan upang lahat ng tingin nilang tatlo sa'kin. "Kilala mo na sya?" si Dasha mukhang nag karoon na ng pag asa.

"Amm pangalan nya lang ang alam ko actually."

"Taena." singhal ni Bright. "Sino yan at mabugbug na."

See! Ganyan si Bright palaaway.

"Preston. Yun lang alam ko."

"Paano mo naman nalaman?" Yazie asked.

In Engraving The Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon